(3)

16 0 0
                                    

Kinabukasan, hinatid naman ako ni Tita sa school dahil kailangan daw siya kausapin ni Miss De Leon tungkol daw sa'kin. Sa buong byahe namin ang naging tugtog ko sa loob ng kotse ay yung mga sermon ni Tita Precy. Ano na naman daw ang ginawa ko? Blah blah blah.

"Tita, walang naman po akong ginawang masama," depensa ko habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas.

"Nako, ikaw talagang bata ka! Kulang na lang atakihin ako sa puso nung tinawagan ako ng advicer mo," angal nito habang nagmamaneho. "Ano na lang ang sasabihin ng mga teacher sa'kin, na hindi kita pinalaki ng maayos," dugtong nito. Bumuntong-hininga na lang ako. Pang-lima ko na nga yata ito, e.

Nang makarating kami sa school, ipinarada muna niya yung kotse bago ako lumabas dito. Ikinawit ko yung backpack ko sa kanang balikat ko at nauna nang pumasok sa loob. Alam naman na siguro ni Tita kung saan yung Teacher's Faculty. Tutal dito rin naman nag-aaral si Kaitlin.

Pagkapasok ko sa loob ng room, tinapunan ko naman ng mga tingin yung mga kaklase ko pero umiwas lamang ang mga ito. Kung makaiwas naman sila parang may sakit akong nakakahawa. Mas healthy pa kaya ako sa kanila!

Kokonti pa lang naman ang tao sa loob ng room. Nanlaki naman yung mata ni Trinity nung nakita ako nito.

"Ang aga mo yatang pumasok?" pagdududa nito sa'kin.

Sumalampak naman ako sa upuan ko at ibinaba yung bag na naka-kawit sa balikat ko at inilagay sa gilid ng upuan ko.

"Haay!" buga ko bago tumingin kay Trinity. "Pinatawag na naman kasi si Tita ni Miss De Leon," tamad kong sabi sa kanya.

"Sinumbong ka yata ni Miss Cruz kahapon," banggit naman nito. I grunted bago ko ipinatong ang ulo ko sa armchair ng upuan ko. Minus points na sa'kin yung epal na substitute na iyon. Akala ko pa naman hindi epal na epal.

Hindi naman ako tinigilan ni Trinity sa mga kwento niyang anything under the sun. Pero nakuha naman agad ng atensyon ko nung may binanggit ito tungkol sa bagong estudyante. Lumingon ako sa kanya at pinakinggan lang yung nasagap niyang kwento. May lahi yatang chismosa 'tong si Trinity. Araw-araw ang daming kinukwento.

"Temporary student lang daw yata yung bago nating classmate. At tsaka, alam mo ba," ipinatong niya yung kamay niya sa braso ko at halos mapunit na yung mga labi niya sa pag-ngiti nito, "Gwapo pati may pagka-bad boy daw yung transferee," she excitedly said.

"Ah," ang tanging sagot ko.

"Pakiramdam ko nga na bagay kayo kasi ikaw medyo bad girl tapos siya naman bad boy. O'diba, perfect match!" pang-aasar naman nito sa'kin.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo, Trinity. Kaya ka sinasabihan na hopeless romantic, e," sagot ko rito pero tinapunan naman niya ako ng masasamang tingin.

"At least hopeless romantic hindi pusong bato," depensa nito at nilabasan pa ako ng dila.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko at inirapan ko siya. Buti hindi ako nahihilo sa kakairap ko.

Habang hinihintay namin mag-bell. Isinaksak ko muna yung earphones ko sa aking tenga para makinig ng tugtog. May thirty minutes pa naman natitira bago mag-time. Kaya ang ginawa ko ay umidlip muna ng saglit.

Napadilat naman ako nung may kumakalabit sa akin.

Tinanggal ko naman yung earphones sa tenga ko at umayos ng upo bago ko tiningnan si Trinity na naka-kunot yung noo ko. "Hoy, gumising ka na diyan!" pabulong nitong sigaw sa'kin.

Little Monster, Rena || (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon