- CHAPTER VI -

2.2K 113 6
                                    


Chapter VI

Ngayon ay papunta kami sa bahay ng kaibigan ni papa. Pumayag na daw kasi yung anak nun na itutor ako. Mabait siguro yun kaya kinonsider akong itutor.

"Anak nandito na tayo. Pagpasok natin, magmano ka agad sa kanila ahh." Inihinto ni papa ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Para siyang mansiyon na medyo may kaliitan ng kunti kung titignan sa naturang mansiyon talaga.

"Opo, papa." Masaya akong lumabas sa sasakyan at kinuha ang niluto namin ni papa na pasta at binake na cake.

Fine, si papa lang nagluto pero atleast tumulong ako diba? Ako kaya naglagay sa lalagyanan tsaka nagdesign ng cake. Malaki ambag ko no.

Pumasok kami sa loob at agad kaming sinalubong ng mag-asawa. Yung babae mukhang kasing edad lang din ni papa pero sophisticated at elegant ang dating samantalang nasa tabi din naman niya si Tito Eros na matagal ko nang kilala dahil madalas na pumupunta sa restaurant ni papa.  Medyo malaki ang katawan niya at  halos kasingtangkad lang din ni papa.

"Nandiyan na pala kayo Deo, halikayo at pumasok." Sinundan namin sila at umupo sa sofa.

"Ikaw ba si Akira? Napakaganda mong bata, manang mana ka sa mama mo." Ngumiti ako sa babae at tumango.

"Aki na lang po." Magalang kong sabi. Ilang naman akong tumingin sa mag-asawa dahil todo ngiti sila sa akin. Ang creepy.

"Tawagin mo na lang akong Tita Rachel or Mommy." Napatango na lang ako at naging kumportable agad dahil sa magaan na pagwelcome nila sa amin.

Nilibot ko ang mata sa bahay. The style of the house is modern with a touch of american style. Malawak din at malinis tignan ang paligid at pwede pang magkasya ang 50 katao sa lawak.

"Who are you?" Nabaling agad ang tingin ko sa salita at nakitang matalim na nakatingin sa akin ang bata.

"Ahh this is your ate Aki, Brix." Ngumiti ako sa kanya at naghi pero tinalikuran niya lang ako at padabog na umalis sa harapan ko.

"Pagpasensyahan mo na Aki, mukhang wala na naman sa mood si Brix." I just wave my hand at sinabing okay lang. I tried to understand what they are talking about kaso wala talaga akong maintindihan.

Puro na naman business ang pinaguusapan kaya napagdesisyunan kong mag-ikot muna sa bahay nila. Pinayagan naman nila ako at hinayaan muna para makapaglibot ako sa bahay.

My father and tito Eros are colleagues in college and they starting to help each other. As papa wanted to be a chef, he started to managed a restaurant while tito Eros started to build a company business.

Unang umangat si papa kaya malaki ang natulong niya kay tito Eros but when tito Eros started to be well-known, their friendship became stronger.

I've known tito Eros for many years pero hindi ko alam na may mga anak na pala siya. 2 taon na din kaming hindi nagkikita simula ng mamatay si mama.

I just roamed my eyes in the place hanggang sa mapansin ko ang mga nakahilerang picture frame na nakapatong sa mahabang cabinet.

I looked at the pictures at nakitang may dalawang picture ng dalawang lalaki. The other one is much taller at mukhang may kamukha siya. Yung maliit naman ay hula kong si Brix dahil kamukha nito.

Tinignan ko pa ang ibang litrato ng dumako ang mata ko sa ilang family pictures.

Kinuha ko ang isang frama at tinignang mabuti. May kamukha talaga yung matangkad na lalaki. Nilapit ko pa sa mukha ko para matignang mabuti nang may biglang nagsalita.

"What are you doing here?" Nabitawan ko ng wala sa oras ang frame at nanlalaki ang matang tumingin sa nagsalita.

What the hell is he doing here!?

Falling For YouWhere stories live. Discover now