Chapter 12: Bitch Vs. Bitch

14 0 7
                                    

Pumasok nadin ako sa loob ng bahay pagkatapos kong mag-isip isip.

Pagkapasok ko sa pintuan, Nakita ko si Charice at Matthew na nagtatawanan sa may sala.

So, Close na agad sila niyan? Dikit na dikit silang dalawa eh. -.- Tss

Napatingin sa'kin si Matt. "Saan ka galing?" Tanong niya sa'kin.

"Diyan lang." Malamig na sagot 'ko. Naglakad na 'ko papuntang kwarto ko nang hawakan ni Matt yung wrist ko. Kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Kagagaling mo lang sa sakit. Kung saan saan kana pumupunta." Sabi niya sa'kin. Tinignan ko siya. Ano bang problema niya?

"The hell i care." Inirapan 'ko siya tsaka inalis yung kamay niya sa wrist 'ko at umakyat na.

Ramdam kong nakatingin padin sa'kin si Matt. Tss

Nakasalubong ko si Samara. "Hey.." Bati niya sa'kin. Napatango naman ako sa kaniya.

"Ang sungit ah. Meron ka?" Pang-aasar niya sa'kin. Napakunot-noo naman ako.

"Tsk" Napatawa naman siya. "Parang nag-iba yung awra mo simula nung magising ka galing sa pagcollapsed mo. You really okay now?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman agad ako. "Yeah."

Tumalikod naman agad ako para pumunta na sa kwarto 'ko.

"Aalis na tayo bukas dito." Pahabol na sabi sakin ni Samara. Napalingon ulit ako sa kaniya pero naglakad na siya pababa. Sabagay, Ilang linggo na kami namamalagi dito at pupunta pa kaming alexandria. I forgot.

Samara's POV

Ako lang ba nakakapansin sa kinikilos ni Krizzia? Para kasing nag-iba siya eh.

Simula nung magising siya kanina, Parang lagi na siyang masungit. Tapos ang sama lagi ng tingin. Tapos tahimik. Tapos parang ang lalim ng iniisip niya. Tapos heto pa ha? Ang bilis niyang makaramdam.

Paano kasi, diba nagkasalubong kami kanina. Papunta ata siya sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang gulatin kasi parang lutang siya. Kumbaga, hindi mo mapapansin na may makakasalubong kana pala. Ganun siya. Tapos nagulat ako napatingin siya sa'kin.

Nanlamig nga ko bigla sa tingin niya eh. Ang cold ng dating. Napa-hey nalang tuloy ako sa kaniya.

Nakakaloka lang kasi hindi naman siya ganun dati. Simula lang talaga nung magising siya.

"Lalim ng iniisip ha?" Sabi sa'kin ni matt. Tinignan ko naman agad siya.

"What?" Nagtatakang tanong 'ko. Tumawa siya. "Sinong iniisip mo?" Pang-aasar niya sakin sabay grin.

"Wala." Sabi ko nalang.

"Babe!" Biglang dumating si Charice. Ayoko man sabihin 'to pero ang sama ng kutob 'ko dito eh. Pero di ko nalang pinapahalata. Baka kasi ako lang nakakaramdam nun.

Teka wait.. babe daw?

"Oh bakit babe?" Napatingin si Matt kay Charice.

"Babe?" Tanong 'ko. What's the meaning of this? Sila naba? Hindi pwede! TEAM KRIZZTHEW ako 'no! Mas nakakatuwa kayang tignan sila Krizzia at Matthew kung paano magbangayan yung dalawa. Lakas kaya ng chemistry nilang dalawa. Hahahaha! XD

"Yah. Endearment naming dalawa. Gusto mo tayong dalawa din?" Sabi niya sabay ngiti. Napailing nalang ako.

"Okay then. Tara babe, samahan mo 'ko sa labas." Pang-aaya ni Charice kay Matt sabay hawak sa braso ni matt.

-___________- wtf? Parang may karibal si Krizzia ha? Well, May karibal din naman si Matt. Si kenchie! Hahaha. What a love square. XD

Umalis na silang dalawa sa harap 'ko. Saktong pag-alis nilang dalawa. Dumating naman si Krizzia dito sa kusina nang nakasimangot. Anong problema nito?

"Fvck" she mumbled.

"You looked upset." Sabi 'ko sabay kumuha ng crackers sa isang cabinet.

"Ts." Ang sungit talaga nito -_-

Tinignan ko lang siya na kumukuha ng tubig at pag-inom niya. "Bakit ba may kasama tayong linta dito sa bahay na'to?" Tanong niya sa'kin pagkatapos niyang uminom.

Uh-oh! Smell something jelly fish here! Hihi

"Gustong gusto naman nung bakulaw na yun. Pagbuhulin ko pa silang dalawa eh." Inis na sabi niya. Wahaha! Obvious na si ateng mga bes. Sumandal ako sa pader.

"Kung may linta. May jellyfish din dito." Sabi ko. Sabay kuha ng crackers at kinaen.

Napatingin naman agad sakin ng masama si krizzia. What's with that glare?

"Im not jealous okay? Nakakairita lang yung Charice na'yun. Sama nang kutob ko dun eh" Sabi niya. Napaayos naman agad ako ng tayo. So, siya din pala?

"Yeah. I agree with you." Napakunot-noo siya sa'kin. "So, ikaw din?" Tanong niya sa'kin.

Tumango naman agad ako. Magsasalita na sana ako nang nag-act si Krizzia na wag daw akong maingay. So, Tumahimik ako.

Why?

Nakita 'kong naglalakad papunta dito si Charice. Napatingin ako sa kaniya.

"Hi Krizzia!" Bati niya kay krizzia nang nakangiti. Nakapoker face lang si krizzia na nakatingin kay Charice.

"Why so sungit?" Tanong nito habang kumukuha ng mga junkfoods.

"Its none of your business." Malamig na sagot nito.

Napansin ko namang umirap ng palihim si Charice. Whoa! May attitude.

"Is that so?" Taas-kilay na tanong ni Charice.

"Oh, Buti naman nailabas mo na ang bitch side mo." Sabi ni krizzia sabay smirk. Mukhang magandang palabas 'to ha! Hahahaha. Live na live!

"Nakadepende kasi yung ugali 'ko sa taong kaharap at kausap 'ko." Sagot naman pabalik ni Charice.

"Same here. Lalo na kung yung taong kaharap ko. Mas bitch pa sa'kin." Nakataas nadin yung kilay ni Krizzia.

Nagkatitigan silang dalawa. Walang nagpapatalo sa sama ng tinginan nilang dalawa sa isa't isa.

Napansin kong naging poker face na yung mukha ni Krizzia. Napatingin ako sa biglang dumating.

"Babe, what took you so--?" Napatigil naman agad si matt sa pagsalita.

"Oh babe, im sorry. Nag-usap lang kami ni Krizzia. Right?" Sabi nito sabay ngiti kay krizzia. Plastic bes! -___-

Napakunot-noo nalang si Krizzia. "Tss." Umalis nalang si krizzia dito sa kusina. Napansin kong sinundan ng tingin ni matt si krizzia paalis.

"Lets go babe?" Ngiting sabi ni Charice dito. Napatango nalang si matt.

Hay nakooo.. Napailing nalang ako sa mga nangyayari.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon