Chapter V"Thank you mga anak ahh at tinulungan niyo kami maglipat ng gamit." Sabay buhat ni papa sa last na box sa truck.
"Wala yun papa, maliit na bagay hehe." Saad ni Dwayne. Di man lang nahiya, walang pasabing papa na ang tawag. Aba akala niya ba magiging manugang niyan hmp.
"Pfft sige asa pa Dwayne. Si Aki ang ligawan mo hindi ang papa niya, mukha naman kasing ayaw sayo." Mapanakit din to minsan Kierra eh, vulgaran magsalita. Di man lang iniisip kung masasaktan yung tao.
"Duh, wag kang ganyan Kierra. Malay mo may pag-asa. Wala namang pumapatol diyan kay Aki kundi si Dwayne lang. Opps, sorry pasmado Aki." Sarcastic na sabi ni Glyza.
Ano ba yan bakit ba ganito ang mga kaibigan ko? Lord, hindi mo man lang ako binigyan ng matino-tino. Pinaparusahan mo po ba ako? Huhu.
"Tama na nga yan mga anak, halina kayo at pumasok muna sa bahay. Ipaghahanda ko kayo ng pagkain." Malugod namang tinanggap ng mga kaibigan ko ang alok ni papa.
Pagdating talaga sa pagkain, walang atrasan ang mga ito. Hays, kailan kaya magtitino tong mga ito.
"Gora na Aki! Kailangan pa talagang tawagin ka?" Inikutan ko lang si Kierra ng mata at sumunod na sa loob.
"Malapit na ang finals, anong balak natin Aki?" Napatingin naman kami lahat kay Glyza na seryosong kumakain.
Sinasabi ng babaeng ito? Bakit biglang naging concern sa pag-aaral. Geez, nakakatakot.
"Eh ano pa ba? Edi asa tayo sa stock knowledge natin HAHAHA." Napaubo ako ng hindi man lang nakitawa sa akin sila Kierra at Dwayne.
Ano ba yan, walang mga support tong mga taong ito. Bakit ba nila pinoproblema yun? Panigurado namang gagraduate kami diba?
"Tanga talaga nito ni Aki, paano ka papasa eh ni stock knowledge wala ka nun?" Napakamot ako sa ulo sa sinabi ni Kierra.
"Ganito na lang, paano kung maggroup study tayo? Gawin natin yung ginagawa nung mga taga section STEM-A." Suggest ni Dwayne.
Napaisip naman kami sa sinabi niya. Group study? Ano nga ulit yun? Wala namang matalino sa amin, paano kami mag-aaral diba? Ni wala nga akong naintindihan sa mga lessons namin sa school, hmp.
"Pfft, nagpapatawa ba kayo? Kayo maggogroup study? Baka puro lamon lang ang atupagin niyo." Masungit na saad ni Glyza. Aba nagsalita ang hindi lamon ang gawain.
"Nakakatawa naman kayo mga anak at iniisip niyo ang pag-aaral. Paano kung humanap na lang kayo ng tutor sa finals niyo. Siguradong malaki ang maitutulong nun." Sabat ni papa na nasa harap pala namin.
Sabay-sabay kaming napakamot kami sa ulo sa sinabi ni papa. Oo nga no, bakit di ko naisip yun.
"Hmm sino naman ang magtitiyaga sa atin? 2 linggo na lang at finals na. Kakayanin kaya ng magtutor sa atin kung sakali?" Sabay pose ni Kierra na tila nag-iisip.
"May kaibigan akong ang anak niya ay tutor. Paano kung doon ka na lang magpatutor anak, siguradong makakapasok ka pa sa top 100 sa buong strand niyo niyan." Pagmamalaki ni papa, curious naman kaming tumingin sa kanya.
"Talaga tito? Pwedeng isama kami? Magbabayad kami kahit magkano basta makapasa lang." Napakamot si papa sa sinabi ni Kierra. Tahimik namang nakikinih si Glyza sa usapan namin.
Palibhasa kasi matalino na at hindi na kailangan pa ng tutor. Napunta lang naman kasi to sa section E dahil sa kabalastugan at hindi inaayos ang pag-aaral.
"Kakausapin ko muna, balita ko kasi madami sa kanyang nagpapatutor. Sige mga anak, maiwan ko muna kayo at ipapasok ko muna ang mga gamit." Saad ni papa.
"Tutulong ako papa!" Sigaw nitong si Dwayne.
Naiwan kaming tatlo sa kusina at tila nag-iisip. Paano kung hindi na pumayag yung anak ng kaibigan ni papa, sino ng magtuturo sa amin?
"May tutor na ako pero lagi kong tinatakasan. Siguro ngayon na ang pagkakataon para seryohin siya." Seryosong sabi ni Kierra. sabay naman kaming napatingin ni Glyza sa kanya at tumawa ng napakalakas.
"Tss, sige lang Kierra. Pagbutihin mo yang pagseseryoso mo. " Sarcastic na sabi ni Glyza.
"Oo nga, baka ibang pagseseryoso yang gagawin mo pfft. Susuportahan ka naman namin pfft. Sana makapasa ka pfft." Di ko na napigilang tumawa.
Di na kami aasa na magseseryoso itong si Kierra. Sa ibang bagay kasi lagi nakafocus. Kung hindi sa pagpapaganda, sa mga lalaki namang walang ginawa kundi magloko.
Ni hindi nga magawang makinig yan sa klase ehh, paano pa makakapaseryoso yun sa pag-aaral.
"Bahala nga kayo diyan, basta magseseryoso na ako. Maghanap hanap na kayo ng magtutor sa inyo at para makapasa kayo." Sabay cross arm ni Kierra.
Napaikot lang ang mata ko at nangalumbaba. Sino kaya yung anak ng kaibigan ni papa? Sana naman matulungan niya akong makapasa sa finals.
YOU ARE READING
Falling For You
Teen Fiction"Life is unpredictable as well as our fate. We don't know when is this season will come, to find the right person for us. Fate makes our destiny near to the person who are for us." Falling for You @teenFiction By:peacejeon