Kamusta ka na?
Kumakain ka pa ba?
Nakakatulog?
Sana nagagawa mo pa yan.
Huwag mo akong masayadong isipin
Maayos lang ako....
Pero mas maayos sana kung....
Kasama pa kita
Katawanan, kakwentuhan
At kung ano ano pa
Kamusta na ba ang 'tayo'?
May tayo nga ba? O nagkatayo man lang?
Hindi ko din maitindihan
Pero sana.. Huwag mo kong kalimutan
Sa paglipas ng mga araw,
Kasabay na lumilipas ang mga damdamin
Mga saya, kilig at kung ano ano pa
Sa paglipas ng oras
Lumilipas din ang saya
Sayang dulot ng ating pagsasama
Sa paglipas ng mga segundo
Lumilipas din ang bawat ngiti ko
Sa paglipas ng bawat minuto
Lumilipas din ang bawat kwento ko
Sa paglipas ng mga oras
Lumipas din... Ang sandali ng buhay ko
Sa paglipas ng mga araw
Dinala nito ang pagkatao ko
Sa bawat paglipas na ito
Nagkukulang ako
Dahil wala ka saking tabi sa bawat pag alis ng mga ito
Sa bawat paglipas, lumipas ka din
Sa bawat pag alis, umalis ka din
Lumipas na, oo lumipas na
Lumipas na ang mga sandali na tayo'y
Masasabi pang tayo.
~~~
Sana magustuhan nyo. Hahaha. Salamat!

BINABASA MO ANG
Unsaid Words
RandomMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~