Ano nga ba ang pinagkaiba ng bawal at hindi pwede?
Bukod sa spelling syempre
Ano ba ang bawal?
Ano ba ang hindi pwede?
Yan ang gumulo sa aking isipan
Yan ang tanong ng aking kaibigan habang kami ay naglalakad
Pero ano nga ba?
May pinagkaiba nga ba?
Sa paanong paraan nga ito magkaiba?
Bawal, yan ang lagi kong naririnig sa aking mga magulang
Bawal ka sa ganito, ganyan
Wag mong gagawin to, bawal sayo yan
Ang hindi pwede naman
Hindi pwede sayo yan, masama
Hindi pwede ito sayo
Ano nga ba ang pinagkaiba?
Siguro ganon din sa pag-ibig no?
Maraming bawal at hindi pwede
Maraming isinasaalang-alang na mga do's and don'ts
Pero teka muna, balik tayo sa kanina
Ano nga ba ang bawal at ang hindi pwede?
Nakakalito, oo litong-lito na ako
Bakit ba naman kasi naimbento pa
Ang mga salitang halos iisa lamang ang ibig sabihin
Bakit nga kaya?
Pwede naman na isa na lang
Para naman hindi nakakalito, diba?
Bakit kasi kailangan ng isa pa na nagpapagulo?
Isa na halos katulad pero may kaibahan din naman?
Bakit kailangan pang maging kumplikado
Ang paggamit ng dalawang salita na iyon?
Bakit kailangang madagdagan pa
Kung ang isa ay sapat na?
Bakit kailangan pa ng bawal kung may hindi pwede na?
At bakit pa kailangan ng hindi pwede kung may bawal na?
Bakit? Bakit?
Ano ba ang halaga ng isa na wala sa isa?
Hindi ba pwedeng isa na lang?
Bawal bang humiling na isa na lang?
Bawal at hindi pwede.
Hindi pwede at bawal.
Parehong mga salita na nagbibigay ng babala
Babala na maaaring makasakit
O makapagpahamak sa iyo
At sa iyong kapwa
Sa iyo sa maraming paraan
Sa kapwa na mas makakapagpahamak
Sa damdamin man o sa pisikal na paraan
Bawal at hindi pwede
Parehong may mahalagang ginagampanan
Kapag wala ang isa, may magagamit ka pang isa
Pero... Hanggang paggamit na lang ba ng iba?
Kapag hindi magamit ang isa?
Bawal at hindi pwede
Parang dalawang tao lang
Na maaaring magamit
Ng isang manggagamit
Teka, teka parang lumayo ata ako? Haha
Pero parang ganon din naman diba?
Halos walang ipinagkaiba
Ang dalawang salitang ito
Bawal at hindi pwede
Sumisimbolo sa dalawang nagmamahal
Na ginagamit sa tuwing kailangan
At kapag wala ng ibang magamit pa
Bawal at hindi pwede
Hindi pwede at bawal
Bawal
ang
Hindi
Pwede.
BINABASA MO ANG
Unsaid Words
De TodoMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~
