Sa bawat tinta nitong aking pluma
Sa mga salita'y aking nasasariwa
Pait, sakit, hinanakit
Mga ngiti ang nagkubli
Akala ko'y sapat na
Subalit hindi pa rin pala
Ano pa bang kulang?
Naibigay ko ng lahat sa aki'y wala ng natira
Ano pa bang hinahanap?
Kung ang mga paa mo'y sa akin na naglalandas?
Ipinabaon ko na ang lahat sa akin
Lahat ng kinikimkim
Ngayo'y lumaya sa pagbuka ng yong bibig
Malaya ka na
Masasabi mo nga bang malaya na?
Kung naiwan naman sa kanya ang lahat ng pait at pagdurusa?
Kakayanin mo ba?
Makitang ang mahal mo'y nagmamahal na?
Paano ko sasabihing hindi?
Paano ko sasabihing oo?
Paano ko sasabihing sana naging tayo?
Paano? Paano
Pinalaya kita kahit masakit at mahirap
Dahil alam kong diyan ka sasaya
Ngunit anong nangyari?
Masaya ka nga ba o nagtatago ka rin?
Paano ko masasabing tamang binitiwan kita?
Paano na, kung sabihin kong sana'y di na lang kita pinalaya pa?
Paano kung mapagtanto kong mali ang desisyon ko?
Paano kung gusto kong bumalik ka na?
Paano, paano nga ba talaga?

BINABASA MO ANG
Unsaid Words
RandomMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~