Mahal, kaaakibat ng mahal kita
Ay ang pangakong lalaban ako kasama ka.
Kaakibat nito ay pinipili kita
marami man ang higit na nararapat.
Isang libo man ang tanggihan,
Magtiwala ka kapag sinabi kong ikaw ay higit pa sa kanilang lahat.
Ikukulong ka sa mga bisig ko
Poprotektahan ka mula sa mga balang nagsasabing mali ang tayo
Maniwala ka lang mahal,
Sumugal ka lang sa ating dalawa at pangako sa tabi mo hindi na lilisan pa.
Makinig ka,
Maniwala ka,
Sa mundong ito na puno ng kaguluhan,
Sa piling mo lang ako nakatagpo ng katahimikan.~~
Huhuhu. Pagpasensyahan nyo na talaga. T.T

BINABASA MO ANG
Unsaid Words
RandomMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~