- CHAPTER XI -

2.1K 102 6
                                    


Chapter XI

"The best ka talaga Aki!" Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa dalawang babaitang nasa harap ko.

Simot talaga ang wallet ko dahil hinila nila ako sa vikings, tapos niyaya pa nila akong manood ng sine na ako din ang nagbayad at umungot pa ng milktea na hindi ko din natanggihan dahil favorite ko to.

"Geez, di man lang kayo naawa sa walet ko. Butas na siya huhu." Tumawa lang sila at iniwan lang din ako para tukingin tingin. Nagdecide kasi kaming magwindow shopping muna dahil sa sobrang kabusugan.

Madami akong gustong bilhin na art materials kaso simot na talaga ang pera ko. May pera pa naman ako sa bahay kaso mukhang hindi pa yun kakasya sa isang linggo.

Suddenly my phone rings. Nagtaka naman ako ng makitang unknown number siya.

"Hello?" I answered the call pero wala namang sumasagot sa kabilang linya.

"Hello? Sino po sila?" Magalang kong tanong kahit hindi ko naman alam talaga kung sino ang tumatawag.

"Where are you?" Malamig na tanong nito. Kinilabutan ako sa tono at lamig ng boses niya. Sigurado akong lalaki ang tumatawag.

"Po? Sino ka po ba?" Napakunot ang noo ko dahil feeling ko pamilyar ang boses nito.

"Where the hell are you?"halos mabitawan ko ang cellphone nang halos sumigaw na ito sa phone.

"Sa mall po. Teka nga kanina pa ako nagtatanong, sino ka ba?-" bigla niyang pinatay ang tawag. Biglang may nagpop up na message.

"If you don't go here in our house for 10 minutes, I will no longer tutor you." Natuod ako sa kinatatayuan ko ng mabasa ang text.

Isa lang naman ang nagtutor sa akin kundi si Ethan kaya malamang sa malamang siya ito.

"Kierra, Glyza! Una na ako ha. Mukhang mapapatay pa ako ngayon huhu." Dali dali akong tumakbo palabas sa mall at pumara agad ng taxi papunta kela Ethan.

Agad akong nagdoorbell sa bahay nila Ethan. Kaba at takot ang nararamdaman ko dahil malaki ang posibilidad na  mawalan ako ng tutor at bumagsak. Tsaka sayang din no, crush ko pa yung nagtuturo. Once in a life time lang yung mangyayari.

"Hehehe hello po." Bati ko kay Manang Loida, kasambahay nila Ethan  ng pagbuksan niya ako ng gate.

"Naku Aki, kanina ka pa hinihintay ni Ethan." Marahan akong napalunok sa sinabi ni Manag Loida.

Tumingin ako sa orasan  nang makitang 6:30 na. 1:30 ang labasan namin at ngayon ko lang naalala na pinapapunta niya ako dito pagkatapos agad ng klase.

Ahh! Ang tanga mo talaga Aki, bakit ba kasi makakalimutin ako huhu. Patay talaga ako nito kay Ethan.

Dahan dahan akong pumunta sa study room ng hindi makita sa living room si Ethan na kadalasang nanonood ng movie tuwing pupunta ako.

Bahagya muna akong napalunok at inayos ang sarili. Nanginginig kong binuksan ang pinto at namataan na nagbabasa ito ng libro.

Kahit pala talaga nakatalikod siya ang gwapo gwapo niya huhu. Bakit pinapahirapan mo ako Lord ng ganito.

Humarap siya sa akin ng maramdaman niyang tumunog ang pinto pagkasarado ko. Biglang napalitan ng nakakunot na noo ang seryoso niyang mukha.

"Tss. " lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat niya. Mas nakita ko ang matangos niyang ilong at mapanga niyang mukha.

"Give me 10 reasons why are you late." Hindi niya inalis ang mata sa librong binabasa niya.

"Ahh- ehh kasi,... ano..." napakamot ako sa batok nang hindi ko alam kung anong paliwanag ang ibibigay ko sa kanya.  Nakakatakot ang presensya ngayon at parang papatay siya anytime sa awra niya. Huhu, scary.

"Fine." Nagulat ako at napakapit sa upuan ng ibagsak niya ang libro sa harapan ko.

"Do you know that I just wasted 5 hours waiting for you for God sake, you woman." Nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

Napaimpis ang labi ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko ba alam kung maiiyak ako dahil sa gulat sa pagsigaw niya o maguguilty dahil pinaghintay ko siya ng napakatagal.

"Sorry." Yun na lang ang lumabas sa bibig ko nang hindi niya pa din inaalis ang masamang tingin niya sa akin.

"Fuck, sorry? Don't ever waste my time again dahil sa susunod na gagawin mo pa to, I will never tutor you again kahit pa magalit sa akin si tito. Understand!?" Napatigalgal ako sa sigaw niya at hindi makatingin sa kanya ng maayos.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Oo na, crybaby na ako pero hindi lang talaga ako sanay na sinisigawan o may galit sa akin.

Hindi ba pwedeng magkamali? Bakit perfect ba siya huhu. Nakakainis naman oh.

"Stupid." Padabog niyang sinara ang pinto at iniwan akong nag-iisa sa study room.

Falling For YouWhere stories live. Discover now