Chapter 2: Hospital

24 2 9
                                    

Krizza's Pov

Nagising ako sa isang lugar na puro puti. Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?

Pilit kong inaalala lahat..

Kasama ko si mommy, Pupunta sana kaming alexandria 'kaso may sasalubong saming truck. Tapos.. Argh! What's the next?

Inalis ko yung mga nakakabit sakin. Nasan ba mga nurse 'dito? Tsaka sila daddy. Bakit ang tahimik?

Pilit kong ibinangon yung sarili ko mula sa pagkakahiga sa hospital bed. Ang sakit ng katawan ko potek! Ilang araw ba 'kong tulog?

"N-nurse? M-mommy.." halos pabulong ko nalang nasambit. Nanghihina padin ako.

Tinry ko maglakad pero natumba lang ako.. Shit, Ang sakit nun ha! -.-

Nipilit kong tumayo. Nung nagawa ko na, Naglakad ako papuntang CR.

Tinignan ko yung sarili ko mula sa salamin. Ang pangit ko na haha.

Naghilamos ako para mahimasmasan.
After nun, Lumabas na ko mula sa room.

Ano ba naman kasing hospital 'to. Walang nurse na nagaasikaso sa mga pasyente nila.

Nagulat ako sa nadatnan ko.

Ano nangyari dito?! Parang dinaanan ng bagyo 'tong hospital na 'to ha? Ang gulo. Tas kung titignan sa pinakadulo. Nagpapatay sindi pa yung mga ilaw.

Tangina! Ano yun? Dito ako dinala mula sa aksidente? Tindi naman pala. Eh mukhang haunted hospital ang datingan nito eh.

Imbis na matakot ako, Nainis lang ako. Ikaw ba naman magising sa pangalawang buhay mo tapos ito yung makikita mo.

JUST WTF BES?

Inalis ko yung hospital bed na nakaharang sa dadaanan ko.

Hinahanap ko kung saan ang exit ng hospital na 'to. Nasan naba 'yun?

Habang naglalakad ako at busy ako sa paglinga linga. Nakarinig ako ng ungol.

Teka, Ungol? Saan naman nanggaling yun?

Sa di kalayuan ng hallway, Nakakita ako ng nurse? May nurse naman pala dito eh.

Naglakad ako palapit sa kaniya. "Miss, Ano ba nangyari dito?" Tanong ko kahit malayo pa naman siya. Hindi niya 'ko sinagot. Lumalapit din siya sakin.

*growl*

Napahinto ako sa paglalakad. Tinitigan ko yung itsura niya. Pakshet! Bakit ganun itsura nun?! Puro dugo.

"A-ah, miss? Anong nangyari sa'yo?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Malapit na siya sa'kin. Pero takte! Di ako makagalaw sa kinatatayuan ako.

Ayoko man paniwalaan pero, Alam kong zombie itong nakikita 'ko. Sa hilig ko ba naman manuod ng mga ganung palabas eh. Kaya imposibleng di ko malaman kung anong itsura ng babaeng 'to.

Habang palapit siya ng palapit. Paatras ng paatras naman ako..

Shit. What should i do? I need some random things pampatay sa zombie na 'to.

Habang paatras ako ng paatras. Hindi ko napansin yung isang bakal na dahilan ng pag out balance ko.

Aww. Tangina this! Kagigising ko lang para sa pangalawang buhay ko. Tapos mamamatay din pala ako. Peste! Hindi niyo naman sinabi author na hanggang chapter 2 lang pala 'tong storya ko. Hay na'ko naman!

Napagapang ako sa pagsalampak sa sahig. Ikaw ba naman sumubsob.

Naramdaman kong hawak na ng zombie yung paa ko. Shit! No hella' way.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon