Napatuloy kami sa kusina ni Denise. Pinaupo ko sya sa isang bar stool tapos inasikaso ko yung pagkain nya.
Habang nakaupo kami sa bar stools, ang mga barkada ko ay navi-videoke sa may living room.
Naisip ko, ito na ang tamang panahon para alamin ko kung ano ba talaga ang status ng relasyon namin ni Denise. Isa pa, feeling ko hindi naman nya ako ite-turn down sa araw ng birthday ko. 'Diba?
Humarap ako sa kanya, "Denise," nilingon nya naman ako at nginitian. Kaya biglang nagwala ng slight yung puso na pinilit kong wag ipahalata sa kanya. Lumunok muna ako bago ko pinagpatuloy magsalita. "Uhm.. May gusto kasi akong itanong," "Ano yun?" tugon nya.
Ito na yun Miko,
"Ano ba tayo?" tanong ko. Nakita ko sa mata nya ang blangkong ekspresyon na napapalitan ng confusion. Mukhang hindi nya maintindihan ang gusto kong iparating. "Ah,.. K-kasi hindi ko a-alam kung paano kita ipapakila sa mga kaibigan k-ko. Kagaya kanina, h-hindi ko alam kung ano ba talaga ang status natin?" mabilisan kong pagpapaliwanag.
Nag form ng ngiti yung mga labi nya. "Tama naman yung pakilala mo sa'kin kania ah? Kaibigan naman tayod 'diba?" sagot nya. Nakaramdam ko ng lungkot sa sinabi nya. Ganun lang ba talaga yun? Hanggang doon nalang ba talaga?
"Pero alam mo yung nararamdaman ko sayo 'diba? Gusto kita at hindi lang bilang kaibigan." sabi ko. Bigla nyang hinawakan nya yung mga kamay ko at tinignan ako ng mataman sa mata. "Alam ko. Pero Mico, 'diba sinabi ko sayo na hindi pa ako ready na magmahal ulit? Alam mo naman yun 'diba?"
#saklap
"Pero alam mo rin naman yung nararamdaman ko sayo 'diba? Mico, kailangan ko lang ng time. Makakapag hintay ka naman 'diba?" Tumango nalang ako bilang sagot. Yung totoo? Birthday ko ba? Bakit hindi masaya?
Hinawakan nya yung dalawang side ng labi ko at binanat yun para mag form ng smile. "Smile ka na, birthday mo kaya dapat masaya ka!" Sabi nya sa masayang tono.
Siguro ganun nalang muna talaga. Kailangan ko lang maghintay, kasi eventually, magiging kami din naman eh.
Matapos namin mag usap sa may kusina, pumunta kami sa living room para makipag bonding sa mga barkada ko. Naging sobrang saya ng birthday celebration ko. Walang humpay na kulitan, ako at ang mga barkada ko, si Denise naman, kasama si Tita Julia at sila ang naging magka-bonding dalawa.
~ooOoo~
Naglalakad na kami ni Denise sa sidewalk dahil naisipan kong ihatid na sya. Pero hindi ko ginamit yung motorbike ko, naisipan kong mag commute nalang. Sabay kami pero wala ni isa sa'min ang nagsasalita. Awkward, dahil nadin siguro dun sa pinag usapan namin kanina. Pero ayoko naman matapos ang araw na 'to ng ganun nalang. Basta nalang.
Kaya medyo lumapit ako sa kanya at pasimple kong ginagalaw ang kamay ko para mahawakan yung kanya. Nung una, hesitant ako baka ayaw nya pero hindi naman sya nag reklamo nang tuluyan ko itong hawakan. Instead, binigyan nya pa ako ng pinaka magandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. Sumakay kami ng tricycle papunta sa bahay nila.
Nang makarating kami sa tapat ng gate ni humarap sya sa'kin. Nung una, ang akala ko iki-kiss nya ako ulit katulad nung una ko syang hinatid pero hindi pala. "Mico, thank you sa pag hatid." sabi nya. "Wala yun. Ikaw pa, hehe... Tsaka thank you kasi dahil sayo mas naging masaya ang birthday ko." nakangiti kong sabi. Ina-abangan ko padin yung kiss. Pero wala, instead nginitian nya lang ako. "Sige, kita tayo ulit bukas?" sabi nya. Tumango naman ako.
Sa isip ko, Wala talagang birthday kiss?
Binuksan nya na yung gate at ako naman tumalikod na sa kanya at nag umpisa ng maglakad palayo, nang bigla nyang tawagin ulit ang pangalan ko.
"Mico," Agad naman akong lumingon. "About dun sa pinag usapan natin kanina, kung gusto mo talagang malaman kung ano tau." paliwanag nya. Hindi ako nagsalita. "M.U. tayo,"
Hindi ko alam pero parang may malakas na pwersa na galing sa universe ang bumalot sa'kin at feeling ko nawalan ng gravity sa earth. Para akong lumulutang sa hangin sa sobrang saya nang marinig ko yung sinabi nya.
"Okay," wala nang ibang word ang lumabas sa bibig ko, na over power na ng labis na sayang nararamdaman ko. "Okay," sagot din ni Denise at tuluyan na syang pumasok sa loob ng bahay nila.
~ooOoo~
Sa kwarto. Naisipan ko munang wag matulog hanggang mag 12:01 lulubusin ko ang araw ng birthday ko dahil ito ang pinaka pinaka pinaka, mas pinaka pa sa pinaka pinaka masayang araw ng buong buhay ko.
Magse-selfie ako para remembrance.

BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.