Nauna akong pumasok sa room kahit wala pang tao. Lahat sila nasa cafeteria, hindi pa kasi tapos yung break time.
Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kawalan, hanggang isa isa nang nagsisipasukan yung mga classmates namin. Pati si Denise, agad biglang nag iba yung mood ko. Biglang gusto ko sya makausap, gusto ko malaman kung anong sinabi ni Marion sa kanya.
Naglalakad sya palapit sa upuan nya na katabi ng kinauupuan ko, pero halata sa kanya na iba yung mood nya. Kasi hindi nya ako tinitignan. Tinry ko din hawakan yung kamay nya nung makalapit sya sa akin pero iniwas nya.
"Denise," tawag ko sa kanya. Tumingin sya, "Kamusta? Yung pag uusap nyo?" pagpapatuloy ko ng tanong.
"Ayoko muna pag usapan ngayon Mico," sagot naman nya.
"Ok, mamaya natin pag usapan." sagot ko naman.
Tapos nag umpisa na yung lesson namin sa next subject. Ang dami naming ginagawa pero iniisip ko padin si Denise. Kamusta kaya sya? Ano nararamdaman nya? Nagkaroon na ba sila ng maayos closure?
Pagkatapos ng lahat ng subjects, napansin kong lumabas agad si Denise kaya mabilis ko din niligpit yung mga gamit ko tapos sinundan ko sya.
Malapit na sa gate nang maabutan ko sya.
"Denise,"
Lumingon sya sa 'kin. Para pa syang nagulat.
"Mico?" sabi nya, "Diba sabay tayo uuwi? Hahatid kita, diba?" tanong ko, napansin kong nag iba yung expression ng mukha nya.
Bakit ganun? Bakit parang may nag iba sya agad? Kaninang umaga ok naman kami ni Denise ah?! Dahil ba yun sa pag uusap nila ni Marion kaninang lunch?
"Mico please, wag muna tayo mag usap ngayon. Please."
"Denise, may problema ba? Kaninang umaga naman ok tayo ah. Dahil ba sa pag uusap nyo ni Marion kaya ka nagkakaganyan? Ano ba yun? You can always tell me, you know that."
Nafu-frustrate na ako. Ayoko yung ganto, gusto ko yung ayos kami! Bakit ba ayaw nya sabihin sa 'kin.
Hindi padin sya makapag salita.
"Denise,"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ng makita namin si Marion. Nagulat ako, bakit andito sya?
"Bakit ka andito?" galit kong tanong. Tinignan ko din si Denise, umaasang may makukuha akong sagot sa kanya.
"Ikaw ang bakit andito?" balik nya ng tanong sa akin.
Hinawakan ko sa braso si Denise,
"Tara na Denise, uuwi na tayo."Bigla din naman hinawakan ni Marion yung kabilang braso. Nagkaroon ng tensyon sa aming tatlo.
"Mico, umuwi ka na." blangkong sabi ni Denise. Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Diba ihahatid kita?"
Para na akong desperado sa tunog ng boses ko dahil sa sobrang frustration ko.
"Not today, dude." sabi ni Marion, sobrang yabang ng tono nya kaya bigla akong nagalit. Tinulak ko sya.
"Ano bang problema mo?!" sigaw nya tapos tinulak nya din ako, "IKAW?!! Ikaw ang problema ko!" sinuntok ko sya pero para lang akong sumuntok sa hangin kasi nakaiwas sya.
"Tama na!!" narinig naming sigaw ni Denise. Parehas kaming napatingin sa kanya.
Tumingin sya sa akin.
"Mico, umuwi ka na. Please"
Sa sinabi nyang yan, halos lahat ng hangin sa katawan ko parang hinigop, dahilan para manghina ako.
Ramdam ko na para akong maiiyak, pero pinigilan ko, kasi ayoko makita ni Denise, lalo na ng ulupong na si Marion.
Tumalikod nalang ako at walang ni isang salita silang narinig sa 'kin. At naglakad na ako palayo.

BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.