Part 3

28 5 2
                                    

Bumalik na kami sa room, kasi tumunog na yung bell. "Denise, gusto mo sabay ka na sakin pag uwi?" tanong ko habang naglalakad papunta sa room. "Huh?" tanong nya din. "Well, kung gusto mo lang naman." sabi ko. "Sige, para makatipid ako sa pamasahe." sagot nya. YES!! Pumayag ulit! haha...

"Okay." nakangiti kong sabi tapos pumasok na kami sa room.

Mabilis lang naman natapos ang klase. Nag aayos na ako ng mga gamit ko nang mapansin ko si shey na lumapit sa akin. "Mico, cleaners ka ah! Wag ka tatakas!" sabi nya.

Seriously? Wala na ba syang ibang sasabihin? Tuwing mag uusap kami, yun nalang lagi sinasabi nya. 'Cleaners Ako!'  I  jurt rolled my eyes on her. "Okay." sabi ko. Tinalikuran ko na sya para kausapin si Denise.

"Denise," tawag ko. Kasalukuyan syang nag aayos ng mga gamit nya. Tumingin naman sya sa akin. "Cleaners kasi ako, okay lang kung hintayin mo ko?" sabi ko. "Ah... Gusto mo, mauna na ako? Kaya ko naman eh." sabi naman nya. NO! AYOKO!! Mabilis kong binaling-baling yung ulo ko. "No! Gusto ko sabay tayo. Antayin mo ko. Please!!" sagot ko with matching pagpapacute pa. Nagfrown sya tapos ngumiti din agad. "Osige," sagot nya.

Nag umpisa na kami maglinis. Si Denise nakikitulong na kahit hindi naman sya cleaners. Ang nakakaasar, ako ULIT ang magtatapon ng basura. "Denice, wait lang ah. Tapon ko lang 'to, tapos alis na tayo." sabi ko sabay taas ng hawak kong plastic. "Samahan na kita, para hindi ka na babalik dito." sabi nya. "Okay lang?" tanong ko. Nakangiti lang syang tumango sa akin. Ngumiti din Ako sa kanya. Sinabit ko na yung bag sa kaliwa kong balikat tapos naglakad na kami papunta sa waste reservoir.

Pagdating namin sa Waste Reservoir, tinapon ko lang yung hawak kong basura. Pero nung humarap ako kay Denise, nakita ko yung mukha nya, seryoso. Nakatingin sya sa lugar kung saan lagi sila lihim na nagkikita ni Marion dati. "Denise," seryoso kong tawag sa kanya. Mabilis naman syang tumingin sa akin. "Tara na?" tanong ko. Tumango lang sya, tapos naglakad na kami papunta sa parking.

Pinasuot ko sa kanya yung extra helmet na dala ko. Syempre! Boyscout ako eh, laging handa. Para sa kanya talaga yun! Medyo awkward nga sya nung nilagay ko yung mga kamay nya payakap sa akin. Pero ako. Tuwang-tuwa.

Nagdrive na ako palabas ng school, pero hindi ako dumaan sa daanan papunta sa kanila. May iba kaming pupuntahan. Napansin naman yun agad ni Denise. "Mico? Sure ka ba sa dinadaanan natin?" tanong nya. Alam nyo, kung walang helmet, magkadikit na yung mukha namin. Sino ba nag imbento ng helmet? Nakakaasar sya! haha.. joke lang! Syempre for safety naman yun! "Oo, sure na sure." sagot ko naman sa kanya.

"Hindi dito yung daanan, papunta sa amin." sabi nya ulit. "I know," sagot ko. "Mico, san tayo pupunta?" medyo natataranta na yung boses nya. "Relax ka lang, may pupuntahan lang tayo saglit." sabi ko. Nakangiti ako kahit hindi naman nya nakikita. Hindi na ulit sya nagsalita, ganun din ako.

Nagpark ako sa isang Fast Food Chain. Tapos bumaba kami. "Mico, bakit tayo andito?" nagtataka nyang tanong. Nag smile ulit ako sa kanya. "Ililibre muna kita ng makakain. Hehe." sabi ko. "Mico, hindi mo--" "Gusto kita ilibre." sabi ko. Tapos hinawakan ko sya sa braso para pumasok na kami. "Denise, ikaw na humanap ng mauupuan natin. Oorder lang ako saglit." sabi ko sa kanya. Nag part ways na kami tapos umorder na ako.

Matapos ko um-order, hinanap ko na si Denise. Mabilis ko naman sya nakita. Umupo ako sa harap nya. "Happy meal. With extra Happy." nakangiti kong sabi habang inaabot ko kay Denise yung happy meal. Yung may laruan. Kinuha naman nya yun. "Happy meal, with extra Happy?" tanong nya. "Extra happy. Para mabilis ka na makamove-on. Maging Happy ka na ulit" paliwanag ko. Medyo nag iba yung emosyon ng mukha nya. Naging seryoso. "Why are you doing this?" tanong nya ulit.

*tug tug* *tug tug* *tug tug*

Naramdaman ko yung mabilis na tibok ng puso ko. Ito na yun.

"Gusto kasi kita."

ALMOST LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon