Sumunod na araw, maaga akong nagising para mag ayos sa pag pasok. At syempre, 'M.U' na kami ni Denise, naisipan kong sunduin sya at sabay na kami pumasok. Hehe... Hanggang ngayon may hangover padin ako sa sinabi nya sa'kin kagabi.
Kinikilig padin ako! So, bumangon na ako at dumiretso sa walk-in closet para kumuha ng uniform tsaka nagtuloy na maligo. Matapos yun, naabutan ko si Daddy at Tita Julia na sabay na nagbe-breakfast. Nung una, nakaramdam ako ng strange feeling nang makita sila, kasi sanay akong si Daddy lang ang kasabay ko pero napalitan din naman yung ng saya kasi, para kami ulit isang buong pamilya.
****
Naabutan ko si Denise sa labas ng bahay nila na nag-aantay sa akin. Napangiti sya ng makita nya ako. Ganun din naman ako. Feeling ko nga ang creepy ng ngiti ko ngayon eh. Ewan, baka sobra-sobrang elation lang yung nadarama ko kaya ganun.
Huminto ako sa tapat nya at bumaba sa motorbike ko. "Good Morning," masayang bati ko sa kanya. "Good Morning," sagot nya din. "Tara na?" tanong ko. Tumango lang sya sa 'kin tapos umangkas na sya sa motor at pumunta na kami sa school.
Iba talaga yung feeling ko ngayon, sobrang positive! Sana forever na 'to. Sana sooner, hindi nalang M.U. yung label namin ni Denise. Sana, Boyfriend and Girlfriend na. Well, dun din naman papunta yun, kailangan ko lang mag hintay.
Pagdatin namin ni Denise sa Parking lot, bumaba na kami at sabay naglakad papasok ng campus. Hindi kami magka-holding hands pero yung pace ng paglakad namin, sabay at minsan nahu-huli namin ang isa't-isa na tumitingin. Nakaka-kilig nga eh.
Nung malapit na kami gate, nakita namin si Marion na nandoon na parang may hinihintay. Napansin ko na nung makita nya kami, mukha syang nagulat at naging fidget. Napatingin din ako kay Denise, hindi ko mabasa yung expression ng mukha nya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango sya, "Oo naman," sabi nya tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Papasok na kami sa gate nang biglang humarang si Marion sa dinaraanan namin. Bigla kong hinawakan si Denise sa kamay, para ipa-mukha sa kanya na naka-move na si Denise sa kanya.
"Denise, pwede ba tayong mag usap?" Sabi ni Marion. Hindi ko alam kung paano ide-describe yung expression ng mukha nya, pero mukha syang may problema. Tinignan ko si Denise pero mukha din sya nagulat, at hindi makapag-salita.
"Wala na kayong dapat pag usapan." Blanko ko namang sagot sa kanya. Tinignan lang ako ni Mariong ng saglit tapos binalik nya ulit yung tingin nya kay Denise. "Denise, kahit sandali lang." sabi nya ulit.
Hinigpitan ko yung pagkaka-hawak ko sa kamay ni Denise at naglakad para lampasan si Marion. Hindi naman sya nag-resist, naglakad nadin sya.
Nang tuluyan na kaming makalampdr kay Marion, di-diretso na dapat kami sa room ng marinig namin yung huling sinabi ni Marion na nagpa hinto kay Denise, dahilan para mapahinto din ako.
"Wala na kami ni Andrea." sabay kaming napalingon ni Denise. "Tapos na ang relasyon namin. Wala na kami Denise, kasi ikaw talaga ang mahal ko." pagpapatuloy nya.
Sobrang nainis ako sa narinig ko. Lalapitan ko na dapat si Marion pero pinigilan ako ni Denise.
"Tama lang yan sayo, you deserve no one." sabi ko. Hindi na naman nya ako pinansin at si Denise lang ang tinitignan nya. "Denise, kausapin mo naman ako oh. Please." his voice broke, but he manage not to cry. "Please,"
"Kung ano man yan--" bigla akong napatigil sa pagsasalita kasi biglang nagsalita si Denise. "Sige," napatingin ako sa kanya. "Mamayang break time. Mag-usap tayo." sabi nya.
Yun lang yung huling sinabi nya dahil sakto, tumunog nadin yung bell senyales na nag umpisa na ang klase.
Nagpatuloy na sa paglalakad si Denise at hindi na muling lumingon. Naiwan kami ni Marion na sinusundan lang sya ng tingin.
Tinignan ko lang si Marion sa huling pagkakataon tapos sinundan ko na si Denise papasok sa classroom.
Ramdam na ramdam ko yung pagbabago ng mood ni Denise. Maski naman ako eh. Kung kanina pag pasok namin maganda yung mood namin pareho, salamat kay Marion. Sirang-sira na ang araw namin! Lalo na ako, ito pa naman ang unang araw na sa wakas, mas may pag-asa na ako kay Denise.
Natapos ang mga subjects namin.at oras na ng break time. Lumapit ako kay Denise. "Denise, sabay na tayo mag break?" tanong ko sa kanya. "Mico, kailangan kong kausapin si Marion." sagot nya. Oo nga pala. "Gusto mo samahan kita?" umiling-iling sya. "Gusto ko sya kausapin mag isa." "Sigurado ka?" "Oo."
Sa cafeteria, hindi ako maka-kain ng maayos. Nai-inis kasi ako! Hindi kalayuan sa inuupuan ko, tanaw na tanaw ko si Denise at Marion na nag uusap.
Habang naka-focus yung tingin kay Marion at Denise. May naramdaman akong umupo sa tabi ko. "Bro, akala ko kayo na ni Denise?" Nilingon ko yung nagsalita at nakita ko si Neon. "Diba kasama mo lang sya kahapon? O, bakit si Marion naman kasama nya ngayon?" pagpapatuloy nya. Tinignan ko sya ng masama. Hindi sa galit ako sa kanya, pero naiinis ako dahil obvious na obvious na nga, sinasabi nya pa.
"Oh, bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ah?!" painosente nya pang sabi. Marahas akong tumayo at naglakad na palayo. Ayoko sa nakikita ko, ayoko sa nararamdaman ko at ayoko sa nangyayari! Baka hindi ko mapigilan, si Neon pa ang masapak ko.
"Akin nalang 'tong pagkain mo ah?! Hindi mo naman binawasan eh!" rinig ko pang yung huling sinabi ni Neon.

BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Cerita PendekIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.