Hindi ko na alam. Susundin ka ba itong nararamdaman ko? Hindi naman sa ano. Pero,humingi ako ng sign.. Parang ito na nga yung sign. Eto nga!!!! BAHALA NA! Bahala na si Batman! Basta ibabalik ko to. Kahit ano pang mangyare.
Sa tulong ng kaibigan ko,nalaman ko kung saan sila natambay. Nung tinanong niya ako kung bakit gusto ko malaman gumawa nalang ako nung kung anong dahilan.
Nung makarating na ako dun. The music is very loud. As expected sa isang banda.. Pero ibang song naman yung tinutugtog nila this time.
Nanonood muna ako sandali. Inienjoy ko yung kantang tinutugtog nila. Mas gusto ko pa siya pag bassist siya eh,pag ganun lang siya. Masyado kasing rude ang ugali. Pero.. I know na hindi naman talaga ganoon ang ugali niya.
Bigla nalang tumigil yung music. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ako.
"Ano ginagawa mo dito?" galit na tono.
"Sunget! Nandito lang ako para dito! Ayan!" hinagis ko sakanya yung leather jacket.
"Teka!! Jacket ko to ah?! Paano napunta sayo ito??!" galit na tono nanaman.
"Ah ganun? Hindi mo matandaan? Ako yung babaeng pinahiram mo niyan. Hnidi mo matandaan? Yung araw na sobrang lakas ng ulan. Yung sumilong ako. Tas nandun ka din. Tas bigla mo nalang sinuot saakin yan." mahaba kong kwento..
"Ikaw yun????" tanong niya.
"Oo,ako yun. Malamang nasaakin nga yan diba?" sabay taas ng kilay.
"Yan lang ba pinunta mo dito? Kung nandito ka para magpasalamat. Ok na,makakaalis ka na." sabay talikod.
"Sa tingin mo yun lang? Yan na lang ba talaga naalala mong nagawa mo?!!!! WALA NG IBA?" ako naman yung may galit na tono.
"Bakit may iba pa ba?" sabay harap saakin.
"Oo! Hinalikan mo ako!!!" sinagawan ko na siya.
"HA? Ikaw hinalikan ko??!! Imposible ata yun!" pang-aasar niyang sinabi.
"Sa tingin mo niloloko kita?!!! Kaya ako nandito,para din doon. Nung araw na lasing na lasing ka,bigla mo nalang ako hinalikan!!!" may pang-aasar ko ding sinabi.
"Ok,i get it. Siguro nga.. Nagawa ko yun. Pero,hindi ko yun sinasadya. Ok?! Sorry sa nagawa ko. Kailangan ko pang mag-practice. Let's end it here." biglang ngiti.
"Sa tingin mo ganun lang yon? Para sayo.. Oo,hindi mo sinasadya. Aksidente lang yung kiss na yun. Pero,first kiss ko yun. Walang halong biro." serysoso na ako.
"Aissst! Anong gusto mong gawin ko?!" sabay kamot sa ulo.
"Kailan kong bawiin yung halik na yun!!" with matching smile.
"ANO? Hahalikan mo ako ulit? NO WAY!!!"
"Eh pano yun? Gusto mong kasuhan kita. Ninakawan mo ako ng halik!"
"Sandali. Anong kaso ka dyan? Sige ganto nalang,sabihin mo lang. Magsabi ka lang kung anong gusto mong hingin na favor. Pero,please lang.. Never ask for something like that. Babae ka diba? You should know that. Yun ay kung babae ka nga."
"Oo alam ko naman yun. Pero,as you said. Gagawin mo lahat diba? Kahit anong favor?" laughs.
"Oo na nga! Ano? Dalian mo mag-isip!"
"Go out on a date with me. It's final. I'll wait for you tomorrow,dun sa lugar kung saan tayo sumilong that day." sabay alis.
Oo.. Masasabi ngang medyo may pagka-cheap ako. Ewan ko ba,hindi ko nga alam kung saan ko nakuha yung courage ko para sabihin yung mga bagay na yon.
Basta..
I won't regret this..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note.Thank you po sa mga nagbibigay ng comments na puro positive po! So far,wala pa naman pong negative. And sa mga nagvovote po! Thank you! Keep on voting po please? Sa mga nagbabasa lang po,pakivote na din po! Thank you so much! And also become a fan na din po <3 Hehehe! God bless you all. Thanks for inspiring me! I will do my best in making this story :)
BINABASA MO ANG
I'm inlove with the Bassist. [Kathniel Story]
FanfictionPaano kung akala mong okay na ang lahat kaso hindi pa pala? Laging may kulang. Laging may problema. Magkaroon pa kaya ng Happy Ending ang storya natin?