Chapter 8: Sleeping With Him

12 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto 'ko. Iniwan ko si Samara dun mag-isang nagluluto. Bahala na siya dun. Ang lakas naman kasi niyang mang-asar.

Tsaka, Ano bang iniisip niya? Na may gusto ako kay Krizzia? Tss. Bakit naman ako magkakagusto dun sa babaeng walang ibang ginawa kundi magsungit at mantaray.

Hindi din ako nagseselos. Sadyang naiinis lang ako na pagdating sa'kin, Iba ugali ng babaeng yun. Selos ba yung ganun? Hindi ah. Hindi naman ako nagseselos kasi wala akong gusto sa kaniya. Period!

Tsk! Makaligo na nga lang.

After kong maligo, Lumabas na ko sa CR nang nakapants na. Hindi pa ko nagsusuot ng shirt.

*tok tok tok*

Pumunta na ko sa pintuan at binuksan agad. Hindi ko na tinanong kung sino ba yung kumakatok sa pintuan.

Nakita ko si Krizzia sa harapan ko. Anong ginagawa niya dito? Napansin kong namumula siya at napapaiwas ng tingin.

Napatingin ako sa katawan ko. Ay shit! Di pa pala ako nakashirt.

"Hm, B-bilisan mo! Kakaen na." Sabi niya na hindi nakatingin sa'kin tsaka tumalikod at naglakad na ulit pababa.

Napangisi ako. Pfft-- Ang cute niya lang magblush.

Nagsuot na agad ako ng shirt. Nang nakaayos na 'ko. Bumaba nadin ako.

Nakita ko silang tatlo na nagsisimula nang kumaen. Nice! Hindi manlang ako hinintay. At magkatabi talaga sila? -_-

Umupo na ko sa upuan, katabi ng kay Samara. Katapat ko si Krizzia.

So bale, ang katapat ni Samara ay si Kenchie.

Kumuha nalang ako ng pagkaen ko. Makakaen na nga lang tsk.

Tahimik lang kaming kumakaen. Pagtripan ko kaya 'tong babaeng 'to?

Sinipa ko yung binti niya.

"ARAY!" Sigaw ni Krizzia sabay tingin sa'kin ng masama.

Syempre ako, inosente mode lang. Kumakaen lang ako. "Why krizz?" Tanong ni Kenchie. Krizz daw? So close na sila nun?

"Nothing ken. May kumagat lang ng langgam sa binti ko." Pagsisinungaling ni Krizzia sabay ngiti. Ken? Close na nga sila. TSK!

Sa inis ko. Nasipa ko ng malakas yung binti ni Krizzia. Ts! Sorry.. nakakabwiset lang kasi.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Nakatayo na si Krizzia habang sumisigaw sakin. See? Pagdating sa'kin ganiyan siya. Pero sa kenchie na yun. Ang lambing ng boses.

"What?" Maang na tanong ko.

"KANINA KAPA HA!" Halatang naiinis na siya.

"What did i do?" Inosenteng tanong ko ulit.

"TSSSS!" Napaupo nalang ulit siya. Naramdaman kong matatalim ang tingin niya sa'kin. Kasi naman eh! Sana nalang pala, pinabayaan nalang namin itong kenchie na'to na makaen ng mga zombies. Edi sana walang panggulo dito. TSK!

Hindi nalang ako umulit. Baka masapak na'ko ng babae na'to eh.

Silang dalawa ni Kenchie ang naghugas ng mga plato. Kami ni Samara? Nandito sa sofa, Nag-aayos ng mga nakuha naming guns and bullets sa labas. May nakita kasi kaming guns store dun malapit sa Greenfields. Kinuha nalang namin lahat dun.

After maghugas nung dalawa. Dumiretso din sila dito samin. "San niyo nakuha yan?" Tanong ni Krizzia.

"May nakita kaming Gun Store di kalayuan dito sa woodbury." Sagot ni Samara.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon