Chapter 23. ♥

21.6K 318 42
                                    

DANIEL's POV



"Bakit meron pa bang TAYO?"


"Bakit meron pa bang TAYO?"


"Bakit meron pa bang TAYO?"




Paulit ulit lang yan sa isip ko. Ewan ko ba. Ang sakit eh, Kahit sino naman diba. Ang gusto ko lang naman makasama ko siya ulit at bumalik sa dati.

Pero ano? Yan ang narinig ko mula sakanya.

Mahal niya pa ba ako?

Yun ang kailangan kong malaman.

Hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap.

Hindi ko pinahalata sakanya na medyo naapektuhan ako sa mga sinabi niya.

"Talaga.. Walang tayo?" unti-unti kong nilapit ang mukha ko sakanya.

Umaatras siya kaya nakapasok na din ako sa kwarto.

"Oo,wala naman talagang tayo diba?" sabay tingin sa gilid.

Tuluyan na akong pumasok at isinara ang pinto.

"Anong binabalak mong gawin? Sisigaw ako dito!!"

"Sisigaw ka? Para saan?"

"Ano ba!! Bakit ka ba kasi nandito? Bakit kinailangan mo pang bumalik at magpakita saakin!?"

"Sa tingin mo bakit? Kasi ikaw pa din yung laman nito." kinuha ko yung kamay niya at itinapat ko sa puso ko.

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon