Chapter 4. ♥

32.7K 450 23
                                    

Medyo kakaiba yung amoy..

Ang tigas pa ng kama ko.. Teka kama ko nga ba to????!!

Dumilat ako at laking gulat ko ng makita ko siya.

"Buti naman nagising ka na. Oh ayan mag-kape ka muna." Inilapag sa harap ko yung kape.

"Teka?Teka? Wala ka namang masamang ginawa saakin diba?" sabay takip ng kumot sa katawan ko.

"Teka lang ha? Wala nga akong matandaan kagabi. Isa pa.. HINDI KITA TYPE." sabi niya with his serious face.

"Ang yabang mo naman!!! Pagkatapos lahat ng ginawa kong kabutihan sayo kagabi!" sinumbat ko na sakanya sabay higop ng kape ko.

"Chill ka lang. Kung ano man yung mga nagawa mo.. Nagpapasalamat ako dun at pasensya na dahil nadamay ka pa.. Pero."

"Ah yun ba.. Wala yun. Maraming salamat din pala kagabi. Salamat sa pag-buhat mo saakin." singit  ko naman.

"Kaya naman pala sobrang sakit ng katawan ko!! Ikaw pala ang may kasalanan!!" galit niyang sinabi.

"Hoy! Hindi ko naman sinabing buhatin mo ako ha!!" sagot ko naman.

"Eh alam mo namang lasing ako diba? Tska isa pa,inabuso mo naman ako. Sure ka wala kang ibang masamang ginawa saakin?!!" diretsong tingin saakin.

"Ang kapal mo naman!! Ako magbabalak sayo? You wish!" yan nalang bigla ang response ko sa Daniel na ito.

"Mabuting nagkakalinawan na tayo agad. Para walang problema..Pero,pwede ba? Pagkatapos mo dyan umalis ka na dito. At kalimutan mo nalang yung mga nangyari. And for the last time,thank you sa lahat. Yun lang!!" sabay punta sa may cr.

Nako. May attitude din pala itong Daniel na ito. Samantalang una naming pagkikita may pahiram hiram pa siya saakin ng leather jacket niya! Kaasar siya! Masyadong pa-charming!

Aalis na nga ako dahil yun ang sabi niya. Pero.. since. Nasa cr naman siya,tumingin muna ako sa apartment niya.

Nako,sobrang gulo. Ang daming kalat. Isang buwan na ata itong hindi nililinisan. Puro alikabok na din at nakakalat ang mga damit niya.

Nung lalabas na sana ako.. Hindi ko naman intensyong makita yung picture na yun. Pero,yun nga nakita ko nga. Yung picture niya at ng isang babae.

Eto na kaya yung girlfriend niya? Medyo bata pa ang itsura nila dito. I look around. Pero,eto lang talaga yung naka-display na picture.

[picture nasa gilid,isa po siya sa mga character sa story ko. :p Si ARIA.]

No doubt. Eto na nga yun. Siya na yung babaeng iniiyakan ni Daniel. Maganda at mukha talagang mabait. Pero,bakit niya kaya iniwanan itong Daniel na ito? Siguro.. Hindi na din kinayanan yung ugali niya.

Paulit-ulit kong tinignan yung picture. Ewan ko ba. Gusto ko lang itatak sa isip ko yung itsura niya.

Hinawakan ko na yung door knob ng biglang bumukas.

And guess what?? Si Daniel yung papasok sa room!

Sobrang nagulat ako dahil nakatowel lang siya!!!

Mga ilang segundo din akong natulala sakanya. Ano ba itong nangyayari saakin?!

"Bakit nandito ka pa din? Umalis ka na!!!" galit niyang sinabi.

"Oo na!! Aalis na ako!" sinara ko agad yung pinto.

Sige na,eto naman ang gusto niya diba. Aalis na ako.

Pero,parang ayoko pa eh. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang gusto ko pang mag-stay kahit sandali lang.. Gusto ko pang gumawa ng excuses to be with him.

Ano ba itong nararamdaman ko!! WAKE UP KATHRYN!! You can't fall for the bassist!!

Sumakay na ako agad. At nagmadaling umuwi.

I took a shower to freshen up my mind. Sobrang gulo pa din. May nararamdaman na ba talaga ako sa lalakeng ito? Baka naman infatuation lang.

Ay basta.. I need a sign. Kung wala naman,kakalimutan ko na siya.

Binuksan ko yung bag ko,para ayusin ang mga laman nito.

And to my surprise..

His LEATHER  JACKET is still there.

Nagkataon ba to? O nakatadhana ng mangyari? 

Ibabalik ko ba? O hindi nalang? 

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon