Chapter 6. ♥

31.4K 429 28
                                    

Pag-uwi ko. Hindi ko ba alam kung ano yung nararamdaman ko. Parang sasabog na ata yung puso ko eh. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Hindi ko talaga alam.

Mahal ko na ba siya? O gusto ko lang siya? Pwede ba yun? Sa tingin ko oo,hindi naman kasi kailangan na sobrang tagal mo ng kilala ang isang tao para mahalin mo siya. Hindi mo din kailangan ng madaming dahilan para masabi mong mahal mo na ang isang tao.. Kasi minsan,isang dahilan sapat na eh. Sapat na para masabi mong mahal mo yung taong iyon.

Gumising ako agad ng maaga. Ewan ko ba,kinakabahan ako. Hindi kasi ito ordinaryong date eh. Ewan ko nga kung date ito para sakanya. Ay basta,kahit anong mangyari magiging maayos ito.

Nakarating na ako sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Kung saan ako unang nakaramdam ng kakaiba nung una ko siyang makita.

Inaantay ko ang pagdating niya..

 

Ilang oras na din ang lumipas.. Wala pa din siya. Dadating pa kaya siya? 

Bigla nalang may tumabi saakin..

"Kanina ka pa ba?" tanong niya.

"Oo. Antagal mo namang dumating." reklamo ko.

"Sorry. Napasarap kasi yung practice namin eh. Tara na." sabay tayo.

Date ba talaga ito? Bakit iniiwan niya ako? Nauuna pa siyang maglakad saakin.

"Kailangan maging memorable ito." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka ba diyan?" tanong niya.

"Ay wala. Sabi ko tara na! Dali!!" sabay hila sa kamay niya.

"Teka? Bakit mo hinahawakan yung kamay ko?" sabay bitaw saakin.

"Ang arte mo naman! Ngayon lang naman diba? Tska,ako ang masusunod ngayon noh! Wag ka ng mareklamo." hinawakan ko ulit kamay niya.

Medyo awkward at first para sakanya. Pero,the whole time magkahawak na kami ng kamay. Hindi na siya nagreklamo o nag-attempt na tanggalin ang kamay niya.

 

Nang makrating na kami sa lugar na..

"Dito tayo? As in?" reklamador talaga.

"Oo,dito tayo. Ayaw mo?" 

"Hindi naman. Tagal ko na ding hindi nakapunta dito."

"Yun naman pala eh! Tara na!" 

Nag ride all you can talaga kami. Isip bata noh? Pero,wala eh.. Sobrang saya.

Yung ngiti niya. Sobrang ganda. Sobrang gwapo. Parang naging totoo na siya sa sarili niya nung mga oras na iyon. Sobrang isip bata niya. Bawat rides talaga in-enjoy niya.

Yung mga moment na iyon.. Hinding hindi ko makakalimutan. I don't want this day to end. I just want to see him smiling like that all the time.

"Kath!" sabay upo sa tabi ko.

First time niya akong tawagin na Kath. Sobrang nakakatuwa lang.

"Oh?" smiles.

"Thank you."

"Wala yun. Super nag-enjoy ako today. Thank you din sayo. Pasensya na sa weird na favor na hiningi ko sayo."

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon