Chapter 3. ♥

33.5K 489 40
                                    

Hinanap ko siya.. Kung saan saan na ako nakarating,pero wala pa din. 

Sobrang sakit na nga ng mga paa ko kakatakbo habang suot pa din ang napakataas kong heels.

Hindi ko nga alam kung bakit ako humantong sa puntong ito na naghahanap sa isang lalaki dahil sa isang leather jacket..

Ilang sandali pa.. May narinig ako na ingay mula doon sa bar. May nilabas silang lalaking lasing na lasing na mukhang napaaway pa ata.

At nang malapitan ko itong makita..

Ito na nga ang lalaking hinahanap ko.. Ang lalaking nagbigay saakin ng leather jacket without saying anything. Ang bassist na ang pangalan ay Daniel.

Tinayo ko siya at inalalayan..

Dadalhin ko na sana siya sa mga kaibigan niya..

Nang biglang..

"Ayoko pang umuwi!! Gusto ko pang uminom!!" galit niyang sinabi.

"Ha? Hindi na pwede! Hindi mo na kaya oh! Sobrang lasing ka na!" sabi ko naman sakanya.

"Kung ayaw mo akong samahan,iwan mo nalang ako dito.. Tutal wala ka namang pakialam saakin diba? Hindi mo naman kasi nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko." napaupo siya at umiyak sa isang tabi.

Hindi ko ba alam. Napaka-tigas ng ulo ng lalaking to. Pero,medyo naintindihan ko siya. Kaya naisip ko nalang siyang yakapin. Sana kahit papano mawala yung sakit na nararamdaman niya.

Dahil nga sa kondisyon niya na sobrang lasing talaga,iniwanan ko muna siya. Bibili muna ako ng kape para magising naman ito kahit papano. Sobrang lasing na kasi eh.

Nung makabalik na ako,bigla naman siyang nawala.

I look around,baka sakaling nasa isang tabi lang siya.. Pero wala.

"Haysss. San na kaya yung lalaking yun?" napayuko nalang ako.

Bigla nalang may humawak sa braso ko. And to my surprise,it's him.

Bago pa ako makapag-salita para sermonan siya..

Bigla nalang niya akong hinalikan..

Dapat sa mga pagkakataong iyon itutulak ko siya eh. Pero,nawalan ako ng lakas para gawin yun. Hindi ko magawa. Yung DAHILAN? Hindi ko alam kung bakit!!

Sandali lang yung halik na iyon.. Pero,iba yung naramdaman ko sa halik na iyon eh.

Napaupo nalang ako sa isang tabi. Umupo din siya. Patuloy siya sa pag-inom samantalang ako tulala at parang wala pa ring lumalabas na response sa katawan ko dahil sa nangyari kanina.

Pero,kahit na alam kong lasing siya. Kahit papaano naman siguro alam niya ang pinag-gagawa niya diba?!! Kaya tinanong ko na siya!

"Ba't mo ako hinalikan?!!"

Pero,bago pa niya masagot yung mga tanong na iyon. Nakatulog na siya.. At nakasandal pa sa balikat ko.

Ewan ko ba.. I have a strange feeling towards him. My heart is racing at parang nakukuryente ako everytime na madidikit siya saakin..

Dapat nga tinutulak ko siya papalayo but i don't know what is happening to me!

Bigla siyang tumayo... At naglakad papalayo.

I ask him kung saan siya pupunta,pero wala man lang siyang sinagot.

Hinayaan ko nalang siya. Bakit ba ako magiging concern pa sakanya? Eh hindi man lang siya nag-aalala saakin na kanina pang tumutulong sakanya.

Pero,hindi ko pa din siya pwedeng hayaan.. 

Tumayo ako at hinabol ko siya.

Dahil naman sa epal kong heels,natapilok ako.

"ARAY!!!" malakas kong pagka-sigaw.

Napaupo nalang ako sa sobrang sakit habang hinihilot ko yung masakit kong paa. Nang bigla nalang siyang lumapit.

"Kahit ganto sitwasyon ko ngayon. Kaya pa naman kitang buhatin. Sige na.. Dito ka na sa likod ko. Alam kong masakit yan!" he said.

Wala ng tanong pa.. At sinunod ko nalang ang sinabi niya..

"Kumapit kang maige.." he added.

Hinigpitan ko talaga yung kapit ko. 

Kahit papaano may good side naman pala itong Daniel na ito. Sabagay,umpisa palang naman talaga naging mabait na siya saakin.

Napaka-warm ng likod niya. At times like this.. Diba dapat ang maramdaman ko ay awkward feeling? Pero hindi eh.. I feel comfortable.

I feel comfortable that i can't even think of letting go..

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon