Chapter XIIIBakit di na lang kasi si Dwayne ang gustuhin ko? Gwapo din naman siya, mabait, magaling magluto, madami din sa kanyang nagkakagustong babae at cool. Pero bakit hindi na lang siya?
Bakit kailangan ko pang magkagustong lalaking di ako kayang gustuhin, na sobrang baba ng tingin sa akin?
Nabalik ako sa wisyo ng may pumitik ng noo ko. Masama sa aking nakatingin si Glyza at umayos ng upo.
"Anong nangyayari sayo?" She seriously said. Ano nga bang nangyayari sa akin?
"Oo nga Aki, kanina ka pa tulala doyan tsaka di tumabi sa atin ngayon si Dwayne." Nasa cafeteria kasi kami at kumakain. Inikot ko ang tinidor sa carbonara na nasa harapan ko.
"Wala lang to. Stress lang sa pag-aaral." Sabi ko ng walang lingon lingon sa kanila. Pareho silang tumingin sa isa't isa at sabay na bumalik ang tingin sa akin.
"Psh, ikaw? Niloloko ba kami Aki?" Tawa ni Kierra. Napabuntong hininga ako at isinubo ng buo ang nasa tinidor.
"Si Ethan na naman ba yan?" Napaigtad ako sa gulat ng padabog na ibinagsak ni Glyza ang bote ng softdrink.
"A-ahh, e-ehh sort of." Mas lalong kumunot ang noo niya samamtalang si Kierra ay tumagilid ang leeg at nagtatakang tumingin sa akin.
"What?... Fine, nagalit sa akin si Ethan. Tapos kanina nagsabi sa akinsi Dwayne na bakit di na lang daw siya? Di naman daw ako crush ng crush ko. Bakit di daw pwedeng higitan yung pagkakaibigan namin. Gulong- gulo na ako." Napahawak ako sa noo at tumingin sa kanila.
"Pfft, ganda mo naman pala Aki eh. Edi ikaw na." Napatawa si Kierra sa sinabi ko, napairap naman si Glyza sa akin.
Ano yun? Ganoon lang ang reaksyon nila. I mean wala man lang silang maiipapayo sa akin? Geez, mga kaibigan ko ba talaga ito?
Napatayo ako ng walang sa oras ng maramdamang may shake na bumasa ng buhok at blouse ko. Napaharap ako sa likod ko at mas lalong nagulat.
Sinampal lang naman ako sa kaliwang pisngi. Tumagilid ang leeg ko sa sobrang lakas, napatayo na din si Glyza at Kierra sa nakita.
"You are the love letter girl from Stem-E right?" Hawak hawak ko ang kaliwang pisngi ng tumingin sa kanya.
Isang grupo ng babae ang nasa harapan ko ngayon, mayabang at nakangising nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita sa kanila at tumingin lang sa kanila.
"Hoy Chaira, nababaliw ka na ba? Bakit mo ginawa yun!?" Sigaw ni Kierra sa likod ko. Biglang may apat na babae ang humawak kay Kierra at Glyza.
Nakatingin lang sa akin si Glyza at hinihintay ang susunod kong gagawin. Tumingin sa akin si Chaira mula ulo hanggang paa.
"Tss, kaya pala di ka nagustuhan ni Ethan kasi ang panget mo. Di ka na nga matalino, di ka pa maganda. Wala kang sense of fashion, at pipi ka pa. Di ka marunong magsalita ha?" Tinulak niya ang balikat ko.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya kahit sa loob loob ko naiiyak na ako. Di dapat ako magpatalo, di ako iiyak. Magmumukhang kawawa lang ako.
"Ano? Tss, stupid loser." I immediately grab her hair para sabunutan. Hinila niya din ang buhok ko at sinisipa ako.
Biglang lumapit sa akin ang mga kasama niya at hinawakan ako sa dalawang braso at puwersahang pinigilan ako.
Galit akong tumingin sa kanya. Hindi ako makakapayag na ganituhin lang nila ako. Di ako talunan, mahina ako pero di ako talunan.
Ngumisi siya sa akin at lumapit. Sinampal niya ako sa kanaat kaliwang pisngi. Napapikit ako ng may kirot na naramdaman. Lumagutong ang sampal niya.
Nakatingin lang sa amin lahat ng nasa cafeteria, yung ibang babae nagchecheer kay Chaira at kasamahan niya samantalang yung iba nagvivideo.
Nakaramdam ako ng sakit sa sikmura ng sapakin niya ako. Umalis siya saglit sa harap ko at pagbalik ay may hawak ng gunting.
Nanlalaki ang mata ko ng ilapit niya sa buhok ko ito. Ginupit niya hanggang leeg ang buhok kong hanggang pwetan. Napaluha na ako ng sunod sunod kong naramdaman ang paggupit niya sa buhok ko.
Nagpupumiglas ako pero malakas sila. Sila Glyza nakawala dahil nakipagsapakan sa mga babae kaso sa huli napigilan pa din siya. Umiiyak na ngayon si Kierra habang nakatingin sa akin.
Matapos niyang gupitin ang buhok ko. Sinimulan niyang gupitin ang butones ng blouse ko. Mas nanginig ako sa takot nang isa isa niya itong gupitin.
Bakit wala sa aking tumutulong? Bakit nila ginagawa sa akin ito? Ano bang ginawa ko sa kanila? Nananahimik lang naman ako ah.
Natigil ang pagtanggal niya sa pagbutones ng may isang lalaking tinulak siya palayo.
Lalong tumulo ang luha ko ng makitang si Dwayne ito. Biglang napaatras ang grupo ng babae ng simulang palibutan sila ng mga kasamahan ni Dwayne, ang gang niya.
Napaupo ako ng makitang wala na ang pinaghirapan kong pahabaing buhok. Nanginginig akong yumakap sa sarili at pinipigilan ang paghagulgol.
Wala akong nagawa sa sarili, di ko man lang napagtanggol ang sarili ko. Duwag nga ako, napakaduwag.
Niyakap ako ni Dwayne at binuhat papuntang clinic.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon