Chapter 8. ♥

27.4K 393 53
                                    

Sana panaginip nalang lahat ng iyon.

Pero.. Kung magiging panaginip man siya.

Yun na siguro yung pinaka-magandang panaginip. Yung nakilala ko siya. Kahit sobrang sakit.

Ilang araw ang lumipas..

Nanatili lang ako sa bahay. Kain at nood lang ang inaatupag ko. Sinusubukan kong kalimutan lahat ng nangyari pero hindi ko talaga kaya.

Kahit ikulong ko siguro ang sarili ko dito ng matagal walang mangyayari eh.

Nanonood ako ng nakakaiyak na movie ng may nareceive akong message.

May gig kami bukas. Sana makapunta ka. Sa may (insert place here) and same time pa ren. Aasahan ko pagpunta mo.

- Daniel

Totoo ba ito? Gusto niya akong pumunta sa gig nila?

Para ano? Para ganahan siyang tumugtog? Imposible naman ata yun.

Siguro hihingi lang siya ng tawad at sasabihing kalimutan nalang namin ang isa't isa.

Bakit kaya ganoon ang mga lalake no? Napakadali nilang gumawa ng mga desisyon at mag-bitaw ng salita ng hindi man lang iniisip kung makakasakit ba sila o hindi.

Pupunta ba ako?

Siyempre.

Pagkatapos kong manood ng movie na iyon.. Natulog ako agad. Pero,sobrang hirap matulog. Sobrang dami ko kasing iniisip. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kinabukasan..

Nakarating na ako sa lugar na sinabi niya. As expected.. Sobrang dami na namang tao. Medyo late nga lang ako ng 30 minutes. Pero,maganda naman yung nakuha kong pwesto. Sa harapan. 

Nung nag-umpisa na. Hindi ako makatingin sakanya. Pero,kahit papano nakikita ko naman na tumitingin siya saakin.

Naka-ilang kanta na sila.. Pero ganoon pa din. Hindi pa din ako tumitingin.

Nung siya na yung kumakanta.. Napatingin na ako sakanya.

Nagulat nalang ako nang huminto siya at napatingin sa entrance.

And to my suprise.. It's Aria.

Napatigil si Daniel at bababa na sana ng stage.

Pero ewan ko ba. Bigla nalang akong umakyat ng stage at kinuha ang mic ng sobrang bilis.

"Daniel.. Ganyan ka ba talaga ha?" sobrang tapang ng pagkakasabi ko.

Humarap siya.

"Lagi ka na lang ba tatakbo papaalis dahil nasasaktan ka? Bakit hindi mo siya harapin?Bakit hindi mo sabihing mahal mo pa din siya? Kung yun man ang gusto mong sabihin sakanya.

Bakit kailangan mong magpanggap na okay ka lang? Kung hindi naman talaga. Oo alam ko,wala ako sa lugar mo para mangeelam. Pero,hindi ko na kaya eh. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan. Bakit? Kasi nga mahal kita."

Napatingin siya saakin ng diretso.

"Kahit na ilang beses mo pa akong itaboy.. Kahit ilang beses mo pang sabihing hindi mo ako mahal. Kahit sabihin pa nilang walang pag-asa. Hindi ako susuko. Alam kong dadating din yung araw na magiging okay na ang lahat at kakayanin mo na ulit na magmahal.

Sana wag mo ng pahirapan ang sarili mo. At kung sa tingin mong nag-iisa ka lang sa mundong ito. Nagkakamali ka,nandito ako para sayo. Ang bandmates mo at higit sa lahat.. Lahat ng taong pumunta dito sa gig na ito. Sana naman maappreciate mo yun."

Lalapit na sana si Daniel saakin.

"Aria,sana sabihin mo na lahat kay Daniel. At wag mo na siyang pahirapan pa. Kung magiging kayo man ulit,kaya kong tanggapin yun. Pero tandaan mo.. Sa oras na saktan mo siya ulit. Nandito lang ako at kaya ko siyang nakawin sayo. KASI MAHAL NA MAHAL KO SIYA!!!!" malakas kong pagkasigaw sabay takbo papaalis.

Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun. Basta. Ang mahalaga nasabi ko na lahat.

Kahit hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari..

Bahala na lang.

Kung masasaktan ako.. Okay lang.

Pero,sana wag na si Daniel. Kasi,sobra na yung sakit na naramdaman niya.

Iyak ako ng iyak. Napaupo nalang ako sa isang tabi.

Hindi ko kasi alam. Nasasaktan din ako sa mga nangyari lalo na nung dumating si Aria.

Nagulat nalang ako nang may humila saakin at niyakap ako.

"Sorry.. Kung sobrang nasasaktan na kita. Sana maintindihan mo yung sitwasyon. Pero,sana.. Wag kang sumuko." sabi niya saakin at sobrang higpit ng yakap niya.

Bakit ganon?

Kahit na anong gusto kong magalit sakanya..

Patuloy ko pa din siyang minamahal..

Kung kailan ko naman siyang gustong kalimutan. Hindi ko magawa. Kasi kahit anong gawin ko.. Siya pa din eh. Si Daniel pa din.

Patuloy lang yung pag-iyak ko habang nakayakap sakanya..

 

Pagkatapos ng gabing ito. Ganoon pa din naman ang mangayayari eh.

 

So why can't it be?

Why can't it be the  two of us?

Why her? <//3

I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon