MAGULONG PAG-IBIG

19 2 0
                                    

Hindi ako titigil

Magsulat magisip

Ng mga piyesa't tula

Kahit gaano pa kalalim

O kahit 'di ko na rin

Maintindihan --

Iintindihin uunawain

Ko pa rin para sa'yo

Na ikaw ang siyang nagtulak

Upang mamulat

Ang aking kaisipan

Sa tunay na mundong

Aking kinagagalawan.

Na kung sakaling iyong malaman
ang katotohan

Sa tunay kong katauhan

Ay batid kong iyong maiintindihan..

Dahil ganoon kapag nagmamahal..

At iyon ang 'yong itinuran.

Medyo naguguluhan

Kung ano ang kahihinatnan

Ng piyesang ito

Hindi ko maipunto

Wala atang punto..

Alam kong magulo

Hindi ko na rin, na rin nila, na rin ninyo

Maunawaan

Ano nga ba

Ang mensahe't nilalaman..

Ngunit ganito raw kapag nagmamahal..

Magulo, malabo, mahirap intindihin

Ngunit iintindihin mo pa rin

Kasi ganito kapag nagmamahal..

At ikaw na rin ang siyang nagsabi -- aking Ama.

"Anak, ganyan kapag nagmamahal.. magulo, mahirap intindihin ngunit iintindihin mo pa rin."

Intindihin nalang natin kahit tila mahirap maintindihan

Ngunit ganito pala talaga 'pag nagmahal....
MAGULO

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon