Two weeks nalang at Graduation na namin. Bilis ng panahon parang kanina lang eh busog pako tapos ngayon gutom nanaman. Konek? Aba kayo na bahala magkonek nun. Ano kayo Chicks paglaki inahing? Psh.
"Waaa tinatamad nako" atungal niya saka dumukdok sa mesa.
Busy kase sila sa pag-aayos ng mga requirement dahil nga gagraduate na sila. After nun ay pirmahan na ng clearance. Kasama niya sina Axe, kyler at iba pang kaibigan nila Zue. Well, c;lose ko naman sila except Axe. Ilag siya sa mga ito. Kung hindi nga lang ako kasama a hindi din siya sasama sa grupong ito.
Hindi naman niya ito masisisi dahil kilala nga ang gang na kinabibilangan ng mga ito at si Zue ang pinuno.
"Ma-an, gagraduate kana tatamarin kapa" napapailing na sabi ni Axe.
Eh keshe nemen eh ....
"Inaantok na kase ko" nakangusong paliwanag niya.
"Nako, kulang ka lang sa yakapsule at kisspirin ni Lead eh" pang-aasar sakanya ni louie kaya sinamaan kaagad niya ito ng tingin.
Pero kase -- Totoo ang sinabi nito. Waaaaa after kase nung kumaen sila sa Ice cream house ay hindi pa niya ito ulit nakikita and that was three days ago. Ni hindi nga din siya pumapasok eh. kapag tinatawagan ko naman kung hindi nakapatay eh hindi niya sinasagot.
Nag-aalala na siya, baka kase kung ano ng nangyari dito. Sinubukan na din niyang tanungin ang mga kaibigan nito ngunit pare-parehas lang sila ng sagot. Hindi nila alam. Pinuntahan na niya din ito sa condo nito pero wala siya. Si Zeigan naman, ang nakababatang kapatid ni Zue eh hindi niya mahagilap. Sigurado siyang ito ang makakapagsabi sakanya kung nasaan si ang Lovydabs niya.
Waaaa miss na miss ko na siya TT_________TT
"Ma-an, malaki na si Zendrick alam na niya ginagawa niya"
"Eh bes, hindi ko maiwasang huwag mag-alala. Alam niyo namang hindi ako sanay na ganito si Lovydabs. Medjo nagiging weird na nga siya this past few days tapos bigla nalang siyang hindi magpapakita. Feeling ko tuloy may mangyayaring hindi maganda" malungkot niyang pahayag. Nagkatinginan naman ang mga kasama niya. Well, hindi naman kase ganito si Zue.
Ni hindi nga ito nakakatagal nang isang minuto na hindi siya nakikita o naririnig man lang ang boses niya tapos biglang tatlong araw itong walang paramdam? nakakapagtaka at nakaka- kaba ng sobra!
YOU ARE READING
HR#2: TORN INTO PIECES
ChickLitGiving up doesn't means you are weak, sometimes it means you are strong enough to let go.