Chapter 10: Get Well Soon, Krizzia

16 0 0
                                    

Matthew's POV

Shit! "KRIZZIA!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kaniya. Nakahiga na kasi siya sa sahig. Nagcollapsed siya.

Binuhat 'ko agad siya. Tsaka hiniga sa kama.

"Anong nangyari?! Bakit nasigaw ka-- ANO NANGYARI KAY KRIZZIA?" Napatingin ako agad kay Samara na pumasok dito sa kwarto kasama yung tukmol.

"Nagcollapsed siya." Sagot 'ko.

"Why? May sakit siya?" Tanong nung tukmol. Gusto ko sana siyang barahin kaso wag muna ngayon. Si krizzia, ang concerned ko dito.

Nagkibit-balikat nalang ako. "I don't know. Wala naman siyang sinasabi."

"Well, Napansin ko kanina na parang masama pakiramdam niya." Sabi ni tukmol. Pati din pala siya napansin niya.

Lumapit si Samara kay Krizzia at hinawakan sa noo. "Damn, Ang taas ng lagnat niya guys." Sabi nito.

Umupo agad ako sa tabi ni Krizzia at hinawakan din siya sa noo. Oo nga! Ano bang nangyari sa kaniya?

"Kumuha ka tuk- hm, Ken ng maliit na palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Tapos Samara, Pwede bang pakibihisan siya. Yung damit na isuot mo sa kaniya, yung maluwag. Wag yung fitted. Basa kasi siya ng pawis eh. Baka matuyuan." Utos ko sa kanilang dalawa. Tumango naman agad sila. Lumabas na kaming dalawa ni tukmol. Para mabihisan na ni Samara si Krizzia.

Dumiretso siyang kusina, at ako naman sa kwarto ko. Kukuha ng First Aid Kit. Titignan 'ko kung may makikita akong mga gamot.

Nang makakita ako ng apat na biogesic. Lumabas na din agad ako. Saktong paglabas 'ko. Paakyat na si Ken na may dalang maliit na palanggana na may maligamgam na tubig tsaka towel.

Ang tagal naman bihisan ni Samara si Krizzia, Ganun ba katagal magbihis mga babae? -___-

Naghintay pa kami ng limang minuto bago bumukas ang pinto. "Kanina pa kayo diyan?" Tanong ni Samara. Ay hindi! (--,)

Tumango nalang ako tsaka pumasok na sa loob. Nakita 'kong malaking t-shirt ang suot ni krizzia. Heto lang pala yung damit na pinasuot inabutan na ng siyam-siyam. Tss

Umupo na agad ako sa tabi ni Krizzia. Kinuha ko naman agad mula kay Ken yung palanggana tsaka nilagay sa side table.

"Ako na bahala sa kaniya." Sabi ko sa kanila. Hindi pwedeng kaming tatlo dito magdamag na magbabantay kay Krizzia, Hindi pwede yun. Walang magbabantay sa baba.

"You sure?" Tanong ni Samara. Tumango ako as say yes.

"Okay then. Call us if you need something. Please, take care of her." Sabi ni Ken. Alam ko tukmol ka!

"'Kay." Lumabas nadin agad silang dalawa. Nang masarado na yung pinto. Sinumulan ko nang punasan si Krizzia ng towel na may maligamgam na tubig.

Sa braso at sa mukha ko lang siya pinupusan tapos tinupi ko sa 1/4 ang towel at nilagay sa noo niya.

Kinuha 'ko mula sa bulsa ko yung apat na biogesic at nilagay sa side table. Papainom ko nalang sa kaniya ang mga 'to kapag nagising na siya.

Kinumutan ko siya. Maliligo na muna ako, Tutal may CR naman dito eh.

Kumuha na muna ako ng damit sa kabilang kwarto tsaka bumalik sa loob ng kwarto ni krizzia at naligo sa CR.

After 'kong maligo at magbihis. Lumabas na 'ko ng CR. Nakahiga padin si Krizzia.

Lumapit ako sa kaniya habang nagpupunas ng tuwalya sa buhok ko. Hinawakan ko siya sa leeg. Yung hawak na tinitignan kung anong temperature ng katawan mo.

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon