Chapter 3: Alexandria

18 1 0
                                    

Nandito kami sa isang lugar kung saan sila nagsstay. Hindi ko alam kung saan 'to. Pero kung titignan, Iisang bahay lang nandito. Para kaming nasa farm? Kasi ang lawak ng lugar. Tapos second floor pa yung bahay. May mga bakod bakod din. Siguro para di makapasok yung mga zombies.

Ang dami nila dito. Nasa bente silang nandito sa lugar na 'to. Ang dami pala nilang survivors. At ang lolo ni jane ang nagmamay-ari ng lugar na 'to. Hindi daw masyadong lapitin ng zombies dito dahil wala naman gaanong tao dito. Sila sila lang daw.

Si jane, ang lolo niya, kapatid niyang lalaki at ang tatay niya lang dito ang nakatira noon.

Nung pagkwekwento ko sa kanila kagabi tungkol sa hospital. Nagtataka din sila dahil nakatagal daw ako ng 6 months sa hospital na yun na ganto na ang nangyayari. Well, paano ko malalaman kung wala pa kong malay nun.

Kasalukuyan akong tumatanaw sa papalubog na araw ng may magsalita sa likuran ko.

"Why are you alone?" Napalingon ako. Nakita ko si matthew na nakatingin din sa sunset. Kinakausap niya ko?

Ay natural krizza, dalawa lang kayong nandito. Natural na ikaw ang kausap niya. -_-

"Nothing, I just want to be alone." Simpleng sagot ko.

"Why? Ayaw mo ba sa loob?" Tanong niya. Wow, Akala ko hindi palasalita 'to. Look at us. Nagdadaldalan kami.

"Later, Hm.. Iniisip ko kasi kung bakit nangyari 'to? And.. Paano nagsimula 'to." Oo nga. Bakit nga ba ganoon?

Nagkibit balikat siya. "Parehas lang tayo na hindi alam ang nangyayari at kung bakit." Sagot naman niya habang pumipitas pitas ng nga dahon.

Napayuko nalang ako.

"We're going to alexandria, krizza."

Bakit ba lagi ko nalang naalala yung sinabi ni mommy?

Baka..

Tama! Baka kasi nandun pa sila mommy, baka buhay pa sila. Kaya naman ng mga taong nandoon na patayin ang mga zombies dahil may mga armas at secured ang lugar na'yon.

Napalingon ako kay matthew. Tumingin din siya sakin na nagtataka. "Hm, Alam mo ba yung lugar na Alexandria?" I asked him.

Napakunot-noo siya. Hilig niya nun. "Napuntahan ko na yun isang beses. Dahil isa si mommy dun na nagtatrabaho. Why?" Waaa! Baka alam niya kung saan yun. Tsaka dun nagtatrabaho ang mommy niya? Anong trabaho naman yun?

"I just want to go that place as soon as possible." Confidence kong sagot.

"Why? Tsaka malayo ang lugar na 'yon mula dito. Baka aabutan tayo ng ilang araw bago makarating dun." Sabi niya sakin.

"Please, Just help me. Nung bago kami maaksidente ni mommy. Papunta sana kami sa alexandria." Pakiusap ko sa kaniya.

Tinitigan niya ko. Parang ang lalim ng iniisip niya. "At isa pa, baka buhay pa ang mommy mo dun. Kasi parehas lang tayo na isang beses palang nakakapunta dun. Nakita mo naman ata kung anong itsura doon diba? Masyadong secured. Kaya imposibleng mapasukan sila ng mga zombies." Sabi ko pa.

Napaiwas siya ng tingin sa'kin. "Im sorry pero hindi kita matutulungan. Imposible din ang sinasabi mo dahil 6 months na ang nakaraan. Baka napasukan na sila dun. Tsaka si mommy? Patay na siya. Pinatay siya. Bago pa man mangyari ang lahat ng 'to. Pinatay siya mismo sa harapan ko. Pinatay siya ng di ko kilalang lalaki." Sabi niya nang hindi nakatingin sakin.

Aww. Hindi nalang ako umimik. Pero desidido na ko na pupunta ako sa alexandria. Kahit ako lang mag-isa.

Kaya siguro sinabi ni mommy yun. Kasi sabi niya pagkarating daw namin dun. Magiging safe daw kami.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon