Chapter 19: Church

9 0 0
                                    

Tumigil na kami sa pagtakbo nang maramdaman naming wala nang mga zombies na humahabol sa'min.

"Magpahinga muna tayo." Sabi ko sa kanila. Huminto nadin naman agad sila sa paglalakad at naghanap ng mauupuan.

Binaba ko naman agad si Rain mula sa pagkakabuhat 'ko.

"Are you okay?" Tanong sa'kin ni Max. Tumango nalang ako sa kaniya.

Nagawi ng mata ko ang paglalambingan nung dalawa. Chinecheck ni Matt yung paa ni Charice nang mapatingin si Charice sakin. Nginitian niya lang ako. Yung ngiti niya na nagsasabing she won.

As if i care. Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang kay Rain. Lumuhod ako para magpantay kami. Hindi na siya umiiyak ngayon.

"Are you alright?" Tanong 'ko sa kaniya.

Tumango siya. "Thankyou ate." Sabi niya sabay yakap sa'kin.

Ngumiti naman agad ako habang hinihimas yung likod niya.

"We need to go." Maya mayang sabi ni Samara.

Tumayo naman agad ako tsaka akmang bubuhatin ulit si Rain nang may nauna sa'kin.

"Ako na." Tinignan ko naman si Max na buhat buhat si Rain.

"Hindi, Ako na." Sabi ko sa kaniya at kukunin na sana si Rain mula sa kaniya ng iniwas niya ito at nagsimulang maglakad.

"Tara na." Sabi nito. Napailing nalang ako tsaka sinundan silang dalawa.

Hindi na namin alam kung saan na kami pupunta ngayon. Wala na kaming mga bala. Wala din kaming sasakyan. Wala din kaming extrang armas. Bwiset talaga!

"Because of those two bullcrap, Everything was messed up! Our guns, foods and also our Van. Fvck! Let karma will fvck them!" Inis na sabi ni Samara. Hindi ko siya masisisi. Kahit man ako, Nag-iinit yung dugo ko sa dalawang 'yun.

"Paano na tayo nito? Saan ang destiny na'tin? There should be on our way in the farm then everything was gone! Arghhhhh." Inis na inis na bulyaw niya tsaka sinipa ng malakas yung maliit na sanga na nakita niya.

"Kung nanahimik kanalang sana." Biglang umextra si Charice. Nakita kong lalong napakunot-noo si Samara sa pagsabat ni Charice.

"Am i talking to you?" Mataray na tanong ni Samara. Ohh~ Lumabas yung pagkabitch ni Samara. Well, Sino ba naman hindi maiinis lalo kung bwiset na bwiset kana nga tapos may eepal pa.

"No, But-" hindi na pinatapos sa pagsalita si Charice nang sumagot agad si Samara. "So, Shut your fvckin mouth! And actually, This is all your fault. You're the one who agreed to belong those bullsht with us." Sabi nito sabay duro kay Charice. Nakapiggy back ride padin siya kay Matt.

"Why me? Hindi ko na kasalanan kung ninakaw man nila yung Van na sinasakyan natin." Maarteng sagot niya.

Magsasalita pa sana si Samara nang sumabat na'ko. "Enough." Utos ko sa kanilang dalawa. Hindi na nagsalita si Samara. Umirap nalang si Charice.

Patuloy lang kaming sa paglalakad. Nagbabakasakaling may exit dito sa kagubatan na'to.

Habang naglalakad kami may natapakan ako kaya napahinto ako sa paglalakad. Tinignan ko yung natatapakan 'ko.

"What's wrong Cindy?" Tanong ni Max sa'kin. Napansin ata niyang huminto ako sa paglalakad.

"May something dito sa tinatapakan 'ko eh." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Naramdaman 'kong lumapit siya sa'kin habang buhat buhat si Rain.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon