- CHAPTER IV -

2.5K 123 2
                                    


Chapter IV

"Lilipat na kami sa saturday sa bagong bahay namin. Pupunta ba kayo?" Kumakain kami ngayon dito sa Cafeteria.

Hindi naman natigil ang bulong- bulongan sa paligid pero hindi na namin ito pinansin. Ito namang si Glyza pigil na pigil magwala, maikli talaga pasensya nito, hays.

"Oo naman crush, isasama ko pa ang tropa." Abot matang ngiti ni Dwayne. Binalingan ko si Kierra at Glyza na lamon lang ng lamon sa harapan ko.

"Yeah whatever. Basta lulutuan kami ni Tito." Masungit na sambit ni Glyza. Bakit ba ang sungit ng babaeng ito? Magkakajowa pa kaya ito sa lagay na to, Geez.

"Oo nga, ansarap kasi ng luto ni tito hindi katulad ng iba diyan, parang nilamutak na ewan kung magluto." Vulgar na sabi ni Kierra. Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro ng tinidor.

"Anong nilamutak ka diyan, okay naman ang luto ko ahh. Hindi lang maganda yung presentation pero masarap naman. Wag nga kayo diyang judger."

"Judgemental yun Aki, wag ka ng magenglish kung mali-mali din naman." Masungit na sabi ni Glyza.

"Wag niyo nga asarin ang crush ko, okay lang kahit hindi siya marunong magluto. Nandito naman ako para pagsilbihan siya habang buhay." Sabay usog palapit sa akin ni Dwayne.

Napaikot ang mata ko sa sinabi niya at hindi na lang siya pinansin.

We were able to finish our food bago magsimula ang klase. Papunta na kami sana sa room ng may mabangga ako kaya napaupo ako. Agad naman akong dinaluhan ni Dwayne at itinayo.

Pinagpag ko ang pang-upo at masamang tinignan kung sino ang bumangga sa akin.

"Dumb." Maikli lang yung sinabi niya pero tumusok agad sa puso ko yun. Ansakit naman magsalita ng lalaking ito.

"Anong dumb ka diyan, nabangga lang dumb agad. Sino ka ba ahh." Napangisi naman ang dalawang lalaki na nasa tabi niya.

"Miss wag ka kasing paharang harang sa daan. Ayan tuloy, sa susunod kung magpapapansin ka kay Ethan, gandahan mo naman para di ka magmukhang tanga." Napaubo ako sa sinabi ng katabi niyang lalaki at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi ba pwedeng hindi naman sinasadya, hindi naman sa inyo itong daan ahh. May pangalan niyo?" Matapang kong sabi, pero sa loob-loob ko nangangatog na ako.

Bakit ba kasi ang tatangkad ng mga lalaking ito, kailangan ko pang tumingala para makita lang sila.

"Pfft pare wag ka ng pumatol sa mga yan. Tandaan mo hindi natin sila kalevel." Sabay ngisi pa nung isang katabi niya. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin at tinignan ako simula ulo hanggang paa.

"Next time, tignan mo muna dinadaanan mo." Sabay alis niya sa harap ko. Nakanganga lang ako hanggang sundan siya ng dalawa niyang kasama.

Kinausap niya ako at binigyan pa ng advice, ahhh ang lalim pa ng boses niya. Huhu bakit ganun, dapat kalimutan ko na siya ehhh pero pafall hmp.

"Oyy, anyare na sayo Aki?" Sabay kaway ng dalawang kamay ni Kierra sa mukha ko. Bigla ako hinampas sa noo ni Glyza at walang ano anong umalis sa harap ko. Tsaka lang ako nabalik sa ulirat ng maramdamang masakit ang noo ko.

"Tss, ano bang nagustuhan mo sa lalaking yun Aki? Tignan mo nga parang yelo sa sobrang lamig." Saad ni Dwayne. Hindi ko siya pinansin at nagsimula ng maglakad papuntang room.

Para akong lumulutang dahil sa boses niya. Ang lamig, ansarap pakinggan. Ahh ano ng nangyayari sayo Aki, huhu.

Falling For YouWhere stories live. Discover now