Chapter VIII"Aki. Aki! Hello, may kausap ba ako?" Nabalik ako sa ulirat ng may kumakaway na kamay na malapit sa mukha ko.
"Huh?" Tumingin ako kay Kierra na nakasimangot na ngayon sa akin.
"Ano ba yang iniisip mo at napakalalim? Pwede na ba kaming malunod diyan?" Hindi ko alam kung pilit akong tatawa o sasamaan siya ng tingin.
"Pagod lang ako." Pagsisinungaling ko. Hindi talaga, di lang talaga ako makapaniwala na ipinaglalapit kami ni Ethan ng tadhana. Akalain mo yun, naging tutor ko pa siya at anak pa ni tito Eros.
"Tss, don't me. Ethan again right?" Sabay turo sa akin ng lollipop ni Glyza. Sumalampak ako sa desk at ginulo ang buhok ko.
"Paano ako makakapag-aral niyan?" Simangot ko sa kanila. Nakakunot noo naman silang tumingin sa akin at tila hindi alam ang sinasabi ko.
"Nababaliw ka na ba Aki? Ay hindi, baliw ka na pala talaga. Ano bang nangyayari sayo? Kahapon ka pang ganyan ah?" Nagkibit balikat lang si Glyza at humarap uli sa manga na binabasa niya. Ito naman si Kierra ang nagiinterrogate sa akin.
"Wala. Hayaan niyo na lang ako." Yumuko ako para hindi na ako muli tanungin ni Kierra. Ano ba naman kasi yan, nakakaasar.
Hindi din ako makakapg-aral ng maayos kung si Ethan ang magiging tutor ko. Kung iisipin ko pa lang na nasa iisang mesa kami at magkalapit sa isa't isa. Tapos baka may dikit effect pa siya sa akin, ahhhh mamatay na ako huhu.
Hindi ako makakapgsurvive nun huhu. Dapat tanggalin ko na talaga tong nararamdaman ko sa kanya. Bakit ba kasi ang gwapo at talino niya? Nakakapanlaglag panty eh hmp.
"Where's Aki?" Rinig ko. May naghahanap sa akin? Nanatili lang akong nakayuko at baka namali lang ako ng pagkakarinig.
"Aki." Maikli lang yun pero ang sarap pakinggan. Dahan dahan kong inangat ang ulo at nakita ang taong hindi ko inaasahan. Anong ginagawa niya dito?
Kinusot ko ang mata ko at baka nananaginip na naman ako. Nababaliw na ba talaga ako? Nakikita ko yung taong gusto ko...
Kumunot ang noo niya at bumuntong hininga. Hinila niya ako at kinaladkad palabas. Ako namang itong nagpaubaya lang kung saan niya ako dadalhin.
Napapatingin sa amin ang mga estudyanteng nadadaanan namin at parang nagugulat. Hindi sila makapaniwalang hawak-hawak ako ng lalaking gusto ko ahhh.
Kinusot ko uli ang mata ko at kinurot ang braso. Napainda ako sa sakit ng maramdaman ito. Ahhh hindi ito panaginip.
"Tss. Don't let anyone know that I will tutor you okay?" Malamig niyang sabi. Kunot noo ko naman siyang tinignan na tila hindi maintindihan ang sinabi niya.
Naintindihan ko kaya ang sinabi niya kaso slight lang, tutor lang ata naintindihan ko huhu.
"A-ahh o-okay." Bumuntong hininga siya at may inilabas na lunchbox sa bag niya.
"Pinabigay ni Mom." Nanlalaki ang mata kong kinuha ang lunchbox na hawak niya. Aww, naalala ako ni tita Rachel.
"Pasabi thank you." Ngiti ko sa kanya. Napaubo ako at cinompose ang sarili sa harap niya. Geez, nasa harap ako ni Ethan, dapat inaayos ko ang sarili ko.
Tumango lang siya sa harap at umalis na. Napangiti ako ng tignan uli ang lunchbox.
Nanggaling ito sa bag ni Ethan tapos gawa pa ng mama niya to. Acckk! Nakakakilig naman.
Bumalik ako sa classroom ng may malaki ang ngiti sa labi.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon