Chapter 14: Rain

10 1 0
                                    

Samara's POV

Kalahating oras na kaming naghihintay sa kanilang dalawa pero wala padin sila dito.

Ang sabi sa'kin ni Krizzia, Kapag nakarinig kami ng putok ng baril. Umalis na kami agad dito.

"Where are they naba?" Maarteng tanong ni Charice. Hindi ko siya pinansin. Baka masakal ko lang 'to kapag papatulan ko yung kaartehan niya.

Nandito lang kami sa loob ng Van na naghihintay. "Si kuya matt!" Biglang sigaw ni Athena sabay turo. Tinignan ko naman agad yung tinuturo ni Athena.

Nakita 'kong tumatakbo si Matt papunta dito na may dalang maliit na galon. Wait.. Where's Krizzia? Bakit hindi niya kasama?!

Dali-dali akong bumaba ng Van at sinalubong si Matt. "Nasan si krizzia?!" Bungad ko kay Matt nang makalapit na siya dito sa'min. Ramdam kong nagsibabaan nadin sila Ken sa Van.

Hindi niya 'ko pinansin. Nagdirediretso lang siya kung saan ilalagay yung Gasolina.

"Mat! Answer my question! Where's krizzia?!" Naghehesterical na tanong 'ko. Kinakabahan ako. Bakit hindi niya kasama..

"Baka she's dead." Biglang nagbago yung mood ko sa narinig ko mula kay Charice.

Tinignan ko agad siya ng masama. At napa-what siya. "Gusto mo ikaw patayin 'ko?" Inis na sabi ko sa kaniya. Kahit kailan epal 'to eh. -.-

"Girls, shut up. Nasa Gas Station siya. Nagpaiwan siya dun. And can you please help me to do this? May mga zombies dun. Kailangan nating bilisan." Sabi ni matt. Habang naglalagay ng gasolina. Tinulungan naman agad siya ni Ken.

Zombies? "Bakit mo kasi siya iniwan?!" Inis na tanong 'ko sa kaniya.

"As what i've said, NAGPAIWAN siya. Hindi ko gusto na iwan siya. Kailangan niya daw bantayan yung tatlong galon dun dahil baka kapag kasama siya dito pabalik. Pagdating natin 'dun. Baka nakakalat na yung mga zombies. Hindi natin makukuha yung tatlong galon dun na may gasolina. And don't worry, hindi naman siya makikita dahil nasa eskinita yung mga zombies. And kailangan nalang niyang gawin ay hindi mag-ingay." Mahabang paliwanag niya samin.

Naubos na yung isang galon. May natitira pang isa. Kaya nilagay agad nila.

Malapit na maubos yung natitirang galon nang may marinig kaming putok ng baril.

NO WAY! "Make it fast!" Nagmamadaling utos ko sa kanila. Binilisan naman agad nila.

Nang matapos na kami lahat lahat. Dali-dali kaming sumakay sa loob ng Van. Hindi na nagdalawang isip o' magsalita pa si Matthew. Pinaandar na niya agad yun Van.

Hindi lang isa o' dalawa yung mga naririnig naming putok ng baril. Ang dami na. Motha'fvcker! Siguradong napapaligiran na si Krizzia dun!

Nang makarating na kami agad sa tapat ng Gas Station. Kitang kita namin kung paano makipaglaban si Krizzia sa mga zombies.

Literal na napanganga ako dahil sa awra na meron si krizzia ngayon. Parang hindi siya yun.

Kitang kita ng dalawa 'kong mata kung paano niya barilin ng dalawa niyang baril yung mga zombies at kung paano niya pagsisipain ang ibang nakakalapit sa kaniya.

Lumabas na agad kami sa loob ng Van para tulungan si Krizzia sa pakikipaglaban.

"Ken, Kunin mo yung mga galon at ilagay sa comparment." Utos ni Matt sa pagitan ng pagbabaril. May lumalapit nadin kasi sa'min.

Napatingin naman agad samin si Krizzia. Nakapokerface lang siya. Tapos napatingin siya sa may malaking drum. "Hey boy! Run faster." Sigaw niya habang nakatingin sa malaking drum. Anong ginagawa niya?

May lumabas na batang lalaki sa malaking drum na yun at tumakbo papunta samin. "Samara! Kunin mo yung bata." Sigaw ni Krizzia. Tumakbo agad ako sa batang papalapit samin. Kinuha ko agad siya at binuhat nang makalapit siya sa'kin.

Umiiyak siya.

Pinayuko ko siya sa balikat 'ko habang winawasiwas sa mga zombies yung katana 'ko. Nang makalapit na 'ko sa Van. Pinasok ko agad siya sa loob ng Van. "Stay here okay?" Utos ko sa kaniya. Tumango naman agad siya. Tinap ko yung ulo niya at sinarado yung pintuan ng Van.

"Where is he?" Tanong sa"kin ni Krizzia. Nakalapit na pala siya dito sa'min. Tinuro ko naman agad yung loob ng Van. Napatango naman agad siya at nagpatuloy sa pagbabaril.

Tinignan ko naman agad si Ken kung tapos na ba siya sa paglalagay ng galon sa compartment. Nang makita kong sinarado na ni Ken yung Compartment.

"Lets go! lets go!" Sigaw ko sa kanila. Napatingin naman agad sa'kin sila krizzia.

Umaatras na sila palapit sa Van. Hindi maubos ubos 'tong mga zombies. Hindi ko alam kung saan ba sila nanggaling. Para kasing kapag may napapatay ka, may dadating nanamang panibago.

"AHHHHHH!!" Napalingon ako kung saan galing yung sigaw na'yun.

Nanlaki yung mata 'ko sa nakita ko. SHIT!

"ATHENAAAAAAA!!!!" Sigaw ni Charice. Tatakbo sana siya papunta kay Athena nang pinigilan siya ni Kenchie.

"NO! LET ME GO! ATHENAAAA! I SAID, LET ME GO!" Umiiyak na siya habang nagpupumiglas sa hawak ni Ken.

Kitang-kita namin kung paano kainin ng mga zombies si Athena. Paanong nangyari yun? Bakit ba siya napunta sa pwesto na yun?

"HELP MEEEEE!"

"Lets go out of here!" Sigaw naman agad ni Krizzia.

Pumasok na kami sa loob ng Van. Si Ken, Binuhat nalang si Charice para makapasok sa loob ng Van.

Nang makapasok na kaming lahat. Pinaandar na agad ni Matthew yung Van. Binalik ko yung tingin ko habang papalayo kami sa lugar kung saan pinagpiyepiyestahan si Athena ng mga zombies.

Napakagat nalang ako sa labi sa nangyari. Nabawasan na kami ng isa..

Rinig kong iyak padin ng iyak si Charice. Tinignan ko yung bata sa tabi 'ko na nakatahimik lang.

"Hey litte boy, What's your name?" Mahinang tanong 'ko sa kaniya. Napatingin naman agad siya sa'kin. "Rain po." Sagot naman niya.

"How old are you?"

"9" simpleng sagot niya. Mas matanda ng dalawang taon si Athena kay Rain.

"Paano ka napunta sa lugar na'yun?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagpagasolina po kasi kami nun nila mama at papa. Tapos, nasa loob po ako ng 7/11 para kumuha ng mga foods. Nakita ko kung paano kainin sila mama at papa ng mga zombies. Nagtago nalang po ako sa loob ng 7/11." Paliwanag niya.

"Ilang araw ka nandun?" I asked him.

"Dalawang buwan po. Tapos nakita ko po silang dalawa." Turo niya kanila matt at Krizzia.

Napatango tango nalang ako. Dalawang buwan? Natiis niyang mag-isa nang dalawang buwan? "You're safe now Rain, So don't you worry." Sabi ko sa kaniya at tinap yung ulo niya.

"Can i sleep?" Tanong niya sa'kin. Halatang pagod na pagod siya.

"Sure." Umurong ako ng kaunti para makahiga siya at gawin unan yung binti 'ko.

Humiga naman agad siya. Sinusuklay suklay ko lang yung buhok niya.

Nakangiti ako habang tinititigan si Rain nang natutulog. Para kasing kapatid ko siya eh. Kasing edad niya lang din siya. Pero he died because of leukemnia.

I missed you my brother, Sander.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon