Part 12

11 1 2
                                    

As sobrang disappointment/galit ko, sobrang bilis ko pinaandar yung motor ko. Nakita ko nga si Marion and Denise eh. Nilampasan ko lang sila.

Nakakainis!!!! Gusto ko magwala.
Pagdating na pagdating ko sa bahay, nakita ko si tita Julia and daddy sa sala nag uusap.

"Mico, kumain ka na ba?" masayang bati sa 'kin ni tita Julia. Pero hindi ko sya pinansin, instead dumiretso lang ako sa kwarto, at padabog na sinara yung pinto para mag kulong.

Sobra akong naiinis, gusto ko magwala, gusto ko mag basag ng gamit!! Pero pinigilan ko yung sarili ko. Umupo lang ako sa gilid ng kama ko, pero yung pag hinga ko sobrang lalim, at humigpit yung mga kamao ko.

Biglang may narinig akong katok na sinundan ng malumanay na boses ni tita Julia.

"Mico, have you eaten? Kain ka muna, nag luto ako ng paburito mo." sabi nya. "No tita, I'm not hungry." Kahit papano I manage to answer her calmly.

"Sige na, kahit konti lang. Wag ka matutulog ng gutom."

"No! I want to be alone!" medyo napalakas na yung pagkakasabi ko.

"Gusto mo, ihatid ko na yung pagkain mo dito? Para hindi ka na lumabas." pagpapatuloy nya.

Tumayo ko at marahas kong binuksan yung pinto. Andun sya, mukhan worried sa akin.

"Mico, are you alright?" Hahawakan nya dapat yung mukha ko pero tinabig ko yung kamay nya. "Didn't I told you to LEAVE ME ALONE!!!" natigilan sya sa pag sigaw ko.

"Mico!!" parehas kaming napatingin kay daddy na palapit na naglalakad sa amin. "Why are you talking to her like that?!" galit nyang tanong.

"I told her to leave me alone! But, she keeps on minding my business!" sagot ko. "I'm just concern," singit naman ni tita.

"Well, I don't want you to care?! You're not even my mother!!" sigaw ko. Tapos bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal mula kay daddy.

"Stop," mabilis na pumagitna si tita sa amin ni daddy. Pilit nya ding itong pinalayo. Ako naman, pumasok nalang ulit sa loob ng kwarto ko at kinandado yung pinto.

Halo-halong emosyon na yung nararamdaman ko pero nangingibawbaw padin ung sobrang galit! Kung bakit ako galit? Hindi ko na alam!!! 

Humarap ako sa pader at doon ko itinuon lahat ng galit ko. Sunod sunod na suntok ang ginawa ko. Hindi alintana yung sakit, kasi mas masakit yung nararamdaman ko dito sa dibdib ko.

Hanggang sa tingin ko, sumuko na yung katawan ko mag labas ng energy. Napaupo nalang ako sa sahig. Walang maisip, walang maramdaman.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto pero hindi ko na pinansin. Nakita ko si tita Julia na umupo sa harap ko. Pero wala padin akong pakialam.

"Mico, anak I know, you don't want me here. I'm sorry but I can't do that. I will be here, because you need someone right now." sabi nya. Hindi ko alam, pero dahil sa presense ni tita, biglang gumaan yung pakiramdam ko.

For the very first time, I feel like as if my mother is here. Comforting me.

Niyakap ko si tita at binuhos ko lahat ng nararamdaman ko sa balikat nya.

Walang humpay na pag iyak, hanggang siguro mawala lahat ng nasa dibdib ko.

~~~~~

Matapos kong umiyak, nagawang kong i-kwento lahat ng nangyari ngayong araw, kaya ganun nalang yung naging asal ko.

Yung nangyari sa pagitan naming tatlo nila Marion at Denise.

"Did you talk to her?" umiling lang ako bilang sagot sa tanong ni tita. "Maybe she just need some time."

Siguro nga kailangan ni Denise ng TIME PA para mag isip. Ayoko nalang ipasok si Marion sa isip ko.

Tumingin ako kay tita, "Tita I'm sorry, for how I treated you." pagso-sorry ko. Na-realize ko na sobrang mali ng inasal ko kanina.

Ginulo ni tita yung buhok ko. "Wala yun. Sanay na ako sa ganyan. Guidance Counselor ako sa isang school. I know how to handle kids. Haha..." nakangiti nyang sabi. Napangiti din ako na may halong hiya.

"Galit sa 'kin si daddy." sabi ko.

"Hindi galit sa'yo ang daddy mo, trust me." she ensures me. "Sige, papadala ko nalang kay manang ang pagkain mo. Wag na wag kang hindi kakain."

Tapos tumayo na sya para lumabas ng kwarto ko. Bago pa sya tuluyang makalabas, tinawag ko sya.

"Tita," bumaling sya sa akin. "Thank you." ngumiti sya sinabing, "You're welcome." tapos lumabas na sya ng kwarto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALMOST LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon