Chapter 5: Virus

18 1 0
                                    

Nandito padin kami sa loob ng shop nakatunganga. Ano pabang ginagawa namin dito? -___-

"May kasama kaba na iba pang survivor?" Biglang tanong ni matt kay samara.

"Wala na." Maikling sagot niya.

"Paano mo kami nakita?" Ako naman yung nagtanong. Syempre, Parang coincidence na nakita niya kami.

"Actually, naglalakad lang ako sa gubat na yun. Then nakarinig ako ng tunog ng kotse. Tumakbo agad ako dun. Tapos hindi niyo pa siguro ako napapansin pati na yung zombie na kakagat sana sayo. Busy kayong tignan yung kotse niyong dinudumog ng zombies." Sabi niya samin. So, should i thanks to her for saving me?

*BOOGSHS!BOOGSHS!*

Bigla nalang kami napatayo sa malakas na pagdabog mula sa labas. Langya! Kahit kailan. Pampam talaga 'tong mga zombies na 'to eh.

"Malapit na nila masira yung pintuan. What should we do?" Sigaw ko sa kanila. Bakit ang lakas nila?

"There." Turo ni samara sa kisame. Diyan kami dadaan?

"Tabi tabi!" Umiwas agad kami kay matt na may hawak na malaking kahoy tsaka pinukpok sa kisame. Kahoy lang naman din yung kisame kaya hindi masyadong nahihirapan sa pagbutas ng kisame si matt.

Nung sakto na yung butas para samin. Pinagpatong-patungan namin yung mga upuan na nandito. Nauna nang umakyat si samara.

Pagkaakyat niya. "Ikaw na. Bilis!" Sabi ko kay matt.

"Why would i? Ikaw na umakyat. Bilisan mo na. Makakapasok na sila!" Sigaw ni matt sakin.

"Ikaw na sabi eh!" Ang kulit nitong mokong na'to.

*GROWWWL!!* SHIT.

"Bahala ka nga diyan makaen. Tss, Ang arte arte kasi." Tangina mo sagad.

Umakyat na si matt.

*GROWWWLS!*

"Bilisan mo naman! Napakabagal mo!" Taranta kong sabi. Paano ba naman, Nakadungaw na yung mga ulo nila sa pintuan. Kapag hindi pa namin binilisan. Makakaen nalang kami dito.

"Paano, ang arte arte mo! Ikaw na pinapauna." Sigaw niya pabalik sakin. Tsaka pilit inaakyat yung sarili niya.

Nung nakaakyat na si matt. Dali dali nadin akong umakyat sa upuan. Nung nakadungaw na yung ulo ko sa kanila.

Makakaakyat nadin sana ako nung may humihila na sa paa ko. Bullshit!

"AHHHHHHHH!!" Sigaw ko. Hinawakan agad ako ni matt bago pa ako bumagsak ulit sa baba. Nawala na yung mga upuan!

"FVCKIN BULLSHIT!" angil ni matt habang pinipilit akong iakyat. Si Samara naman, Biglang nawala. Saan nagpunta yun?!

"DON'T YOU DARE TO LET ME GO! I SWEAR! I WILL KILL YOU!" Pagbanta ko kay matt. Ang hirap kumawala sa mga zombieng pilit akong binababa. Buset!

"HEY! COME HERE! COME HERE!" Narinig ko yung boses ni Samara mula sa baba. Anong ginagawa niya?!

"Humawak kalang ng mahigpit." Nakikita kong hirap na hirap na si matt sa paghila sakin pataas. Nararamdaman kong dumudulas na yung kamay ko sa kamay niya. NO! NO!

"Shit naman."

Naramdaman kong nawawala na yung mga zombies na humihila sa'kin. Kaya hindi na masyadong nahirapan si matt sa paghila sakin.

Nang makaakyat na'ko. Napahiga nalang kaming dalawa sa sobrang pagod. Putapete lang!

Wait, Si Samara! Napatayo agad ako at hinanap ng mata ko si Samara.

Nakita ko siya di kalayuan na nakikipaglaban sa mga zombies. No way! Napapalibutan na siya.

Kinuha ko yung baril ko mula sa gun pocket sa bewang ko tsaka binabaril yung ibang zombies na malapit kay samara.

Ganun nadin ginagawa ni matt.

Nang wala nang gaanong zombies sa harapan niya. Tumakbo na ulit siya pabalik dito.

"Enough. Tara na!" Sigaw ko kay matt tsaka pumunta dun sa hagdanan. Parang pang emergency na hagdanan. Bumaba na kami mula sa bubong.

Pagkababa namin. Binaril namin yung mga zombies na nasa loob ng shop na lumabas ulit.

Nang makalapit na samin si Samara. Umalis na agad kami sa lugar na yun.

Hayst! Nakakapagod yun ha. >_<

Nang makalayo na kami. Tumigil na kami sa pagtakbo. Lintek! Nasan naba kami?

"Paano na tayo makakapunta sa alexandria nito!" Inis na sabi ko. Abey! Kung saan saan nalang kami napadpad.

"Alexandria?" Kunot-noong tanong ni samara. Alam niya kaya yun?

"Oo. Dun talaga destination namin. Kaso epalogs yung mga zombies sa dadaanan namin. May naiwan pa kaming ibang gamit dun sa kotse. Hayst!" Ano ba naman kase. Nakakastress bes!

"Bakit kayo pupunta dun? Ano namang gagawin niyo dun?" Tanong niya ulit.

"Gusto lang namin malaman kung nandun paba yung mga magulang namin nitong si matt. Pumunta na kami kasi dun once. Eh secured ang lugar na yun. So, possible na may mga survivors dun." Mahabang paliwanag ko.

Lalong kumunot ang noo niya. Problema nito? "Imposible yun. Dun nagsimula ang virus." Sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad. Wait.. What did she say?

"What do you mean?" Tanong ni matt.

"Nandun ako nung time na kumalat ang virus. May natapon kasing isang experiment project sa laboratory. Hindi ko alam na ang virus na kumalat ngayon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng zombie apocalypse. And i'm the one who survived that virus. Nakamask kasi ako nung time na yun. Eh kumalat na sa hangin ang virus kaya madaming nahawaan. Pero ngayon, hindi na tayo matatablan kasi 6 months na ang nakalipas. Pero posible padin na mahawaan ka kung mahina ang katawan mo." Mahabang paliwanag ni samara samin. Hindi maprocess sa utak ko yung nalaman ko ngayon.

Ang dami nanamang tanong sa utak ko. Bakit ang sabi ni mommy na safe kami sa lugar na yun kung sakaling di kami naaksidente? Bakit gumawa sila nang ganung experiment? Sila mommy at daddy? Sila ba gumawa nun? Imposible yun. Argh! Sumasakit yung ulo ko..

"Ano pang alam mo?" Diing tanong ni matt. Pati din siguro siya iniisip kung yung mommy at daddy niya ang gumawa ng virus na yun.

"Yun lang ang alam ko. Wala na kong alam." Sagot ni samara.

"May kilala kabang Maricar and Matteo Salvador?" Tanong ni matt.

Napaisip si Samara. "Wala." Sagot niya

"How about Krisha and Kristoffer Lee?" Tanong ko. Baka sakaling alam niya.

"Nah, I don't know them." Sagot naman niya. Tinitigan ko si Samara kung nagsasabi siya ng totoo. Pero halata sa mata niyang wala talaga siyang kilalang ganun. What the hell? Papaanong hindi niya kilala sila mommy kung dun naman sila nagtatrabaho?

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Mga kilala mo ba yung mga scientist dun?" Tanong ni matt.

"Hindi eh. Masyadong tago ang identity nila. Tago din yung mga mukha nila kapag lalabas sila. Tsaka minsan lang sila pagala gala sa buong lugar ng alexandria kasi nakastay lang sila sa laboratory." Sagot naman niya.

Mapapatay ko talaga kung sino man ang gumawa ng virus na yun. Tsss

Wala nang nagsasalita samin. Parang may kaniya kaniya kaming malalim na iniisip. Mapapaisip ka naman kasi talaga kung bakit kailangan gumawa ng ganung experiment. Ano yun trip lang nila?

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon