Part 1

36 5 0
                                    

"Okay ka na?" tanong ko kay Denise. Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan. Dito lang daw muna kami kasi ayaw nya pang umuwi. Matapos ko syang mapatayo mula dun sa kinalulugaran nya kanina, sabi ko sa kanya ihahatid namin sya pero, ayaw nya pa daw.

Hindi sya sumasagot sa tanong ko. patuloy padin sya sa pag iyak. "Denise, alam mo yung sinasabi ng mga magulang, pag nadadapa yung anak nila?" sabi ko sa kanya. Tinignan naman nya ako. Nag aantay sya ng sagot. "Sabi nila. 'Wag ka umiyak, kasalanan mo yan!'" sinabi ko yun with action, para mapangiti sya kahit konti. Pero nagfrown lang sya sa akin. "Bakit ka, umiiyak?" tanong ko.

Pinahid nya yung mga luha nya bago sya sumagot sa akin. "Kasi, nasasaktan ako!" galit nyang sagot. Buti nalang talaga dalawa lang kami dito sa kotse, kasi si manong pinalabas ko muna. "Bakit ka nasasaktan?" tanong ko ulit. Alam ko nakakaasar yung mga sinasabi ko. Pero ito yung alam kong paraan para marealize nya yung mali nya. "Kasi, niloko ako ni marion!" sabi nya. "Bakit ka niloko ni marion?" tanong ko ulit.

"Kasi TANGA ako!!! Katulad ng lagi mong sinasabi!!! Ano masaya ka na?!" sigaw nya sa akin. "Tama, Kasalanan mo kung bakit ka umiiyak. Nasasaktan. Kasi tanga ka." sagot ko, "Kasalanan ba magmahal?" tanong nya.

"Hindi. Pero sa case mo, oo. Kasi minahal mo yung taong meron nang karelasyon." sagot ko. Hindi na sya sumagot. At tumigil nadin sya sa pag iyak. Nanatili kaming tahimik nang ilang minuto hanggang magsalita ako ulit. "Okay ka na?" tanong ko. "Hindi. Gusto ko na umuwi." sagot nya. "Sige, uuwi na tayo." sagot ko. Kinuha ko yung phone ko para itext na si manong driver. Pero habang wala pa sya, humarap ako kay Denise. "Denise, sana maging okay ka na. As Soon as Possible." sabi ko. Napatingin naman sya sa akin. Tinignan ko sya ng mataman sa mata. "Ayoko kasing, nakikita kang nagkakaganyan." sabi ko. Tapos biglang dumating si manong. Tapos nagdrive na sya pauwi.

Nag stop kami sa tapat ng bahay nila Denise. Bumaba na sya ng kotse, pero bago sya tuluyang makapasok sa gate nila, tinawag ko sya. "Denise" sabi ko. Tumingin naman sya sa akin. "Goodnight, see you tomorrow?" tanong ko. Gusto ko lagi ko makita, para mabantayan ko sya. Binigyan nya lang ako ng bitter na smile tapos tumango sa akin. Tapos pumasok nadin sya sa bahay nila.

Nagdrive na ulit si manong para umuwi na kami. Pagdating sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga. Ewan, nung nakita ko si Denise kanina. Para akong nanghina.

I'm not Physically drain but Emotionally Exhausted.

ALMOST LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon