Chapter 6: Woodbury

19 1 0
                                    

Kanina pa kami palakad lakad dito sa Greenfields. Nakita namin sa karatula na "Welcome to Greenfields" kaya yun. Kung saan saan nalang kami napupunta. -_-

Itutuloy ko padin yung pagpunta sa alexandria. Baka kasi may mahanap akong clue dun. Depende sa kanila kung sasama sila sakin. Basta ako pupunta padin ako dun.

Hindi lang ngayon, ubos na tubig ko eh. Kanina pa kami palakad lakad. Tirik pa ang araw. Jusmiyo marimar! Tsaka nagugutom na ko.

Wala bang supermarket dito? Tumitingin tingin ako sa paligid kung may makikita akong supermarket.

Hindi naman ako nagkamali, Nakakita nga 'ko ng supermarket hindi kalayuan. Galing ko talaga mga beshy! Haha.

"May supermarket dun guys oh!" Tuwang tuwa kong sabi sabay turo. Tinignan naman agad nila yung tinuturo ko. Nakita ko na napangiti sila.

Tumakbo agad ako papunta. Yes yes! Gutom na ko eh. Hohoho

Malapit na sana ako sa supermarket nang mapatigil ako bigla sa pagtakbo.

*GROWLS* Fvckshit naman oh! Bakit ngayon pa? Gutom na ko ay.

"Utang na loob naman! Hindi ba uso sainyo yung pahinga? Alam naming gutom na gutom na kayo. Kaso kung kakainin niyo kami ngayon, Wala kayong makakaen samin. Sa payat namin nito. Tsaka nagugutom nadin kami. Pakainin niyo muna kami tapo-- ARAYY KO NAMAN!!" Inis na sabi ko. Sino bang peste na humila ng damit ko? Grabehan lang ha!

"Tanga mo! Bakit kinakausap mo sila?! Ang sakit mo talaga sa ulo 'no?" Pasigaw na sabi sakin ni matt nang makapasok na kami sa supermarket. Problema nito?!

Tumingin ako sa labas ng supermarket. Nanlaki yung mata 'ko dahil ang dami nanaman nila sa labas. Saan ba sila nangagaling? Buti nalang nakalock na yung pintuan. Salamin lang siya kaya kita mo yung labas.

Inirapan ko nalang si matthew tsaka dumiretso sa mga pagkaen.

Kumuha kami ng tubig, mga de lata, bread etc etc na makakaen na hindi na kailangang lutuin. Syempre, kumuha nadin kami ng personal things namin.

Inalagay namin yung iba sa bag na dala namin para hindi masyadong madami ang dadalhin namin.

Nang maayos na namin lahat. Napalingon kami sa entrance door.

Nanlaki yung mata naming tatlo dahil nabasag na nila yung salamin at isa isa na silang nagsisipasukan!

"There! Faster." Tumakbo na kami agad papuntang back door ng supermarket. Buti nalang may ganto. Ayoko na ulit dumaan sa kisame. -.-

Nang makalabas na kami, Tumakbo na kami palayo sa supermarket. May ibang zombies na humahabol padin samin.

Habang tumatakbo ako, bigla akong natapilok. Putcha! Ang sakit. >_<

Kaya napaupo ako at hinawakan yung paa ko. Namumula ito..

"Krizza! WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! LETS GO!" Sigaw ni matt sakin. Malayo layo na sila sakin. Napatingin ako sa mga zombies, malapit na sila.

Tinry kong tumayo pero napaupo parin ako. Di ko talaga kaya..

Waaaa! Deadbol na ata ako neto. Napayuko nalang ako.

"Sakay" inangat ko yung ulo ko. Nakita ko si matt na nakaupo at nakatalikod sakin. A-anong gagawin ko sa likod niya?

"Wag kanang maarte! Ibigay mo na kay samara yung bag na dala mo tsaka sumakay kana sa likod ko." Inis na sabi ni matt sakin.

Binigay ko naman agad kay samara yung bag ko tsaka sumakay sa likod ni matt.

Nang makaayos na ko. Tumakbo na ulit kami. Ay silang dalawa lang pala ni samara tumatakbo, Nakaangkas lang pala ako kay matt.

Kung saan saan nalang kami dumadaan. Napapansin namin na unti unti nading nawawala sa paningin namin yung mga zombies. Thanks, God.

Nakarating kami sa isang villa. Woodbury. Yan ang nabasa namin. Pumasok kami sa loob ng villa. Hindi naman gaanong malaki.

Naghanap kami nang pwede naming pag stay-an pansamantala.

Nararamdaman ko nading namamanhid na yung paa ko kung saan nagkasprain ako.

"Dito nalang muna tayo." Sabi ni samara.

May second floor ang bahay. Pumasok na kami sa loob, Pagkapasok namin. Sinarado at nilock agad ni Samara yung pintuan.

Binaba na muna ako ni matt sa isang sofa. "A-aray.." napakagat ako sa labi habang hawak yung kaliwang paa ko.

"Im gonna check this house. Stay here." Sabi ni samara tsaka nag-ikot na sa buong bahay.

Iniinda ko padin yung sakit na nararamdaman ko. Ang tanga ko naman!

"Masakit padin ba?" Tanong sa'kin ni matt. Obviously! Tsss..

Hindi nalang ako sumagot. Wala ako sa mood makipagsagutan sa kaniya. Peste siya!

Bigla siyang umalis. Saan naman pupunta yun? Kakainis yun ha! Iniwan lang ako mag-isa dito?! TSK.

Hinilot hilot ko yung paa ko. Ang sakit talaga! Hindi ko talaga kakayaning maglakad nito. Para akong lumpo ni--

"Akin na yung paa mo." Tinignan ko naman agad si matt na may hawak nang first aid kit. Saan naman niya yun nakuha?

"Where did you get that?" Tanong ko. Pakialamero talaga nito.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Kumunot yung noo ko. Wtf? Ang tino niya talaga kausap.

Inirapan ko nalang siya tsaka padabog na tinaas yung paa ko sa kaniya na sana di ko nalang ginawa dahil ako pa yung nasaktan. "ARAY! TANGINA!" Napapikit ako sa sakit tsaka hinawakan yung paa ko.

"Engot mo kasi. Alam nang may sprain tapos idadabog pa." Tss.

"Daldal mo 'no? Gamutin mo na nga lang yan." Inis na sabi ko sa kaniya. Bakla ata 'to eh.

"Tss. Siya na nga lang gagamutin, siya pa galit." Bulong niya na narinig ko naman.

Napailing nalang ako.

"Clear." Napalingon ako kung nasan si Samara.

"Mukhang ilang araw pa tayo mag-sstay dito ha? Kailangan ipahinga nito ng ilang araw yung paa niya." Sabi ni matt habang nilalagyan ng benda yung paa ko.

"Its okay. But we need to find a car. Hindi pwedeng maglalakad lang tayo lagi." Oo nga naman.

"Sige, bukas nalang. Hapon na eh." Sabi ni matt. Napatingin siya sa'kin. "And you stay here." Sabi sakin ni matt. Iiwan nila ako dito? Edi ako na lumpo. *pout*

"Quit pouting ts." Sabi ni matt tsaka tumayo. Tapos na?

Inayos na nila yung mga gamit dito sa bahay. Sinigurado din nilang secured ang buong bahay. Inayos nadin nila yung mga groceries. Nagpasalamat kami dahil may gas at may malinis pading tubig at mga tools and utensils dito sa bahay na'to.

Nagluluto na sila ng pagkain namin. At ako? Nakaupo lang dito sa sofa habang nakataas yung kaliwang paa ko sa lamesa at nakacross arms. Tinitignan ko lang bawat galaw nila.

Para akong tanga dito. Tss! -_-

Tinignan ko yung labas mula sa bintana. Nakikita ko padin naman kahit papano yung labas kahit nakaharang na yung kurtina. Malapit na palang maggabi.

Kamusta na kaya sila Jane dun sa farm? Sana okay lang sila. Mukhang matatagalan kaming makabalik ulit dun..

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon