FEELINGS

18 2 0
                                        

Salitang maraming ibig sabihin
Kung Totoo nga ba o hindi
Sa katunayan ay nalilito pa sa gustong iparating
Oo takot kang masaktan.
Oo takot kang baka malaman.
Oo takot kang baka sya ay lumiban.
At ikaw ay tila walng mapagsidlan.
Nakakalung kot isipin.
Na kung sasabihin ba o hindi at mananatiling lihim
Ang iyong damdamin na kung sya ay iibigin.
Dahil baka sya ay mawalay sa akin
Saan nga ba ito nag simula?
Sa simpleng biro nya na,
Sa una ay nagka-ilangan pa.
At sa sandaling araw ay hina-hanap na.
Pero minsan tinatanong ang sarili na totoo ba?
Pwede ba? Na kahit alam mo na? Naguguluhan pa.
Sa araw,oras na makikita mo sya.
Gusto mong ka usapin at kamustahin sya.
Kahit ikaw ay naiilang na.
Hindi ko alam kung bakit tuwing makikita mo sya
Ay parang ayaw mo ng umalis pa.
At sa tuwing lilipas ang araw na di mo makikita ay parang kulang ka na
Na hanggang sa pag-uwi ay dala pa
At maiisip mo na ikaw ay baliw na
Na parang gulong gulo kana
At sa isip ay pilit dinadaing na tumigil na.
Sana mali na lang na isipin pa
At pilit na limutin sya
Na parang walang pangamba
Para maayos na.
Dahil sa oras na umamin ka
Ay magmumukha kang tanga
Na pwedeng crush lang kita
At pwedeng magbago pa.
Dahil ako ay pwedeng nalilito pa
Kung ano nga ba talaga.

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon