Lumipas ang ilang Araw, Linggo. Kami ang laging magkasama ni Denise. Simula nang araw na sinabi kong tutulungan ko syang maka move-on. Araw araw, sinusundo ko sya sa bahay nila bago pumasok. Kami lagi yung sabay mag lunch pag breaktime. Tapos hinahatid ko sya sa bahay nila pag uwian. Minsan pag Weekends, inaaya ko sya mag date.
Naging routine na namin yun. At sa araw-araw na kami magkasama, lalong lumalalim yung nararamdaman ko sakanya.
Mas lalo ko syang minamahal. Napapansin ko din na naeenjoy nya din yung mga moment na magkasama kami. Para nga akong baliw eh. Iniisip ko kaming dalawa nalang yung tao sa mundo. Sya nalang yung lagi kong nakikita. Yung maganda nyang mukha. Yung mga ngiti nya.
Nararamdaman ko gusto nadin ako ni Denise. Kasi nakikita ko na masaya sya pag magkasama kami. Oo, wala pa kaming label, pero parang ganun nadin naman yun diba? Holding hands, Date, Sweet sa isa't-isa. Diba, ginagawa yun ng mga mag boyfriend/girlfriend? Edi ganun nadin kami! Yung tinatawag na M.U.
As in Mutual Understanding.
~ooOoo~
Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Denise. Inaantay ko sya kasi pupunta kami sa isang Themed Park. Sabado ngayon and naisipan kong ayain sya. Hindi naman nagtagal nakita ko si Denise na lumabas na ng bahay nila.
Sinalubong nya ako ng ngiti nya. Nung mga nakaraang araw, lagi na syang nakangiti. Ewan ko kung bakit pero sana dahil sa akin. Kasi ako, masaya dahil sa kanya.
Lumapit sya sa akin. "Hello," sabi ko. "Hi!" sagot naman nya. "Nasaan yung motorbike mo?" nagtataka nyang tanong. Hindi ko kasi dinala yung motorbike ko. "Wala." sagot ko. Nagfrown sya sa akin. "Saan tayo sasakay?" tanong nya ulit. Ngumiti muna ako sa kanya bago ko sya sinagot. "Magco-commute tayo." sabi ko. "Marunong ka?" tanong nya. "Oo naman. Tara na?" sagot ko. Tumango sya tapos umalis na kami.
*********
Sumakay kami ng Bus. Habang byahe, palihim akong kinikilig kasi, magkatabi kami tapos habang nakikinig kami ng music sa mp3 player. Nakatulog sya sa balikat ko. Hehe... Mukha bakla no, pero nakakakilig. Nagising sya nang palapit na kami bumaba.
**********
Malapit na matapos ang araw. Isang nakakapagod at napaka sayang araw. Halos lahat ng ride sinubukan namin ni Denise. Sobrang saya! Nung lunch, kumain lang kami ng sandali tapos sumubok ulit kami sa mga rides.
"Denise, naenjoy mo ba 'tong date natin?" tanong ko sa kanya. Nakatingin ako, diretso sa mukha nya. Nakaupo sya sa isang bench habang ako, nakahiga yung ulo ko sa lap nya. Tinignan nya din ako. "Oo naman! hehe... Thank you, Mico." sagot nya habang nakangiti.
Umayos naman ako ng upo, tapos tumabi ako sa kanya. Nginitian ko din sya. "Masaya ako at naenjoy mo." sabi ko. Tapos biglang tumugtog yung kantang 'Themesong' ng Bandang ni Shirley.
~Maari ba kitang makasayaw? o di kaya kahit upo lang muna tayo, habang inaantay yung ating magiging THEMESONG!~
Tinignan ko si Denise tapos, mas lumawak yung ngiti ko. "Pwede ba kitang makasayaw? o aantayin natin yung magiging themeson natin?" tanong ko. "Mico, nakakahiya. Ang daming tao!" sabi naman nya. "Tara na!" hinawakan ko yung kamay nya para tumayo sa bench tapos, sumayaw kami kasabay ng music.
Bukas 18th Birthday ko na.
Naisip ko. Kung magrereflect ako mamayang gabi habang nakahiga sa kama. Siguro maiisip ko, ito ang pinaka masayang araw sa 17years ng buhay ko. Kasama ko ang babaeng mahal ko sa pag sayaw sa harap ng madaming tao.

BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
ContoIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.