Chapter 11: Charice is an enemy or an allied?

15 1 0
                                    

Krizzia's POV

Nagising ako sa sinag nang araw na tumatambad sa mga mata 'ko.

Hinawakan ko 'yung ulo ko dahil biglang sumakit. What happened to me?

Parang ilang araw akong tulog 'ha? Ang huling naalala ko lang. Ang sama ng pakiramdam 'ko. Tas nafeel ko na babagsak ako..

Babangon na sana ako ng mapalingon ako sa kaliwa 'ko. Huh?

Nakadukdok si matt sa kama nang nakaupo sa lapag habang hawak ang kaliwa 'kong kamay.

Hindi 'ko alam kung bakit bigla nalang ako napangiti.

Naramdaman 'kong gumalaw siya. Gising na siya!

Tinaas niya yung ulo niya at napatingin sa'kin. Di ko alam kung nakapikit lang ba siya dahil ang liit ng mata niya o' tinititigan niya lang ako.

Tapos napansin 'kong nanlaki bigla yung mata niya. What?

Ang naramdaman 'ko nalang ay nakayakap na siya sa'kin ngayon.

At ako? Parang natulala ako. SRSLY? What the fvck is going on?

"Finally, Gising kana." Sabi niya sa pagitan ng higpit ng yakap niya. Aray ha!

"W-wait.. I can't b-breathe." Nauutal 'kong sabi. Nakakaloka naman kasi! Ikaw ba naman gawing teddy bear. Jusko. -.-

Napabitaw naman agad siya. "Sorry.."

Napakamot nalang ako sa ulo 'ko. Ano bang meron? Para namang ang tagal 'kong nawala sa kinikilos niya.

"Ilang araw ba akong tulog?" Tanong 'ko sa kaniya.

"Two weeks." Two weeks lang pala eh. Ang OA naman nitong si matt-- Wait..

WHAT THE HECK DID HE SAY? Two weeks akong tulog?! Edi wow!

"Hindi ko nga alam kung bakit ang tagal mong magising eh. Nagcollapsed kalang naman. Akala ko nga patay kana eh." Napakunot-noo ako. Akala niya patay na 'ko? Tinignan ko siya ng masama.

"Eh kung ikaw kaya patayin 'ko?" Langya, Ako nanaman trip nitong lalaki na'to.

"Kuware kapa, alam ko namang patay na patay ka sa'kin eh." Sabi niya sabay wink. YUCK! Hinagis ko sa kaniya yung unan. At sapul siya sa mukha.

"Mandiri ka nga!" Sabi 'ko.

"Ang sakit nun ha! Kagagaling mo lang sa sakit kung makapaghagis ka ng unan kala mo naghahagis kalang ng maliit na bato." Sabi niya. Oo nga 'no? Parang ang gaan lang nung unan na hinagis 'ko. Hindi naman malambot yung unan eh. Nung unang araw na nandito kami. Nabigatan ako sa unan na yun.

"Ang sabihin mo, di kalang marunong umilag."

"Tsss. Grabe yung lagnat mo nung nakaraan, para kanang nasusunog sa sobrang init mo." Huh? Ano ba sinasabi nito? Bakit ang daldal niya -___-

"Lumabas kana nga!" Sigaw 'ko.

"Tssss." Lumabas na siya ng kwarto.

Pumunta na 'ko ng CR para maligo. Bakit parang hindi naman ako nagkasakit katulad ng mga sinasabi nung lalaking 'yun. Feel ko nga, parang kayang kaya 'kong manuntok eh. Ang gaan kaya ng pakiramdam 'ko ngayon.

Tss, nagiimbento nanaman siguro yung lalaking 'yun. Ibang klase talaga utak nun!

Pagkatapos 'kong maligo at mag-ayos ng sarili lumabas na 'ko ng kwarto para bumaba.

Nakakarinig ako ng mga tawanan ng mga babae. Huh?

"Mabuti naman at nagising kana. Tagal mong gumising ha." Sabi ni Samara sa'kin pagkadating 'ko sa sala.

Napatingin ako sa dalawang babae na bago sa paningin 'ko. Sino sila?

Nakangiti silang dalawa sa'kin. "Ah! Krizz, This is Athena and Charice." Pagpapakilala ni Ken sa dalawang babae. Yung isang babae. Mukhang 14 years old palang. Yung isa naman parang 20s na.

"Magkapatid ba kayo?" Tanong 'ko. Napailing sila habang nakangiti parin sa'kin.

Weird. Para kasing ang sama ng pakiramdam 'ko sa kanilang dalawa eh. Parang iba yung kutob ko. Napaparanoid lang ata ako.

Tinignan ko ulit sila. Lalo na yung charice "Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong nung Charice.

Napaiwas naman agad ako ng tingin sakaniya. "Nothing, you look familiar. Have we met before?" Tanong 'ko. Para kasing familiar talaga yung mukha niya sakin kaya nakakaramdam ako ng ganto eh.

"Nah.. Imposible namang nagkita na tayo. Eh ngayon lang kita nakilala." Natatawang sabi niya.

Napaparanoid lang siguro ako. "Gutom lang yan krizzia. Kumaen kana dun. Tapos na kami eh." Sabi ni Samara sa'kin. Baka nga gutom lang 'to. Aish! Makakaen na nga..

After 'kong kumaen. Lumabas muna ako ng bahay. Parang gusto kong magpaaraw ngayon eh.

Nagtitingin lang ako sa paligid ng makaramdam ako ng presensiya sa likod 'ko kaya napatingin agad ako. Si charice.

Anong ginagawa niya dito. Tinignan ko naman agad siya.

"Why are you here?" Parang gusto 'ko ng batukan yung sarili 'ko sa tanong 'ko. Para kasing pinapalabas 'ko sa kaniya na bawal siya dito.

Napatawa naman siya. "Wala lang."

Inalis ko na yung tingin ko sa kaniya. "Are you okay now?" Biglang tanong niya sa'kin.

Tumango ako. "Yeah" habang hindi nakatingin sa kaniya. May tinitignan kasi ako di kalayuan. Sa may puno.

Parang may tao dun.

"Good that you're okay now." Hindi ko alam pero parang may ibig sabihin siya sa line na yun. Nagpanggap ako na parang wala lang.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Binalik ko yung tingin 'ko sa may puno. Huh? Nasan na yun? Lalaki siya eh.

"Where is he?" I asked myself.

"You saying something?" Tanong ni Charice.

"Nah.." napailing nalang ako. Paano ba sila napunta dito?

"Paano kayo napunta dito?" Malamig na tanong 'ko. Iba talaga kutob ko dito eh.

"Hm. May humabol kasi saming mga zombies. Tapos nakaen yung boyfriend ko na kapatid ni athena. He sacrificed his life. Tapos, nakarinig nalang kami ng putok ng baril. Sinundan namin kung saan galing yun. Ayun." Paliwanag niya. Napatango nalang ako.

"Eh ikaw? May sakit kaba? Two weeks kang tulog." Sabi niya. So, totoo ngang two weeks akong tulog? Nagsasabi naman pala ng totoo yung mokong na 'yun eh.

But wait.. So it means, Two weeks nadin silang nandito? Dumating sila nung araw na nawalan ako ng malay? Ako lang ba nakakaramdam ng iba o coincidence lang ang pangyayaring 'yun?

"Hey.. You're spacing out. Are you alright?" Nandito pa pala siya.

"I don't know kung bakit ganun nangyari sa'kin. Sumama lang naman pakiramdam 'ko eh." Sabi ko nalang.

"Papasok na'ko. Goodluck" sabi niya sa'kin sabay ngiti. Kakaibang ngiti.

Anong ibig sabihin niya sa'kin sa goodluck thingy na'yun?

Sabi na eh. May iba talaga sa babaeng yun. And im going to find out kung ano ang balak niya.

All i have to do is be alert for what is she going to do to us. Dahil hindi ko alam kung kakampi ba namin siya..

O' kaaway?

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon