Chapter III"Aki! Aki! Totoo ba!?" Takbo ng dalawang kaibigan ko sa harap ko. Nakapangalumbaba ko silang tinignan at sumulyap saglit sa bintana.
"Ang ano?" Wala akong lakas ngayon makipag-usap. I just had a heartbreaking scene kanina sa may gate at hindi ko matanggap yun.
"Umamin ka na kay Ethan!?" Kierra shouted. Sinamaan ko siya ng tingin at bumusangot.
"Paano mo nalaman!?" Pinanliitan ko siya ng mata at inaakusahan na parang may sala.
"Duh girl, hindi lang kami ang may alam kundi buong school na no. Sino ba naman kasing tanga ang aamin sa may gate no?" Inikutan ako ng mata ni Glyza at kumuha ng katabing upuan at umupo sa harap ko.
"Huh? Paano nila nalaman?" Pareho silang umikot ang mata at tinaasan ako ng kilay.
"Minsan may pagkashunga ka din Aki. Ang tanga mo din kasi umamin. Sa may gate pa. Alam mo naman doon ang entrance at literal na madaming makakakita sa inyo nun." Napakamot ako sa ulo ng mareliaze ang sinabi ni Kierra.
Oo nga no, dapat hindi muna ako umamin. Wrong timing, si Dwayne kasi ginugulo ako kanina hays.
"Hayaan mo na nangyari na." Tumungo uli ako at naiiyak na sa naisip. He just rejected me. Ni hindi pa nga niya nababasa yung nagawa kong letter sa kanya.
Ilang oras ko din pinag-isipan yun tsaka english pa. Hirap kaya magenglish, humingi pa ako ng tulong kay Google.
"Ano ka ba, cheer up. I told you already diba, wag ka ng umasa na magugustuhan ka ng lalaking yun. Mataas lang ang tingin nun sa sarili dahil madaming nagkakagusto sa kanya at sobrang talino. Dapat yung ginugusto mo yung mga level lang natin." Inangat ni Glyza ang ulo ko at pinagsabihan ako.
"Kasi naman eh, pafall ang personality. Tapos dagdag mo pa yung pagiging seryoso, sinong hindi mahuhulog sa kanya." Sabay tingin sa taas at inimagine ang mukha niya. Pinitik ni Kierra ang noo ko at nagcross arm.
"Ang umasa sa taong hindi ka kailanman magugustuhan ay masakit. Hindi ka pa ba natakot nung mapahiya yung mga umamin sa kanya? Ano ngayon ang napala mo? Kahihiyan?" Parang nanay na sermon sa akin ni Kierra.
"Eh kasi naman ehh.-"
"Hoy, bakit inaaway niyo ang crush ko. Aki, okay ka lang? Sa akin ka na lang, hindi pa kita sasaktan at ipapahiya sa ibang tao." Ngiti niyang sabi.
Ngiting tagumpay na naman ito at nareject ako ng gusto ko. Epal din ang lalaking ito, magkagusto pa naman sa akin eh hindi ko naman gusto. Okay sana kung gusto ko din siya kaso hindi eh.
"Tss, bakit hindi na lang yan si Dwayne ang gustuhin mo. Mas maasahan pa yan kesa sa Ethan na yun. Tsaka mukha namang devoted na sayo ang lalaking yan." Masungit na sabi ni Glyza.
"Oo nga crush, ako na lang piliin mo. 24/7 kitang mamahalin, di kita ipagpapalit. Ikaw lang sapat na." Turo sa akin ni Dwayne sabay kindat. Napaikot ang kilay ko sa sinabi niya.
"Goodmorning Class." Napaayos kami ng upo ng dumating na ang guro namin.
We are now in Grade 12 at malapit ng gumraduate. Inihahanda na din namin ang sarili sa college dahil malapit na matapos ang high school life namin.
Natapos ang ilang klase at break na namin. Kaya napagdesisyunan namin na bumili sa cafeteria.
"Oh anong gusto niyong kainin ngayon? sagot ko." Nakangiting sambit ni Dwayne, napaikot ang mata ko at hindi siya pinansin.
"Sige ba, basta libre mo. Bwahaha" sagot ni Kierra.
People are whispering at us tuwing dadaan kami. Hindi ko naman alam ang pinaguusapan nila pero parang ako yung topic nila.
"Siya yung umamin kay Ethan kanina diba?" Sabi ng isang babae sa katabi niya.
"Oo, lakas ng loob umamin. Alam naman niyang hindi siya sasagutin ni Ethan." Sagot ng babaeng kausap niya. Napatingin naman ako sa kabila.
"Pathetic. Isang section E? Sasagutin ni Ethan? Sino ba siya para umasa, hindi pumapatol si Ethan sa mga boba." I tried not to listen to what they're saying pero bigla na lang nagsalita si Glyza.
"Anong ibinubulong bulong niyo diyan? Wala kayong sariling buhay at pinapakielaman niyo ang buhay ng ibang tao? Pathetic, walang magawa sa buhay." Sigaw niyo sabay padabog na umalis.
Sumunod lang kami sa kanya at hindi na pinansin pa ang sinasabi ng iba.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon