Chapter XIVArgg, napahawak ako sa tiyan ng maramdaman ang kirot ng gumalaw
ako. Napapiksi din ako ng sumakit din ang magkabilang pisngi.Inikot ko ang tingin at puro lang ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Kinukuha na ba ako ni Lord? Bakit parang ang aga.
Humawak ako sa ulo at inalala ang nangyari. Nanlalaki ang mata ko at tinignan agad ang buhok ko, ramdan kong hanggang leeg na lang ito at hindi pa pantay ang pagkakagupit.
May iilang galos din akong natamo dahil kanina. Nagulat ako ng may biglang pumasok sa kwarto.
"Oh gising ka na pala. Hays, sa susunod lumayo ka na sa mga bully ah. Buti hindi malala ang natamo mo." Tinignan ko lang kung paano nilinisan ni Nurse Hyra ang mga sugat ko habang nakahawak ako sa ice pack na ibinigay niya din.
Napabuntong hininga ako at muling tumingin sa mga sugat, paniguradong magagalit si papa at malamang sa malamang susugod pa sa school kung sakali, hays.
"Naku, mga bata talaga na yun. Hindi na nadadala. Porket mayayan ang pamilya eh kung makaasta parang mga hari't reyna na." Kunot noong reklamo ni nurse Hyra.
"Hindi lang po ba ako ang sinaktan nila dito?" Taka kong tanong. Oo nga naman, anlakas nilang manakit ng tao tapos wala pang tumulong sa akin.
"Malamang hays, may mas malala pa nga sayo kaya maswerte ka. Yung iba nabalian pa ng buto at kailangan pang dalhin sa hospital." Napailing na lang siya matapos malinisan ang sugat ko.
Tulala lang akong nakatingin dito at hindi alam ang sasabihin. Maswerte oa ako sa lagay na to? Geez, nakakainis naman.
Pagkabukas ng pinto, may isang taong pinapasok ni Nurse Hyra. Di ko lang to pinansin at malamang si Dwayne yan o kaya si Kierra at Glyza.
Kinapkap ko ang cellphone sa palda at nakahinga agad ng maluwag ng makitang hindi ito nasira at nagkaroon ng crack. Mahal kaya nito, hirap bumili.
"Are you alright?" Napapiksi ako sa gulat ng malamig na boses ang narinig ko. Dahan dahan kong inangat ang noo ko at nakita ang hindi inaasahang lalaki dito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Halos nabulol pa ako sa sinabi ko sa sobrang gulat. Pero agad kumunot ang noo ko ng makita ang babae na nanakit sa akin kanina.
"She just want to say something to you." Hindi ko pinansin si Ethan at masamang tumingin sa babae.
Ang kapal ng mukha nito para magpakita sa akin matapos niya gawin sa akin ito.
"A-ano A-aki, sorry sa nangyari kanina. Nadala lang ako sa selos kaya nagawa ko yun. Sana mapatawad mo ako para patawarin na din ako ni Ethan." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako sa kama.
Shems, subukan niya lang hawakan ako uli. Di ako magdadalawang isip na sapakin siya.
"Huh, may gana ka ngayong magsorry pagkatapos mong gawin sa akin ito! Napakapal din ng mukha mo no!" Napakunot siya sa sinabi ko pero agad nawala yun ng makitang tumingin sa kanya si Ethan.
"Please Aki, sagot ko na pampagamot. Hindi ko uulitin Aki, sorry na. Gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako" Nagtitimpi akong wag siyang sugurin at gawin ang ginawa niya sa akin. Pero naalala ko na magiging kagaya niya lang din ako pag ginawa ko yun.
"Huh talaga? Gagawin mo lahat? Paano pag sinabi kong magpakalbo ka? Gagawin mo?" Napahawak agad siya sa buhok niya ng marinig niya ang sinabi ko.
"Aki! Stop. Just forgive her, please." Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Dapat ako ang kinakampihan niya ngayon! Dapat concern man lang siya sa akin at pagalitan ang babaeng ito pero bakit parang ako pa ang may ginawang masama.
"Fuck you too. Get out now. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha niyo at hindi ko kayo papatawarin. Lalo ka na Ethan."
Sobrang sama ng loob ko sa sinabi niya. Grabe, wala man lang puso tong lalaking to.
Nagulat siya sa sinabi ko pero agad ding naging seryoso ang mukha niya. Umalis siya at pabagsak na sinarado ang pinto.
Nakangisi namang tumingin sa akin si Chaira at malaki ang ngiti ng lumabas sa pinto.
Iba na naman ang nanalo, samantalang ako laging talo. Napatulala ako sa pinto.
Akala ko sa pagkakataong ito, mapaparamdam niya sa akin na babae din ako sa harap niya at di tagahanga lang. Akala ko mag-aalala siya sa akin dahil nangyari itong lahat sa akin dahil sa kanya.
Pero wala lang din pala. Di niya pa din ako nakikita. Hanggang ganon na lang ba ang mangyayari. Dapat ko na ba talagang tigilan ang pagiging tanga sa kanya? Susuko na ba ako?
Tama na, nasasaktan din ako. Ethan, sobrang nasasaktan mo ako.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon