Nakita kong nagulat yung expression ng mukha ni Denise. Ito na, nasabi ko na, wala nang atrasan. "Denise gusto kita. Dati pa. First year palang tayo." sabi ko. Hindi sya nagsasalita. "Hindi kita malapitan kasi, lagi akong nahihiya. Ewan pero para kang kryptonite, inuubos mo yung lakas ko kahit wala ka namang ginagawa sakin." pagpapatuloy ko. "Kaya nga nung nalaman ko yung tungkol sa inyo ni Marion. Inis na inis ako! Sa kanya, lalong-lalo na sa sarili ko! Kasi hindi ko nagawang magtapat sayo dati. Edi sana tayo na, dati pa. Hindi ka sana nagkakaganyan ngayon. Masaya ka dapat!"
"Mico," napatigil ako sa pagsasalita nang marinig kong sinabi nya yung pangalan ko. Napalunok ako at napahinga ng malalim habang nakatingin sa kanya. Irereject nya ba ako? Handa na ba ako mareject? "Thank you." sabi nya. Anong ibig nyang sabihin? "What do yo--" napitigil ako "Thank you, kasi kahit alam mo yung saamin ni Marion. Hindi ka lumayo sa akin" pagpapatuloy nya. Brief moment of silence followed.
"Denise are you mad?" tanong ko. Binigyan nya ako ng ngiti. Tapos umiling sya bilang sagot. Napangiti din ako. "So??" tanong ko. Hindi ko pa kasi alam kung anong iniisip nya tungkol dun sa pag amin ko. "Mico, hindi pa ako ready magmahal ulit." sabi nya. #SAKLAP. Para akong sinapak sa dibdib ng marinig ko yan. "Alam ko. Handa naman ako maghintay eh." Sabi ko. "Kung maghihintay ba ako. May chance ba na magustuhan mo ako?" tanong ko.
Tumingin sya sa akin. "Hindi ka mahirap magustuhan." sagot nya.
#WAGI biglang nagkaron ng spark ng pag asa sa puso ko nang marinig ko yung sinabi nya. Hindi naman nya ako nirereject eh. Hindi palang talaga sya ready. "Talaga?" masaya kong tanong. Para akong bata na binigyan ng laruan. Tumawa sya ng bahagya. Tapos tumango sya sa akin.
Hinawakan ko yung ulo nya tapos bahagya kong ginulo yung buhok nya. "Kumain na tayo." sabi ko. Binuksan nya yung karton na pinaglalagyan ng laruan. Nilabas nya yung laman. Isang maliit na parang manika. Tinignan nya 'to tapos tumingin sa akin nang nakangiti. "Thank you" sabi nya. "Welcome." sagot ko.
Sumakay na kami ulit sa motorbike para umuwi na talaga, matapos namin kumain. Yung pakiramdam ngayon, iba na. Nafefeel kong mas komportable na sya sa akin. Tapos ako. Nararamdaman ko, nagiging mas mahal ko sya.
Nagpark na ako sa tapat ng bahay nila. Bumaba ako pati sya para ihatid sya sa may pinto. Oh yeah! \m/ para talaga akong nanliligaw na. haha..
nakarating kami sa pinto, pero pinigilan ko sya bago sya tuluyang makapasok sa pinto. "Denise," tawag ko. Humarap naman sya sa akin. "Bukas ulit?" nahihiya kong tanong. Ngumiti sa akin. Tapos hindi ko inaasahan yung sunod nyang ginawa. Tumingkayad sya para ikiss yung pisngi ko.
Nanlaki yung mga mata ko, at para akong nakuryente. Hindi makagalaw, hindi makapag salita. "Bukas ulit." nakangiti nyang sabi. Tapos pumasok na sya at hindi na ako nilingon pa.
Naiwan ako doon ng ilang minuto. Unti-unti kong nararamdaman ang pag lapad ng ngiti sa mga labi ko. Ibig sabihin ba? #YAHOO!!!
Ngayong gabi isa akong malaking #HAPPYKID
Sumakay na ako sa motorbike , para umuwi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/25342574-288-k232597.jpg)
BINABASA MO ANG
ALMOST Lover
Short StoryIto ay ang kasunod na istorya matapos ang Third Party story at #CertifiedTorpe entitled Almost Lover.