AKALA

16 2 1
                                    

Una sa lahat, ito ay isang tula
Marahil masabi nyong ano ba naman yan, nakakatanga
Oo tama, akala, yan ang pinakanakakatangang paniniwala
Pinaniwalaan mo ng kay tagal pero, wala na, wala naman pala talaga.

Pag-aakala ko na tayo'y magkasama na hanggang huli
Ngunit anong nangyari, nilasan aking tabi?
Sa pag-alis mo'y may nakilala ako
Ngunit bakit ganon? Ikaw pa rin ang nasa puso ko?

Akala ko makakalimutan na kita
Sa paglipas ng mga araw na di ka na kasama
Pero bakit tila damdami'y ayaw magpaawat
Ikaw ang naiisip sa araw na lumulubog at sumisikat?

Akala ko, mapapalitan ka na dito saking puso't isipan
Ngunit paanong nangyari na ikaw ang tuwina'y namamasdan?
Sabihin ng tanga, pero hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa aking isipan
Sa puso ko'y nakaukit na ang yong pangalan

Sa paglipas ng panahon, hindi ka na naaalala
Pero bakit sa isang text mong 'kamusta ka na?'
Bumalik lahat, lahat na nga
Pati pagiging tanga

Sabi mo'y babalik ka na
Oo, sinabi mo yan na hinawakan ko na
Di na ko nag-isip ng kung ano-ano pa
Dahil ikaw yan, ang gusto ko o baka higit pa talaga

Akala ko babalik ka na sakin
Akala ko ang ikaw at ako'y ating tutuparin
Akala ko ikaw na nga ang sagot sa aking mga tanong
Pero anong nangyari sa mga akala ko?

Hanggang akala lang pala talaga
Dahil ikaw ay mayroon ng sinisinta
Nadurog ang puso ngunit di pinahalata
Ngumiti ako at nagwika

"Lahat ng akala ko'y iyo ng winakasan sinta."

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon