KAIBIGAN LANG

17 2 0
                                        


Salamat sa mga oras na pinapatawa kita

Pero ako pinapaiyak mo na

Salamat sa mga oras na wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka

Samantalang ako' binabalewala

Naging tanga ako.

Pero salamat, salamat sayo

Dahil minulat mo ang mga mata ko

Dahil binigyan mo ko ng rason para mapagod ako

Salamat.

Salamat sa mga masasayang araw na kasama ka.

Sa mga araw na puno ng saya

Sa mga araw na ikaw ang pumuno

Sa mga oras na ako'y nanlulumo

Salamat.

Para sa mga pagkakataong pinasisikip mo ang dibdib ko.

Sa mga masasakit na salitang itinarak mo sa puso ko.

Salamat sa mga araw na pananakit mo

Kahit kailan hinding hindi mabubura sa isip ko.

Salamat.

Kung pano mo kong ginawang tanga.

Kung paano mo ako napaglakad mag-isa

Sa panahon na nagawa mo kong tiisin.

At sa pagtuturo upang luha ay pigilin

Patawad.

Pagkat ako'y pagod na, pagod na ako

Pagod ng ipagsiksikan ang sarili ko

Sa taong kahit kailan hinding hindi makukuntento

Sa kung ano ang kaya at sa kung sino ako

Patawad kasi hindi ko nagawa ang pangako ko

Na hindi ako mapapagod na mahalin ka.

Pero tandaan mo!

Ikaw ang dahilan kaya pagod na pagod na pagod na ako

Ikaw ang nagbigay ng rason para mapagod ako.

Kaya salamat.

Salamat at kaya ko palang mabuhay ng wala ka

At kaya na kitang makita ng masaya na hindi na ako ang dahilan pa.

Salamat. Salamat.

At ngayon aking mahal, tanggap ko na

Kahit kailan, walang ikaw, walang ako

Walang 'TAYO' hanggang dulo.

Kaya salamat, hanggang doon na lang,

Walang ikaw, walang ako,

Isa lang ang sigurado

Hanggang kaibigan lang ako.

AN:
Hello sa lahat. Sorry natagalan mag-update (patawad po talaga). Pinalitan ko pa yung nauna kong napublish kasi po may lart na hindi napasama so yun! Sana po ay magustuhan nyo. Salamat po sa mga nagbabasa at sumusuporta. Peace out~

Unsaid WordsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon