"Oh mukha ka nanamang zombie? Ikaw ba eh natutulog pa?" Kunot-noong tanong nito sakanya. Hindi siya sumagot, para saan pa eh obvious naman na siguro sa itsura niya ang sagot.
Shitness overload lang! Halos dalawang oras lang angtulog niya dahil sa kakatext at tawag sa hinayupak na Zue na iyon pero deadma. Tulad ng mga nakaraang araw walang reply at hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.
Gusto na nga niyang maghinala na baka may iba na ito o baka nagsawa na sakanya but damnit! Okay pa sila nung huling pagkikita nila eh so ano? Bigla na lang itong nauntog nung pauwi na ito at narealize na hindi pala siya nito mahal? nakakaputangines naman.
Last na talaga ito kapag hindi pa din siya nagpakita o tumawag or text man lang ay hindi ko siya kakausapin ng isang buwan. Teka kaya ko ba? Argh. Dammit Chii Kayanin mo! yamot niya sa sarili.
"Tatawag naba ko sa mental hospital?" Dinig niyang bulong ni Axe kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Pinagkamalan pa siyang baliw?!
"Ma-an -"
"Im going home" wala talaga siya sa mood pumasok pero pinilit lang niya kanina per hindi talaga pala niya kaya. hays.
'Ihahatid na kita -"
"Nah. I can manage" putol niya dito. bago pa man ito makaapila pa eh mabilis na siyang umalis.
Kung titignan ay para talaga siyang Zombie dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Ni hindi kase siya nagabalang magsuot ng salamin. Ang buhok niya ay medjo nagulo at laylay ang mga balikat niya.
Pinagtitinginan na ngasiya ng mga nakakasalubong niyang kapwa estudyante pero deadma lang siya. Pag ba inintindi ko sila eh magpapakita na sakanya si Zue? Hindi dibee?
She sighed. Narinig niyang nagbeep ang cellphone niya na nasa bulsa niya. May nagtext. nagdadalawang isip pa siya kung titignan niya iyon dahil baka umasa nanaman siya na si Zue na iyon tapos hindi naman pala pero sa huli ay tinignan pa din niya.
Kumabog ang dibdib niya ng mabasa ang nakarehistrong pangalan. hindi niya alam kung bakit pero kinabahan siya bigla lalo na ng mabasa ang mensahe nito.
From: Lovydabs <3
Meet me at my condo ...
Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Why? Hindi ba't ilang araw niyang hiniling na magparamdam ito pero bakit ngayong nagtext ito eh ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya.
Pupunta ba ako ? Nagtatalo ang kanyang isipan. Natatakot siya sa maaring mangyare oras n aumunta siya pero bakit nga ba siya matatakot?
Relax Chii. Si Zue lang yan! Ang Lovydabs mo. Pangungumbinsi niya sa sarili pero waepek! Kinakabahan pa din siya.
Hindi kaya ... No. That's impossible, dont think too much Chii. Mahal ka niya kaya imposible! Sobrang imposible ..
YOU ARE READING
HR#2: TORN INTO PIECES
ChickLitGiving up doesn't means you are weak, sometimes it means you are strong enough to let go.