Part 6

12 2 12
                                    

Pumasok na kami sa room. Hindi nagtagal, nag umpisa na yung klase. Napansin kong, habang klase. Tahimik at walang kibo si Denise. Ano kayang iniisip nya?

Nag ring na yung bell. Sign na Breaktime na. Lumapit ako kay Denise para ayaain sya mag lunch.

"Denise, sabay na tayo mag lunch." sabi ko. Tinignan nya ako. "Sige, basta wag mo ako ililibre." sagot naman nya. Napakamot ako ng batok. Yun nga yung gusto ko gawin eh! "Ok" sagot ko. Sabay kami pumunta sa cafeteria. Ganun na naman, lahat na naman ng titig nasa amin. Ewan, masyado ba kaming perfect together? Well. Maliit na bagay! hahaha..... Joke lang. :)

Bumili na kami nang makakain tapos umupo sa may bakanteng table. Pagka upong pagka upo namin. Nakita namin na dumaan si Marion sa gilid ng table namin, and sa amin sya nakatingin. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagkain.

Habang kumakain ako, nakita kong hindi nya ginagalaw yung pagkain nya. "Denise," tawag ko sa kanya. Tumingin naman agad sya sa akin. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko ulit. Yumuko sya. "Wala na akong gana." sabi nya. "Denise, may problema ka ba?" sabi ko. Tumingin ulit sya sa akin. "Mico, gusto ko na maka move-on." sabi nya. "Madali lang yan," sabi ko. Nakangiti kong sabi. Nagfrown naman sya sa akin. "Madali lang, kung willing ka. Willing ka ba?" pagpapatuloy ko.

"Oo naman" sagot nya. Mas lalong lumawak yung mga ngiti sa labi ko. "Tutulungan kita." sabi ko. "Paano?" tanong nya. Tinaas ko yung kamay ko tapos nilagay ko sa mga pisngi nya tapos inistretch ko yung mga labi nya. "Dapat lagi kang nakangiti." sabi ko. "Ganyan!" nung nakita ko syang ngumiti.

"Tumingin ka sa harap mo. Anong nakikita mo?" tanong ko. "Ikaw." sagot nya. "Tama! Ako si #SuperGlue" sabi ko. "SuperGlue?" confuse nyang tanong. "SuperGlue, kasi ako ang mag aayos ng wasak mong puso." paliwanag ko. Corny, pero nakita ko syang ngumiti. Yung hindi pilit. "Ang Corny mo!" tapos hinampas nya ako sa balikat. "Ganyan! Diba, ngumiti ka? Ganyan ka dapat lagi. Para mas maganda ka!" sabi ko. "Serious na. Denise, tutulungan kita maka move on." sabi ko sa kanya. Ngumiti ulit sya sa akin. "Thank you, Mico." sabi nya. Ngumiti din ako sa kanya. "Kain ka na." sabi ko. Nag umpisa na syang kumain at pinag patuloy ko na yung pagkain ko.

Natapos yung breaktime kaya bumalik na kami sa room. Simula nang mag usap kami ni Denise, kapansin-pansin yung pagbabago ng mood nya. Hindi na katulad nung kanina.

Lumipas ang ilang oras at oras na para mag uwian. Cleaners si Denise kaya nag stay din ako para tumulong mag linis. "Denise, hatid na kita sa inyo?" tanong ko sa kanya matapos namin mag linis. "Okay lang sayo?" tanong nya din. Binigyan ko sya ng napaka laki kong smile. "Okay na okay!" sagot ko. Ako pa ba, aayaw? Kung pwede ko nga lang kitang gawing keychain ginawa ko na eh! Para lagi tayo magkasama. Naisip ko.

Ngumiti din sya. "Sige," sabi nya. Nilahad ko yung kamay ko, hoping na kukunin nya para holding hands kami ulit. Pero nagulat ako ng kinuha nya nga! Biglang may static na dumaloy sa katawan ko na nagpabilis ng kabog ng puso ko.

Ito ba yung tinatawag nilang, #Pumupuso ???

Holding hands kaming naglakad papunta sa parking. Walang nagsasalita. Feeling ko, legit na kaming mag boyfriend/girlfriend. haha... "Mico, paano ko malalaman kung naka move on na ako?" sabi ni Denise. "Malalaman mo yun, pag wala ka nang nararamdaman pag nakikita mo yung taong nanakit sayo. Pag meron nang ibang bagay na nagpapasaya sayo." sagot ko naman.

"Mico, Thank you talaga. For being my Friend." sabi nya. #Awtsuu FRIEND. #Saklap. Pwede ba more than that?

Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya kasi sumakay na kami sa motorbike tapos nagdrive na ako pauwi.

Siguro sa ngayon FRIEND palang kami. Pero once na makamove-on na sya. Sisiguraduhin ko. Mamahalin nya din ako. And when that time comes, I'll never hurt her.

ALMOST LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon