Sumunod na araw. Pagkagising na pagkagising ko, kinuha ko agad yung cellphone ko para itext si Denise ng 'Good Morning' tapos bumangon na ako para mag asikaso ng sarili para sa pagpasok.
Ito na yun! Wala na si Marion at Denise. Ito na yung chance ko para malaman nya yung nararamdaman ko. Alam ko sa ngayon, broken hearted pa sya. Pero I will do my best para mabilis syang makamove-on. Pero once na okay na sya. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Liligawan ko na sya.
As usual, naabutan ko si Daddy na nagbebreakfast na. Umupo narin ako para magbreakfast. "Good morning, dad." bati ko. "Good morning." sagot nya. Nag umpisa na ako kumain.
Nagpagawa ako kay manang ng dalawang sandwich para baonin ko sa school. Isa para sa akin, isa para kay Denise. Ganto muna, baby steps. Magpaparamdam muna ako sa kanya, pero pag ready na sya. PROMISE. Aamin na talaga ako.
Sumakay na ako sa motorbike ko tapos pumunta na ako sa school. Nagpark na ako. Tapos hinintay ko si Denise sa gate. Hindi nagtagal, nakita ko naman agad sya. Naglalakad papasok. Naglakad ako pasalubong sa kanya habang nakangiti. "Denise," sabi ko. Ganun padin sya. Mukhang malungkot. Well, I can't blame her. Hindi ka naman magiging masaya overnight matapos ang breakup.
Tumingin sa akin. "Mico, Good morning" bati nya, pero halata namang hindi good ang morning nya. Nginitian ko ulit sya tapos sinabayan ko sya maglakad. "Sabay, tayo mag lunch, mamaya ah." sabi ko sa kanya. Hindi sya sumagot, pero wala naman syang choice eh. haha.. "Excited, na ako." enthusiastic kong sabi. Tapos wala nang nagsalita sa amin.
~ooOoo~
"Para sayo." todo ngiti kong sabi kay Denise, sabay abot ng binaon kong sandwich for her. Nagfrown sya sa akin pero kinuha nya din yung sandwich tsaka nya ito inusisa. "Para saan 'to? Birthday mo ba?" tanong nya. "Para sayo. Para kahit papano, sumaya ka. haha.. Tsaka hindi ko pa birthday." sabi ko. "Thank you" sabi nya tapos ngumiti sya sa akin.
"Speaking of birthdays. Malapit na pala birthday ko." balita ko sa kanya. Napatingin sya sa akin. "Oh, talaga? Kelan?" tanong nya. "March, 12. Punta ka ah. Magpaparty ako!" sabi ko. Hindi ko pa alam kung may party talaga, pero gusto ko sya makasama sa birthday ko.
Special Day + Special Girl = Perfect!
"Talaga? Ano bang regalo ang gusto mo?" Tanong nya ulit. Tinatanong pa ba yan? Edi puso mo! Sabi ko sa isip ko. "Ikaw." sagot ko. Bago ko pa mapigilan yung labi ko magsalita. Nakita ko syang nagtaka sa sinabi ko. "Ako? Anong Ako?" confuse nyang tanong. "I-i mean, Uhmm... Ano, Ikaw! Ikaw bahala. Kahit wala. Kahit p-presense mo lang, o-Okay na." nauutal na ako. Feeling ko may nagawa akong kasalanan na ewan.
"Haha... Ang cute mo pala no?" nagulat ako sa sinabi nya. "Osige, pupunta ako sa birthday party mo. haha.." halos matunaw yung puso ko habang nakikita syang nakangiti at tumatawa. "Mico?" Natigil ako sa iniisip ko na magsalita sya ulit. Bigla akong nahiya at feeling ko medyo nag blush ako. "H-huh? Uhmm... Ok ok. hahaha....." hindi ko na maalala yung topic namin kaya dinaan ko nalang sa tawa.
Grabe, na mesmerize ako sa kanya. Yung tipong Pati thoughts ko nawala.
Haaayy..... Pag-ibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/25342574-288-k232597.jpg)
BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.