(10)

15 2 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas. Nagpapasalamat nga ako dahil natapos na din ang suspension ko. Marami-rami din akong nalagpasan na lessons kaya dapat kailangan kong humabol.

I may be a war freak girl pero hindi naman ako tambay. Kahit papaano may malasakit at utang na loob pa rin ako kay tita Precy. Okay na yung hanggang pagtawag lang sa kanya ng principal at teachers ko, 'wag lang makita niyang puro bagsak ang grades ko.

I stretch both of my arms while walking down the hallway. May mga nakatingin sa akin na ibang estudyante, may mga nanlilisik ang mga mata, may mga umiiwas at may mga natatakot. Siguro hanggang dito kalat yung balita sa ginawa ko sa mukha ni Seth.

"She's so kapal to even lay a finger on Seth's face..."

"She's pretty nga but so cheap naman..."

"There's no single finest in her body, oh em gee..."

E, kung hilahin ko kaya ang mga dila ng mga 'to para dumiretso pananalita nila. They are so conyo. It's so nakakainis—Pweh! Pati tuloy ako nahahawa! Yuck.

Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko pababa ng building. Hindi ko na lang pinapansin ang mga tingin at bulong-bulungan tungkol sa'kin. They are all acting like a jealous girlfriends... kahit hindi naman isa sa kanila ang girlfriend. As if naman na aagawin ko si Seth. Baka nga ipasok ko pa sa bunganga nila para lamunin na nila 'yang si Seth. Tss.

Habang bumababa sa hagdanan napalingon ako sa isang babaeng tumatawag sa'kin.

"Ate Imani!"

Napataas naman ang kilay ko dahil yung pinsan ko pala yung tumatawag sa'kin. Tumigil ako sa pagbaba ng hagdan at hinintay siya makarating sa puwesto ko.

"Ate Imani..." hingal na hingal nitong sabi habang nakatungkod ang mga kamay nito sa tuhod, "k-kanina ka pa... pinapahanap ni kuya Axel sa'kin. Hindi ka daw kasi... sumasagot sa mga text niya."

Pagkatapos niyang sabihin ito agad ko naman inilabas yung cellphone ko sa bulsa ng uniporme ko. 10 messages from Axel...

"Shit. Sige, mauna ka nang umuwi. Pakisabi na lang kay tita na may pupuntahan lang ako."

Tumango naman ang pinsan ko sa sinabi ko.

"Ingat ka pauwi. And thank you," I said while messing her hair. Tinapik niya yung kamay ko na ikinatawa ko naman.

Nang makaalis na ang pinsan ko, binisa ko naman agad yung mga text sa'kin ni Axel.

The first three messages na sinend niya sa'kin ay parahas lang yung nakalagay tapos ang pitong messages naman puro 'hoy', 'try opening your phone', 'reply agad', and so on. After reading all his texts, I quickly run down the stairs. Dahil yung last text niya ay sinabi niya na naghihintay daw siya sa'kin sa may labas ng school.

Nakita ko siya na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa relos niya. Lumapit ako dito at naramdaman niya siguro iyon kaya napatingala siya. Bumangad sa'kin ang kanyang mga ngiti.

"You didn't tell me na nasuspend ka pala?"

"Why hello to you too," I said with a smug look.

Umiling na lang siya at natawa. Tumayo siya ng maayos sa pagkakasandal niya sa kotse niya at pumunta siya sa may front seat at binuksan ito.

"Get inside. May pupuntahan tayo."

Sinunod ko na lang yung utos niya dahil kapag nagtanong pa ako kung saan kami pupunta ay wala rin naman akong makukuhang matinong sagot sa lalakeng ito.

Sinara niya yung pintuan ng front seat at tsaka siya pumunta sa driver's seat. He started the engine. Ibinaba ko yung upuan ko at pinindot ang power ng radyo sa isang kilalang estasyon. Sugar by Maroon 5 is now playing...

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon