Chapter 10. ♥

28.3K 497 55
                                    

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na tunog ng ringtone ko. 

Nakakainis naman. Sino bang matinong tao ang tatawag ng ganoong kaagang oras?

Sinagot ko na,sakit sa tenga eh.

"Sino ba ito?!" masungit na sagot ko.

"Ganyan mo nalang ba sasagutin ang boyfriend mo?" mula sa isang pamilyar na boses.

Sino ba ito?

Tekaaaa. Si Daniel?

"Boyfriend? Sinong boyfriend ko?" 

"Sino pa ba? Edi si Daniel. Ang sikat na bassist na kinababaliwan mo." sabay tawa.

"Ikaw? Kailan pa? Ha? Paano?" 

"Hindi ka ba masaya? Gusto mo bang bawiin ko yung mga salitang sinabi ko?" sagot niya sa seryosong tono.

Nanahimik ako sa sinabi niya.

Ano bang gagawin ko?

Okayy sige na nga. Kaysa mawala pa siya saakin.

"Huy. Andyan ka pa ba?" paulit-ulit niyang sinabi.

"Oo. Bakit ka ba napatawag?"

"Maligo ka na. Susunduin kita,may pupuntahan tayo."

Sabay baba ng phone.

Ganun lang yun? Wala man lang.. I love you Kath.

Ano bang klaseng boyfriend ito?

Totoo ba ang lahat ng ito?

As he said.. Nagprepare na nga ako. Nag-suot ako ng magandang damit. Nag-ayos. Nag-effort talaga ako,pero hindi naman yung sobrang halata.

Nung matapos na ako. Sakto naman.. 

May kumatok na sa pinto ng bahay ko.

 

Pagbukas ko ng pinto.

 

Hindi si Daniel eh.


"Ano po iyon?" tanong ko sakanya.

 

Tinitigan niya lang ako.

Hindi ko alam. Kakaiba yung titig niya saakin. Para bang ang tagal na naming magka-kilala.

Medyo naluluha pa siya. Hindi ko alam.

Ano bang meron sa lalaking ito?

 

Narinig ko na yung tunog ng motor ni Daniel.

 

Pumasok ako sandali para kunin ang bag ko.

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon