Si tadhana ang naglaro
Gumalaw sa piyesa nito
Ginulo ang bawat mundo
Ngunit inayos ang sa inyo.May naiwang sawi
Masayang tingnan dahil nakangiti
Pero may tinatagong sakit
Sa mga mata nakaukit.Di mahalata ng ilan
Dahil pilit na iniiwasan
Dahil hindi tama, hindi na dapat
Wala ang dating matatag, ngayo'y nagkalamat.Siya ang dahilan ng dating saya
Na ngayo'y nararanasan mo na
Siya ang dahilan ng sakit
Na ngayo'y dala-dala sa bawat pagpikit.Humihiling sa bawat bituin
Na sana'y palipasin
Ang sakit, ang pait
Nang tuluyang makalaya sa sakit.Umasa na mayron pa
Umasa na baka bumalik pa
Umasa na sana siya pa rin
Umasa na kahit huli makahabol pa rin.Ngunit kaybilis nga ng kanyang paggalaw
Tila walang naiwan sa mga araw na dumalaw
Pero hanggang ngayon, ikaw pa rin
Oo, ikaw pa rin, ikaw kaya? Ako pa rin?Sa aking nasasaksihan
Wala na nga, dati kong kaibigan
Ang T A Y O ay lumipas na
At ngayon masaya ka na sa piling nya.Wala na nga akong magagawa
Ikaw ang bumitaw sa sinabi mong ako
Di ako sumuko kagaya ng ginawa mo
Akala nila binitiwan kitaPero hindi, ikaw ang bumitaw
Sa mahigpit ko pagkapit
Ikaw ang umiwan sa ating mga araw
Ikaw ang sumuko sa lahat ng sakitAt ako? Naiwan ako
Di ako nakasabay sa pag-usad mo
Di na kita naabutan dahil sinadya mo
Oo, sindya mo na iwanan ako.Ang sakit, ang sakit sakit
Ako ang nahirapan, nagdusa
Sa bawat pagpikit lalong sumasakit
Bakit? Dahil bumitaw ka.Binitiwan mo ako sa hirap na dapat ay atin
Iniwan mo ako sa araw na dapat ayusin
Nagpakatanga ako sa sinabi mong 'kaya pa'
Umasa ako na ika'y babalik pa.Ngunit wala na, wala na talaga
Ika'y hindi na babalik kailan man
Sapagkat kinalimutan mo na ang dating saya
Na ngayon ay sa kanya mo na iniiwan.'Wala', 'okay lang ako', 'ano ga yun?'
Mga sagot ko sa mga tanong niyo
Ano pa nga bang aasahan?
Ayokong kayo ay magulo.Ayos na ko
Kinalimutan ko na
Sana'y magkaayos tayo
Kahit magkaibigan na lang.Masaya ako para sayo
Na kahit sandali nabigyan mo ako ng saya
Ngunit ang pagkakaibigan ang kapalit
Na sana'y maibalik pa.Kaibigan, oo kaibigan pa rin ang turing ko sayo
Sapagkat naging bahagi ka na nitong mundo
Ikaw ay minsang nagpasaya
Nagbigay kulay pa nga.Salamat sa mga araw na masaya
Salamat sa araw na puno ng tawa
Salamat sa pagsubok at sakit
Salamat sa oras mo na hindi maubos.Lahat ng ito ay naibigay mo
Kaya salamat, salamat
Ikaw, kaibiga'y walang kapantay
At walang hihigit pa.Dito sa puso ko, laging may puwang ka
Huwag mo naman akong kalimutan
Alama kong masaya ka na
Kaya mahal kong kaibigan muli,P I N A P A L A Y A N A K I T A.
BINABASA MO ANG
Unsaid Words
RandomMga kaechosan lamang ito ni otor. Hahahaha. Feel free to vote and comment mga bebe labs! Hehez. More on tula ata to? Ahaha. Basta. Peace out~