Chapter 7: Jealous

15 0 0
                                    

Tapos na kaming kumaen. At nandito ako ngayon sa kwarto. Ako lang mag-isa dito. Tatlong kwarto kasi ito. At tig-iisa kami.

Katapat ko lang na room si matt. At yung kay samara? Malayo layo siya samin.

Nakaupo lang ako dito sa kama. Gusto niyo malaman kung paano ako nakarating dito sa kwarto na'to? Well, Hindi sa pagmamayabang pero kahit ganto 'tong paa ko. Nalakad ko mula sa baba hanggang dito sa kwarto.

Dejoke lang -_-

Binuhat ako ni matt. Wag kayong kiligin! Nung pagkarating namin dito sa kwarto, binitawan niya agad ako sa kama tsaka nagreklamo na ang bigat ko daw tas lumabas na. Kapal talaga ng mukha!

Tinry kong tumayo. Gusto ko kasing igala 'tong buong kwarto na'to. Luckily, natatayo at nagagalaw ko nadin yung paa ko.

Nilakad lakad ko ng dahan dahan yung paa ko. Kahit may nararamdaman akong sakit.

Nang makarating ako sa cabinet. Binuksan ko 'to. Puro mga babae ang mga damit dito. Buti nalang.

Kumuha ako ng isang pants at white t-shirt. Nakakita din ako ng undies dito. Kumpleto ha.

Syempre, dahan dahan ulit akong naglakad papuntang CR. May sariling CR din 'to eh. Para namang zombie nadin ako nito sa lakad ko ts.

Pagkapasok ko sa CR. Binuksan ko yung faucet, malinis ang tubig. Naghilamos agad ako at nagtoothbrush. Nakahanap kasi ako ng bago dito, tsaka nagpunas ng basang towel sa katawan ko. Hindi ako pwedeng maligo dahil mababasa 'tong paa ko. Kaya nagpunas nalang ako. Nahirapan ako maghubad ng pants dahil sa paa ko. Pero pinilit ko padin kahit napapakagat na ko sa labi sa sakit.

After kong magpalit ng damit, lumabas na ko ng CR.

Fresh nadin sa wakas!

Umupo na ulit ako sa kama. Napatingin ako sa wall clock. Alas syete na pala.

Hihiga na sana ako ng may marinig akong tatlong katok sa pintuan ng kwarto ko. Kinuha ko agad yung baril ko sa side table. Panghanda lang.

"Krizza, Are you still awake?" Si Samara lang pala. Tumayo ako ulit tsaka dahang dahan lumapit sa pintuan.

Nang makalapit na 'ko. Binuksan ko agad 'to. "Why?" Tanong ko.

"May damit ba diyan sa cabinet? Puro panlalaki kasi nandun sa kwarto. May pambabae naman kaso ayoko. Di ko type yung style." Sabi niya.

"Meron" Hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto ko.

Binuksan niya agad yung cabinet at tinignan yung mga damit. Kinuha niya yung nagustuhan niya. Short and hanging blouse? Ganun pala mga suotan nito.

"Thankyou. Buti nakapagpalit ka?" Tanong niya sakin tsaka tinignan yung suot ko.

"Yeah. Pinilit ko." Sagot ko nalang.

"Baka lalong lumala yan kung pipilitin mo." Sabi niya naman.

"Nah, im fine." Tumango nalang siya. "Thankyou ulit dito." Ngumiti lang ako tsaka sinarado yung pintuan nung makalabas na siya.

Tumungo na ulit ako sa kama at nahiga.

Another day again for tomorrow. I hope we will okay..

Goodnight everyone.

--
Nagising ako mula sa ugong ng kotse galing sa baba. Ang bilis naman ata nilang makarating?

Tumingin ako sa wall clock. At literal na lumaki ang mata ko sa oras na nakita ko.

Its already 1 o' clock in the afternoon?! Sleepyhead ts. Sa sobrang pagod siguro kahapon kaya ang tagal kong natulog.

Bumangon na'ko. Nalalakad ko na kahit papano yung kaliwa kong paa kaso paika ika padin ako.

Pumunta akong CR para maghilamos at magtoothbrush. Then nag-ayos nang sarili.

After nun, lumabas na ko. Nakita ko mula sa taas na pumasok si matt sa pintuan na may mga dalang plastic bags. Groceries?

"Kagigising mo lang, krizza?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si samara na kakalabas lang mula sa kwarto niya.

"Yeah." Sagot ko.

"Anong oras na 'ha? Okay naba yang paa mo?" Tanong niya. "Medyo." Sagot ko

"Lets go, May bago tayong kasama." Sabi niya tsaka tinulungan niya kong bumaba ng hagdanan. New survivor?

Pagkababa namin. Dumiretso kaming kusina. Nakita namin yung dalawang lalaki na nag-aayos ng gamit. Si matt yung isa, at yung isang di ko pa kilala.

Napalingon sila samin nung nakalapit na kami. Napatingin ako dun sa bago naming kasama.

Ang pogi naman nito. Ang ganda ng mata!

"Hi, Im Kenchie." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Ngumiti siya. Ang ganda din nung ngiti. >///< Ang lande ko shet! Haha.

"Im krizza. Nice to meet you kenchie." Ngumiti din ako. Nahawa ako sa ngiti niya. Hehehe nagshakehands kami.

"Tsss"

Humagikgik naman 'tong katabi ko. Napano 'to? "Oh, tama na yan. Baka may mamatay nalang bigla dito." Sabi ni Samara tsaka pinaghiwalay bigla yung kamay namin ni Kenchie.

May mamatay? Ano nanaman sinasabi nitong babaeng 'to? Ang weird nitong si Samara.

Ngumiti nalang ulit ako kay Kenchie. Tsaka tinulungan silang mag-ayos ng mga groceries.

Matthew's POV

Kailangan may shakehands pa? Ito namang babaeng 'to. Todo pacute sa kenchie na yun. Tsss, Di hamak na mas gwapo ako kesa sa kaniya no.

San namin nakita yung impakto na'yan? Habang naglalakad kami. Nakita namin siya na hinahabol ng limang zombies.

Tinignan ko silang dalawa na nagtatawanan sa may sofa. Bakit, pagdating dun sa kenchie na yan. Hindi siya masungit at mataray. Tapos pagdating sa'kin. Laging nakasigaw, nakasibangot ang mukha at nang iirap tapos nambabara pa. Samantala dun sa mokong na 'yun. Ngiting ngiti siya. TSSSS

"Dahan dahan lang sa paghiwa ng talong matt. Baka madali daliri mo niyan." Sabi sakin ni Samara. Kaming dalawa yung nagluluto eh. Tinignan ko siya. Nakangisi siya sa'kin.

Kumunot-noo ako sa kaniya. "What?"

"Pfft. Nothing! Sabi ko, dahan dahan lang kako sa paghiwa niyang talong na yan. Nalalanta na sa higpit na hawak mo." Sabi niya sakin na natatawa.

Tinignan ko naman agad 'to. At tama nga siya, mukha nang ewan 'tong talong na hinihiwa ko. Tsss! Badtrip naman kasi.

Ang pangit naman kasi ng view 'ko. Sa harap ko pa naglalandian. Tssss

"Pfft-- jelly much?" Pang-aasar sakin ni Samara. Isa pa 'to eh.

"Tsk!"

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawang-tawa naman 'tong babaeng na'to.

=________=

"Why are you laughing at, Samara?" Takhang tanong ni Krizzia habang nakatingin kay Samara na nakahawak na sa tiyan habang tumatawa. Balew na ang isang 'to.

"W-wala.. Pfft-- Nakalimutan ko kasing kumuha ng jellyfish sa supermarket. Mukhang masarap atang kainin yun eh." Sabi niya na diniinan yung word na jellyfish. Tss, Im not jealous.

Tinignan ko naman si krizzia na nakakunot-noo. Ang cute niya lang kapag nasslow siya..

Ano sabi ko? Cute? Siya? No way..

"You're getting weird, Samara." Sabi nalang krizzia.

"Hahaha! Im sorry, just continued your chitchatting with kenchie." Natatawa pading saad nito.

Tss. Makaalis na nga dito..

Zombie Apocalypse: Season 1 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon