Niyakap niya ako at sinabi niya saaking wag akong sumuko.
Anong ibig sabihin nun?
Does it mean that i have a chance?
Posible nga kayang may nararamdman na siya para saakin?
Wait.. Hindi ako pwedeng umasa. Baka mas lalo akong masaktan.
Kausapin ko kaya siya? Kahit sa huling sandali lang.
Pumunta ako sa bahay niya.
Hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako.
Wala siya sa living room.
Pero narinig ko yung boses niya sa may kwarto niya. May kasama siya.. kaya dahan dahan akong naglakad.
Hindi ko din naman sinasadya kung marinig ko yung pinag-uusapan nila..
Hanggang sa ang narinig ko boses ng babae.
Tekaaaaaaaa? BABAE? Boses ng babae?
Si Aria? Anong ginagawa niya dito?
Ano ba itong tanong ko?! Eh bahay nga nila ata ito dati eh.
Sa sobrang daming laman ng isip ko.
Eto nalang yung narinig ko na sigurado akong si Daniel ang nagsabi.
"Pero.. Kahit ganon. Tandaan mo,minahal kita. Mahal na mahal." sabi niya.
Ano pa nga ba? Bigo nanaman ako.
Napakatanga ko talaga. Grabe,ilang beses ba kailangang mangyari ito.
Tumakbo nanaman ako papalabas habang naiyak.
Eh sa sobrang clumsy ko.. Nabangga ko yung vase.
Nataranta na ako.. Dahil ayaw kong makita ako ni Daniel na naiyak.
Kaya ginawa ko.. Pinulot ko yung basag na vase.
Oo,pinulot ko. Hindi ko nga naramdaman yung sakit. Hinayaan ko nalang mabugbog ako. Basta wag niya akong maabutan.
Sobrang bilis kong tumakbo.
Pero..
May humawak na naman sa braso ko.
Sino?
Si Daniel. Lagi naman eh. Magaling talaga siyang humabol.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sakanya.
"Hindi kita bibitawan!!" hinigpita niya lalo yung hawak niya saakin.
"Bakit? Masaya kang nakikita akong nasasaktan?" sabay iyak.
"Tignan mo nga itong nangyari saiyo." tinanggal niya yung basag na vase sa kamay ko.
Tapos binalot niya yung kamay ko ng panyo niya.
"Daniel.."
Bago pa ako makapag-salita. Niyakap na naman niya ako.
"Bakit mo ako niyayakap? Para lalo kitang mahalin?!" sabi ko naman.
"Iiyak mo lang. Sorry. Dahil saakin nasasaktan ka."
"Okay lang. Sanay na naman ako eh. Tska,ako naman yung may kasalanan diba? Ako yung umaasa. Sige.. Okay na ako. Bumalik ka na sakanya." binitawan ko na siya.
Bigla niya akong hinila at niyakap ulit.
"Dito ka lang. Bakit pa ako babalik? Para ano? Para masaktan ka ulit?!" sermon niya saakin.
"Eh diba mahal mo siya? Mahal na mahal mo siya diba?"
"Paano mo naman nasabi?"
"Narinig ko. Yung huling sinabi mo sakanya.. na mahal na mahal mo siya."
"Mali ka naman ng narinig eh. Sinabi ko yun dahil yun ang nararamdaman ko sakanya DATI. Kuha mo?" tapos biglang tumawa.
"Ibig sabihin.. Hindi ka nakipag-balikan sakanya?"
"Hindi. Siya ang nakikipag-balikan saakin. Pero.." sabay tingin saakin ng diretso.
"Pero.. ano?" tinignan ko din siya.
"Pero sinabi ko sakanyang may nagugustuhan na akong iba eh."
"Sino naman?" pinunasan ko yung luha ko.
"Secret.." sabay ngiting pang-asar.
"Ano baa? Ang duga mo!! Sabihin mo na!!" bumitaw ako sakanya.
Pero sobrang higpit ng yakap niya saakin. Ayaw talaga akong bitawan.
"Tinatanong pa ba iyan?
Sino pa nga ba? Edi yung yakap ko ngayon."
Totoo ba yung narinig ko? Ako ba talaga?
Sino pa ba? Ako lang naman yung kayakap niya ngayon eh.
Pero..
Ako ba talaga?
Napaiyak nalang ako at niyakap ko din siya.
Dinig ko yung tibok ng puso niya. Sobrang bilis nga.
Dahil kaya yun saakin?
Panaginip ba lahat ng ito o hindi? Pinikit ko yung mga mata ko..
Pagdilat ko.. Kayakap ko pa din siya.
Totoo nga. Totoo nga ito.
I'm inlove with the bassist.
And he is also inlove with me.♥
BINABASA MO ANG
I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]
FanfictionPaano kung akala mong okay na ang lahat kaso hindi pa pala? Laging may kulang. Laging may problema. Magkaroon pa kaya ng Happy Ending ang storya natin?